Magkakasama kami ng mga pamangkin ni Ninong na nagtungo sa dagat. Malapit lang naman ang dagat at abot tanaw lang mula sa resort. May ilang minuto na kaming nagtatampisaw at nagkakasiyahan sa dagat ng maisipan nilang sumakay sa jetski. May pinaparentahan doon na jetski para sa mga turista at pag aari yun ni Tita Lourdes. "Harold!" Napalingon kami kay Ninong ng bigla siyang sumulpot at tawagin si Harold. "You're mom's looking for you!" Medyo humahangos na sabi ni Ninong parang tinakbo niya yung mula sa resort hanggang sa kinapupwestuhan namin. Natigil naman sa pagsakay si Harold sa jetski. Iaangkas sana niya ko kaso mukhang kailangan niyang bumalik sa resort. "Why Tito?" Nagtatakang tanong ni Harold. "I don't know!" Sagot ni Ninong. Panay naman ang kamot sa ulo ni Harold habang pabali