Chapter 2
Handome Driver
Few months later…
.
.
.
.
“Ma, anong nangyari kay papa?” nag aalala kong tanong dahil isinugod sa hospital si papa.
“Okay lang sya anak. Kelangan lang nya magpahinga.” pag ninigurado sa akin ni mama.
Nag aalala ako kay papa pero mukang okay naman sya.
Ring.. ring..
“Yeoboseyo. Jagiya, titoneun jal jinaeni ( hello baby, how is tito doing) ?” pangangamusta ni JI.
Hay, narinig ko na naman ang malambong na boses ng mahal ko. Ahhh! Namimiss ko na sya ulit.
“Appaneun gwaenchanh-a (papa is okay) Sabi ni mama he needs some rest and he will be okay.” I really hope so.
“Well how about my baby? Are you okay? Pagod lang siguro sya sa work. Aaahhh paano kaya pag may pamilya na rin tayo? Sigurado gaya ni tito, kahit pagod na ako eh mag tatrabaho parin ako para sa misis ko at sa anak natin.” seryosong sabi nya.
Juskong lalake to, naisingit talaga nya yung ganun? Well unfairness kilig si ako naman. Sarap pakingan na kasama ako sa naiisip nyang future nya.
( Okay kalma lang girl. Huwag pa halatang kenekeleggg!!!)
“Ikaw talaga, syempre tutulungan kita mag work para di mo kailangan push sarili mo masyado para kumita ng pera.” Okay so working wife ang peg ko,hehehe…
“Aniyo (no), syempre ayaw kong mag wowork ka pag mag asawa na tayo. Gusto ko sa bahay ka lang. Chill ka lang. Ang work mo, alagaan ang baby natin at ako. Ako na bahala sa income.” At proud na proud sya sa sinasabi nya.
Well may sariling company ang parents nya ang may kaya sila.
“Sige na nga, di ko na pala kailangan galingan sa school kasi di naman ako mag work. Hahaha…” pagbibiro ko sa kanya.
“Nae, kaya huwag ka mapressure sa school dahil sagot ko ang future mo baby ko. I love you!” rinig ko ang assurance bawat salita nya.
Eto na naman sya, sobrang sweet nya talaga. I feel so blessed na lumipat kami dito sa Korea at nakilala ko sya.
.
.
.
As usual, si JI ang sundo ko sa bahay at hatid sundo nya ako sa school.
Walang makakaporma sa akin sa school dahil kilalang kilala sya doon dahil graduate sya doon.
At paano bang may ibang poporta sa akin kung hangang room ay inihahatid nya ako at kilala nya at close lahat ng teacher sa campus.
Pag uwian na ay sinusundo din nya ako palage.
Pero simula ng nag umpisa ang training nya bilang idol ay hindi na sya masyadong nag papakita sa school pag sinusundo at hatid nya ako.
Okay lang naman pero nakaka miss din talaga.
Beep! beep!
“Baby, get inside.” Binuksan nya ang pinto ng car nya pero hindi na sya bumaba.
(Here’s my handsome driver.) Sabi ko sa isip ko habang nangingiti.
“Hi , kamusta ang training? Nangangayayat ka ah…” tanong ko sa kanya pagka upo ko sa passenger seat.
“Gwaenchanh-a jagiya (It's okey,baby). We need to maintain some weight. Tapos batak pa sa training. Kaya naman.” Ang ganda ng ngiti nya. Halatang masaya sya sa ginagawa nya.
“Huwag mo pababayaan ang sarili mo,ha.. Wala ako doon para alagaan ka. Pabebe ka pa naman pag may sakit ka. Hahaha...“ biro ko sa kanya
“Pag masama pakiramdam ko, sayo lang ako tatawag at tatakbo. Kaya Huwag kang mawawala sakin baby. I can’t imagine my life without you here with me.” Sabi nya.
(Kalalakeng tao, ang lakas mag senti..) hahaha kinikilig naman ako syempre.
Feeling ko tuloy ang haba ng hair ko,hahaha… (Enebey … hihi…)
“Oh, namumula ka jan. Kinikilig ka na naman noh?” tanong nya habang nangingiti ng tagilid.
“Kapal mo naman po. Pogi ka? Pogi?” pag dedepensa ko.
Oo, sobrang pogi nya at tuwing ngingiti sya na labas ang magandang ngipin nya ay para nalulunod ang puso ko.
Bigla syang lumapit sa akin na halos mag dikit na ang mga labi namin.
(Sheeeettt… ang bango ng hininga nya. Hoy ano ba? Makatitig ka jan, maawa ka naman sa puso ko, parang sasabog na sa lakas ng kabog!)
“So, I’m not pogi? Am I not handsome in your eyes?” panunukso nito na may nakakalokong tagilid na ngiti. Lumalabas ang munti nyang dimples sa tabi ng labi nya.
(God he’s so perfect Help me breath.) “Ahh… a-ano kaba? Tapat pa tayo ng school. Tama na yang bibiro mo. Hehehe...” saway ko sa kanya na nanginginig ang boses.
“ I’m not kidding baby. If I’m not still handsome for you, I will make my self handsome. Mahirap na, baka ipagpalit no pa ako. Baka kung anong magawa ko sa ibang lalakeng gwapo sa paningin mo.” Sabi nito.
Hindi ako maka imik at tinitignan ko sya habang pinag mamasdan nya ng mapungay niyang mata ang mga labi ko.
“Hahaha … breath baby. I know kahit hindi ako kasing gwapo ng iba ay ako lang ang mahal mo, diba?” sabi nito ng natatawa tawa pa pero hindi parin lumalayo sa akin.
Nakita ko ang konting lungkot sa mga mata nya.
Di ko napigilan ang sarili ko at tinaas ko ang kanang kamay ko sa batok nya at inalis ang space sa pagitan namin.
Oo. Hinalikan ko sya ng marahan at puno ng pagmamahal. Naramdaman ko rin na tumugon sya sa aking halik at lalo pang idiniin ang amin paghahalikan.
“I love you baby. You don’t know how much I miss this kiss.” sabi nya at muling ibinalik sa akin ang labi nya.
Naramdaman siguro nya na kinakapos na ako ng hininga kaya sya na ang tumapos nito.
“I love you too. At sobrang na miss din kita.” Binigyan ko sya ng isa pang mabilis na halik at ngumiti ng masaya
.
.
.
..
.
.
Minsan ay ilang lingo ang tinatagal nya at hindi kami nag kikita. Pero hindi sya nakakalimot tumawag at mag text pag free time nya.
.
.
.
Isang gabi ay nagising ako dahil parang may ingay sa bintana ng kwarto ko. Hindi ko ito naisara at nakatulog ako sa study table ko.
Pag tayo ko para sana isara ito ay biglang may tumakip ng bibig ko mula sa likuran.
“Mmmh… mmmh…” pilit akong kumakawala pero hindi ko magawa..
.
.
.