Mahigit tatlong linggo ang lumipas na nag effort sa panliligaw sa akin si Ninong. 'Yung kahit gustong gusto ko ng bitawan sa kanya ang salitang 'mahal kita' ay pinipigilan niya naman ako. Gusto pa raw niyang mahirapan at mag effort, para sa'kin sapat na rin naman ang mga ginawa niya kaya plano ko ng sabihin sa kanya kung gaano ko siya kamahal kahit pigilan pa niya ko. Bumangon na 'ko sa kama at kinuha ang cellphone ko. Gaya ng nagdaang araw yung text na naman ni Ninong tuwing umaga ang bumungad sa notification ko. Binasa ko 'yung message niya. Kapareho rin naman ng nakaraan ang message niya pero 'yung kilig ko parang 'yun pa lang 'yung unang beses na nabasa ko ang ganung message niya. Naghanda na 'ko sa pagpasok sa school. Friday at washday ng araw na 'yun kaya pwede ang casual attire.