"Nong...!" Pinaandar na niya ang kotse. "What?" He asked. Naisip kong pag uwi na lang sa condo namin ko siya kakausapin. Pumunta kami sa grocery at drugstore para bumili ng gamot ko at pagkatapos ay sinundo namin si Andrei sa bahay ng Ate ni Ninong. Hindi na niya ko pinababa sa kotse pagdating doon. Nandoon kasi si Harold at mangungulit na naman 'yun sa'kin at naiinis doon si Ninong kaya ayaw raw niyang ipakita pa 'ko kay Harold. Kinagabihan, sa condo ko uli ako natulog. Ayaw pumayag ni Ninong dahil gusto niyang doon ako sa kwarto niya katabi siya kaso iritable pa rin ang pakiramdam ko dahil sa mens ko kaya wala rin siyang nagawa nang ipilit kong sa kwarto ko ako matutulog. Naintindihan din naman niya. Kahihiga ko lang sa kama nang bumukas ang pinto at bumungad siya. Lumapit siya sa