Episode 9

2307 Words
Episode 9 RACHER’S POINT OF VIEW. Sinamahan ako ni Louis sa aking kwarto pagkatapos naming magkasagutan dalawa. Alam kong hindi tama ang ginawa kong magalit sa kanya kasi wala naman siyang kinalaman kung bakit nakulong ang daddy ko. Hindi ko rin pwede na ibunton ang galit ko kay Louis dahil hindi porket isa siyang Coleman ay kasalanan na niya kung bakit nakakulong ngayon ang aking ama. “Okay ka na ba? kumalma ka na ba?” tanong sa akin ni Louis habang hinahaplos ang aking buhok. Nandito kami ngayon sa aking kama. Nakahiga kaming dalawa at nakayakap ako ngayon kay Louis habang siya ay hinahaplos ang aking buhok at kinakantahan ako. Napatingala ako sa kanya at maliit na ngumiti, “Hindi ka pa ba uuwi?” mahina kong sabi. Hinaplos niya ang aking pisngi at ngumiti. “Hindi kita iiwan mag-isang ganito, Rachel. Wala rin naman akong gagawin at ayoko rin na umuwi sa mansion dahil sigurado akong maingay ngayon doon,” sabi ni Louis. Napatango ako sa kanyang sinabi. Ngayon ko lang napagtanto na ang hirap din pala na galing ka sa isang mayaman na pamilya at ang pamilya niyo ay hindi mawalan-walan ng mga kaaway. Nakakasawa na ang ganito, sana mabigyan ulit ako ng pagkakataon na pumili sa gustong buhay ko dahil ayoko na sa ganito. Mahigpit akong napayakap kay Louis. Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. “Kumain ka na,” sabi niya. Napatingin ako sa kanya at napanguso. “Gusto ko kasama kitang kumain,” sabi ko. “Gusto mong ako ang kumuha ng pagkain natin sa labas?” tanong niya habang nakangisi. Tinignan ko siya ng masama at mahinang sinuntok ang kanyang dibdib. Napatawa siya sa naging reaksyon ko sa kanyang sinabi. Parang gago rin ang isang ‘to eh. Alam niya namang nandito siya sa bahay namin at kapag may nakakitang isa sa mga kasambahay namin sa kanya ay walang pag-aalinlangan na tatawagan kaagad ng mga kasambahay namin sila mommy at ibabalitang nakita nila ang tagapagmana ng mga Coleman sa bahay ng mga Mijares. Umalis ako sa pagkakahiga sa aking kama at muling napatingin kay Louis na nakahiga pa rin ngayon habang nakangising nakatingin sa akin. Nakakainis! Bakit ang pogi niya? “Dito ka lang. Kukuha lang ako ng makakain nating dalawa sa may kusina,” sabi ko sa kanya. “Sure, honey,” sabi nito at kinindatan ako. Napailing nalang ako at lumabas na sa aking kwarto. Bumaba na ako sa may hagdan at naglakad papunta sa may kusina. Nang makarating ako sa may kusina ay pumunta kaagad ako sa may refrigerator namin at kumuha ng mga pagkain na nandoon. “Ma’am Rachel!” Napatalon ako sa gulat nang makita si Manang Lordes sa harapan ko pag sirado ko sa pintuan ng aming ref. “Manang Lorder naman! Bakit niyo ba ako ginugulat lagi?” inis kong sabi habang nakahawak pa rin sa aking dibdib dahil sa gulat. Napangiwi naman si Manang Lordes. “Pasensya na kayo, Madame. Hindi niyo ata ako narinig kanina kaya nilakasan ko na ang pag tawag sa inyo,” sabi ni Manang at napatingin sa mga pagkain kong dala dala ngayon. “Mukhang gutom na gutom kayo ngayon Madame, ah? Ang dami niyong pagkain na dala!” sabi nito. Napaiwas ako ng tingin at kumuha na ng tray at nilagay ang mga pagkain sa loob. “Y-Yeah. Hindi kasi ako nakakain kanina dahil sa nangyari kay Daddy,” aking sabi. Nakita ko ang lungkot sa mukha ni Manang nang banggitin ko ang tungkol kay Daddy. “Nakakalungkot talaga ang nangyari kay Sir Eduardo. Hindi ako makapaniwala na gagawin sa kanya iyon, ang bait kaya ni Sir!” sabi ni Manang. Maliit akong ngumiti sa kanya. “Huwag kayong mag-alala, Manang. Uuwi rin bukas si Daddy kasama si Mommy. Nangako si Mommy na ilalabas niya si Daddy sa kulungan,” sabi ko rito at ngumiti. Nagpaalam na ako kay Manang na doon na ako sa may kwarto ko kakain. Tutulungan niya pa sana akong mag dala sa aking mga pagkain pero mabilis kong sinabi na kaya ko nang dahil ang mga ito. Baka kasi makita niya si Louis, delikado. Napaka daldal pa naman ni Manang at baka bigla niyang ipagkalat ito sa ibang mga kasambahay at malaman din ng mga magulang ko. Binuksan ko na ang pintuan ng aking kwarto at nang makita ako ni Louis ay agad siyang tumayo at tinulungan akong dalhin ito papunta sa loob ng aking kwarto. Nilagay naman namin ito sa aking maliit na lamesa. Ni-lock ko muna ang pintuan ng aking kwarto kasi baka bigla nalang pumasok dito si Manang Lordes at delikado na. “Ang dami naman atang pagkain itong dala mo,” sabi ni Louis sa akin at nagsimula ng kumuha ng isang slice ng pizza. Ang mga dala ko lang kasi rito at ilang slice ng pizza, cake, at meron din carbonara. Lahat ng pwede kainin sa ref namin ay kinuha ko na lahat para may makain kaming dalawa ni Louis. Pagkatapos naming kumain dalawa ay niligpit na rin namin itong mga pinagkainan namin at dinala ko na sa labas upang mahugasan ko. Sa kwarto ko na talaga natulog si Louis at sinamahan niya ako. Walang nangyari sa amin nitong gabi dahil hindi naman gumawa ng moves si Louis kaya hindi na rin ako gumawa ng moves ko. Niyakap niya lang ako at kinakantahan hanggang sa dinalaw na ako sa aking antok at nakatulog na. Nang magising ako ay wala na si Louis sa aking tabi. Pero may sulat siyang nilagay sa may lamesa ko at nilagay niya rito na hindi na niya ako ginising dahil ang sarap daw ng aking tulog. Kailangan na niyang umuwi ng maaga dahil pinapatawag na siya ng kanyang mga magulang. Makikita nalang daw kami sa may campus kapag wala na kaming mga class. Napangiti nalang ako pagkatapos basahin ang kanyang mensahe at umalis na sa aking kama at napagpasyahan na maligo sa aking CR dahil may klase pa ako. Nang matapos na akong makapag bihis ng uniform ko ay lumabas na ako sa aking kwarto. Dali-dali akong napababa sa hagdan nang may marinig akong tawanan sa may dining room namin. “Daddy!” Hindi ko mapigilang maging masaya nang makita ko si Daddy ngayon na nakaupo sa kanyang pwesto habang nakausap si Mommy ngayon. “Rachel anak!” Maluha-luha akong lumapit kay Daddy at mahigpit siyang niyakap. Napatayo si Daddy at hinagod ang aking likod. “D-Dad! Akala ko talaga hindi ka na makakalabas sa kulungan,” humihikbi kong sabi habang nakayakap pa rin sa kanya. Mahinang napatawa si Daddy. “Hahayaan ba naming maiwan dito ang prinsesa namin, Rachel?” nakangiting sabi ni Daddy habang nakatingin pa rin sa akin. Napasulyap ako kay Mommy at nakita ko rin na nakangiti siya sa akin ngayon. “I told you, darling! Hinding-hindi ko hahayaan na tumagal ang daddy mo ron sa kulungan,” sabi ni Mommy. Lumapit na rin ako ngayon sa aking ina at nagpasalamat sa kanyang ginawa upang mapaalis lang si Daddy sa kulungan. Masaya ako ngayon sa aming pag kain dahil kompleto kaming tatlo ng aking pamilya. Pagkatapos kong kumain ay nagpaalam na rin ako sa kanila dahil kailangan ko ng pumasok. Nang makarating ako sa may campus ay nakita ko kaagad ang aking kaibigan na si Bonnie na naka abang na malapit sa gate na parang hinihintay niya ako na dumating. Nang makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Seryoso ang kanyang mukha na nakatingin sa akin ngayon. “Rachel, are you okay? I heard about your dad,” seryoso niyang sabi. Oh. Tungkol pala sa nangyari kay Dad kahapon. Siguro alam na ng ibang mga kaklase ko o mga kakilala ang nangyari kay Daddy kahapon. Ang bilis talaga ng mg chismis. “I’m fine, Bonnie. Nakauwi na rin naman si Daddy kanina kaya wala na dapat akong alalahanin pa,” sabi ko sa kanya at nginitian ito. Napabuntong hininga si Bonnie. “Nakakainis talaga ang mga Coleman! Ayoko talaga sa kanila, eh. Lalo na iyong anak nilang si Louis Anderson Coleman! Makikita mo talaga sa mukha ng lalaking iyon na walang ibang maibibigay sa iyo kundi sakit at galit lang,” sabi ni Bonnie. Napaisip naman ako sa kanyang sinabi tungkol kay Louis. Kung hindi mo kasi kilala si Louis ay ang unang assumption talaga sa kanya ay masungit, playboy, at cold hearted. Pero nang makilala ko si Louis ay nakita ko ang pagiging sweet niya at maalaga. Hindi man siya katulad ng ibang mga lalaki na showy, pero pinaparamdam niya naman ito sa akin sa kanyang sariling pamamaraan. Sabay na kaming pumunta ni Bonnie sa aming department. Nagsasalita pa rin hanggang ngayon si Bonnie tungkol sa kung bakit inis na inis siya sa mga Coleman at bakit mas boto siya sa aming pamily at suportado. Gusto ko sanang matawa sa kanyang sinabi ngayon pero hindi ko ito magawa dahil masisira ko ang seryosong aura ni Bonnie habang nagsasalita siya. Habang naglalakad kami ngayon dito sa may hallway ay nakasalubong namin si Jennifer kaya napatigil kami sa aming paglalakad ni Bonnie. Kita ko pa rin sa kanyang mukha ngayon na malungkot siya at matamlay. Maliit siyang ngumiti sa amin at binati kaming dalawa ni Bonnie. “Kaya pala, magandang umaga,” bati nito sa amin. “Jenny, okay ka lang ba? bakit ang putla mo ngayon?” tanong ni Bonnie habang nakatingin din kay Jennifer ngayon. Tahimik lang ako ngayon pero hindi ko rin mapigilag magtaka. Hanggang ngayon ba ay hindi niya pa rin matanggap na wala na silang dalawa ni Louis? Isang linggo na ang nakalipas. Pero sabagay, matagal na rin naman silang nagsamang dalawa ni Louis kaya hindi na nakakapagtaka kung bakit ganito si Jennifer ngayon. Gusto kong maawa ngayon kay Jennifer pero pinipilit kong hindi. Ginusto kong mangyari ito at ako ang nagpapili kay Louis sa aming dalawa ni Jennifer at ako ang kanyang pinili. Hindi ko na kasalanan pa kung hindi man siya ang piliin ni Louis dahil ako ang mas matimbang sa aming dalawa. “A-Anderson…” Napakunot ang noo ko nang banggitin niya ang pangalan ni Louis. Nakita kong nakatingin si Jen ngayon sa aming likuran ni Bonnie kaya napatingin na rin kami rito. Nakita ko naman si Louis na nasa aming likuran na may dalang mga libro. Napatigil na rin siya sa kanyang paglalakad at malamig na nakatingin sa amin ngayon. “Anderson, ang tagal kitang hinanap.” Muli akong napatingin kay Jennifer ng sabihin niya iyon. Naglakad siya papalapit kay Louis ngayon. Nanlaki ang mga mata ko nang yakapin niya si Louis at halikan ito sa kanyang labi. Narinig ko ang pag singhap ni Bonnie na para rin nagulat sa ginawa ni Jennifer ngayon kay Louis. Mabilis na inilayo ni Louis si Jennifer sa kanya at napatingin siya sa akin. Napaiwas lang ako ngayon ng tingin sa kanya dahil hanggang ngayon ay nagulat pa rin ako sa ginawa ni Jennifer. Gusto kong sugurin ngayon si Jennifer at sabihin sa kanya na ako ang girlfriend ni Louis at wala na siyang babalikan pa. Pero hindi ko ito magawa ngayon dahil sa sitwasyon naming dalawa ng boyfriend ko. “Jennifer, what the hell did you do?!” galit na sabi ni Louis. Nakita kong natigilan na rin ang ibang mga estudyante sa paglalakad at napatingin ngayon sa nangyayaring eksena kay Jennifer at Louis. Nakita kong napaiyak si Jennifer at napahikbi. Kitang-kita ko sa mukha nito ngayon ang pagiging desperada. Hinawakan niya ang kamay ni Louis at muling nagsalita. “A-Anderson, bumalik ka na sa akin please! Mahal na mahal kita at alam kong mahal mo rin ako! huwag mo akong iwan please!” sabi nito at nagmamakaawa kay Louis. Napakagat ako sa aking labi at naaawa na ngayon kay Jennifer. Napatingin ako kay Louis ngayon at kita ko sa kanyang mukha na hindi niya rin alam kung ano ang gagawin. “Jen, stop it. Huwag tayo rito mag-usap,” sabi ni Louis. “No! Bakit, Anderson? Nahihiya ka ba sa ginawa mo? You cheated on me! Sino ang babaeng pinagpalit mo sa akin, ah?! Mas maganda ba siya sa akin? Mas sexy? O baka naman malandi siya kasi nilandi ka niya habang wala ako sa tabi mo!” “STOP!” sigaw ni Louis na namumula na ngayon sa galit. Nanginginig din ako ngayon sa halo-halong mga emosyon na nararamdaman ko ngayon. Napakagat nalang ako sa aking labi at pinigilan ang aking sarili na hindi umeksina ngayon. “Hindi siya malandi, okay? I’m sorry kung nawala ang pagmamahal ko sa’yo,” seryosong sabi ni Louis kay Jennifer. Muling napaiyak si Jennifer sa sinabi ni Louis sa kanya ngayon. Makalipas ang ilang Segundo ay nagulat nalang kaming lahat nang biglang mahimatay si Jennifer. “Jen!” “Oh my God!” Nakita kong nataranta si Louis at dali-daling binuhat si Jennifer at patakbong umalis para pumunta sa may clinic. Napakagat ako sa aking labi ngayon at napaiwas ng tingin. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. “Grabe! Hindi ko keri ang eksenang nangyari ngayon!” rinig kong sabi ni Bonnie sa aking tabi. Napabuntong hininga nalang ako at hindi na nagsalita. Paano kung magkabalikan sila Louis at Jennifer? Hindi naman siguro mangyayari iyon. Nag-aalala lang si Louis kanina kay Jen dahil naging parte na rin ito sa kanyang buhay at hindi ay dahil mahal niya pa rin ito. Tama, tama. Bakit ba ako nag-iisip ng ganun? Mapait akong napangit nang may maalala ako. Tama. Inagaw ko lang pala si Louis kay Jennifer at tama ang sinabi niyang nilandi ko ang boyfriend niya noong wala siya. TO BE CONTINUED... HELLO PO! PA HELP NAMAN PA VOTE SA STORY NI LOUIS AND RACHEL. MAY MAKIKITA PO KAYONG GIFT BOX SA TAAS TAPOS CLICK NIYO LANG IYON, THEN CLICK REWARD. MARAMING SALAMAT.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD