SINFUL CEOS SERIES: BOOK 5 PASSIONATE DECEPTION Doukas Damarcus Chapter 23 INALIS NI DOUKAS ang sombrerong yari sa buri sa kanyang ulo nang makaupo siya sa ilalim ng malaking puno ng mangga. Inilapag niya muna ang supot na may lamang lunch box upang punasan ang kanyang pawis. Tirik na tirik ang araw sa mga oras na iyon. The noontime sun shone relentlessly all over the surroundings, roasting the green grasses around. Sultry weather is just the worst. Pasado alas dose na iyon at ngayon lang niya naiwan ang trabaho sa fish pond. Hindi dahil sa utos ni Kapitan na siyang may-ari ng palaisdaan kundi dahil nawiwili na rin si Doukas sa ginagawa to the point na hindi na niya namamalayan ang oras. He had never imagined that taking care and feeding fishes would be so fun and fulfilling. The