Episode 3
Rachel’s Point of View.
Tahimik lang ako ngayon sa loob ng kotse ni Geoff. Hindi ko mapigilang ma guilty ng maaga man lang natapos ang date naming dalawa. Kahit anong sabi ko pa sa aking sarili na hindi ako magpapa apekto sa presensya ni Louis ay hindi ko pa rin nagawa. Bakit kasi doon pa sila nag date? Ang dami namang kainan dito sa lugar namin at doon pa talaga nila naisipan na kumain.
“Rachel, nandito na tayo,” sabi ni Geoff at bumaba na sa kanyang sasakyan upang mapagbuksan ako ng pintuan at maalalayan.
Sinamahan ako ni Geoff papasok sa aming bahay. Nang makapasok na kami ay agad naming nakita si Mommy na nasa may living room habang may binabasa na book. Napatingin siya sa amin ni Geoff at napatayo.
“Rachel, Geoff, ang aga naman siguro natapos ng date niyo?” sabi ni Mommy.
Lumapit kami ni Geoff kay Mommy at hinalikan ito sa pisngi.
“Bigla pong sumama ang pakiramdam ni Rachel kaya inuwi ko nalang po siya rito upang makapagpahinga,” sabi ni Geoff.
Agad na lumapit sa akin si Mommy at dinampi ang kanyang palad sa aking noo.
“Are you okay, darling? Gusto mo bang dalhin ka na namin sa hospital?” tarantang sabi ni Mom.
Mabilis akong umiling at ngumiti sa kanya.
“I’m fine, mom. Kailangan ko nalang siguro magpahinga po at matulog,” sabi ko.
Tumango si Mom at tumingin kay Geoff.
“Dalhin mo na ang anak ko sa kanyang kwarto, Geoff,” sabi ni Mommy.
Ngumiti si Geoff at inalalayan na ako na makapunta sa aking kwarto. Nang makarating na kami sa harapan ng aking kwarto ay binuksan ko na ang pintuan at pumasok. Hindi na pumasok si Geoff at tinignan nalang ako. Humarap ako sa kanya at lumapit upang mahalikan sa kanyang labi.
“Thank you and I’m sorry for ruining our date, Geoff,” sabi ko.
Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ito.
“No need to say sorry, Rachel. Kahit mabilis lang ang naging date natin ay masaya pa rin ako. Masaya ako dahil nakita at nakasama kita ulit. Sorry kung hindi na kita nabibigyan nang time, ah?” sabi niya.
“I understand, Geoff. Alam ko naman na masyado kang busy sa pag-aaral mo. Makakapaghintay naman ako sa iyo,” sabi ko.
Ngumiti siya at niyakap ako.
“Magpahinga ka, ah? Matulog ka na kaagad pagkahiga mo sa kama mo. Maliwanag ba, Rachel?” he said.
Tumango ako at bahagya nang lumayo sa kanya. Nagpaalam na siya sa akin at nang makaalis na si Geoff at sinirado ko na nag aking pintuan sa kwarto at napahinga nang malalim.
Hinubad ko na ang aking damit dito sa loob ng aking kwarto.
“I’m glad that you’re okay.”
Napatalon ako sa gulat at agad na napatakip sa aking hubad na katawan. Agad kong nakita si Louis na kakapasok lang sa aking bintana.
“Louis! Gusto mo ata akong patayin sa gulat, eh!” inis kong sabi.
Ngumisi siya at lumapit sa akin upang mahalikan ang aking labi. Naramdaman ko ang kanyang kamay na nakahawak na ngayon sa aking beywang. Nabitawan ko ang aking damit na pinangtabon ko sa aking katawan at kumapit sa leeg ni Louis upang halikan siya pabalik. Natigila lang ako sa aking paghalik sa kanya nang maalala kong nasa restaurant pa siya kanina.
“Wait lang,” sabi ko at bahagyang itinulak si Louuis at tinignan siya.
Nakita ko ang inis sa kanyang mukha at aakmang hahalikan na niya ako pabalik nang tinakpan ko ang kanyang labi gamit ang aking kamay.
Lumayo na ako sa kanya at muling nagbihis nang makaramdam ako nang pang giginaw.
“Bakit ka nandito? Diba ka date mo pa ang girlfriend mo?’ tanong ko habang nagpapatuloy pa rin sa aking pagbibihis.
Napasulyap ako kay Louis at nakita ko siyang napaupo sa aking kama at tinignan ako.
“I’m worried about you, Rachel.” He said.
Napatigil ako sa sinabi ni Louis at napatingin sa kanya. Ilang minuto pa kaming nagtitigan at naputol lang ito nang ako na ang unang umiwas ng maramdaman ko ang malakas na pagtibok ng aking puso.
Pinagpatuloy ko ang aking pagbibihis at nang natapos ako ay muli kong hinarap si Louis.
“Why are you worried about me?” tanong ko.
Alam kong nakita ako kanina ni Louis pero gusto ko pa rin tanungin sa kanya.
“Kasi nakita kitang parang nahilo kanina at inalalayan ka ng lalaki mo,” sabi niya na parang inis na inis.
Naglakad ako papalapit sa kanya at umupo sa kanyang tabi sa kama.
Hindi ko mapigilang kiligin sa kanyang sinabi kaya nakangisi ako ngayon habang nakatingin sa kanya.
“Really? Iniwan mo ang girlfriend mo para sa akin?” hindi makapaniwala kong tanong habang nakatingin sa kanya.
“Umuwi rin kami kaagad ni Jennifer dahil pinatawag siya ng magulang niya,” sabi niya.
‘Yung ngiti sa aking labi ay nawala nalang bigla sa kanyang sinabi. Bakit ka kasi nag a-assume kaagad, Rachel? Sino ka naman para unahin ka ni Louis. You are just his fck buddy kaya huwag kang mag feeling importante!
Pinilit ko pa rin na ngumiti sa kanya at hinawakan ang kanyang pisngi.
“At least pinuntahan mo ako rito sa amin kahit delikado. You risk yourself just to be with me,” nakangisi kong sabi at hinalikan ang kanyang labi.
Ngumisi rin siya at pinahiga ako sa aking kama.
“Yes, honey. I care about you,” he said huskily and kissed me in my lips.
Buti nalang talaga at soundproof itong kwarto ko kaya hindi nila naririnig nag malalakas kong ungol sa ginagawa namin ngayon ni Louis sa aking kwarto.
Maaga akong nagising noong umaga dahil naramdaman ko ang pagbangon ni Louis. Alas kwatro kami nagising dalawa at nagpaalam na rin siya dahil uuwi pa siya sa kanilang mansion kaya hinayaan ko na siya.
Uminom nalang ako sa aking mga vitamins nang makaramdam ulit ako nang pagkahilo. Late na akong nakatulog dahil matagal kaming natapos ni Louis at hindi pa ako makatulog nang matapos kami ni Louis dahil malakas pa rin ang t***k nang aking puso at nasa tabi ko lang si Louis. Pero nakatulog rin naman ako nang haplosin niya ang aking buhok at pinatulog niya ako.
“Rachel! Anong nangyari sa pagmumukha mo?! Para ka nang zombie!” gulat na sabi ng aking nag-iisang kaibigan na si Bonnie Ramos.
She’s my best friend since grade schools kami at siya lang talaga ang kaibigan ko dahil komportable ako sa kanya. Hindi kasi ako mahilig makipag halubilo sa ibang mga tao kaya si Bonnie lang ang nag-iisa kong kaibigan.
“Marami lang akong ginawang mga school works kaya matagal akong nakakatulog,” sabi ko kay Bonnie.
Pumunta siya sa aking harapan kaya napatigil ako sa aking paglalakad at napatingin sa kanya.
Tinaasan niya ako nang kilay na parang hindi siya naniniwala sa aking sinabi.
“Anong school works ka jan? Wala ka pa ngang napapasa kahit isa, eh! Pasalamat ka nalang talaga at nasa mood ako kaya ginawan na rin kita ng mga projects natin,” sabi ni Bonnie.
Nanlaki ang aking mga mata at hindi mapigilang matuwa sa kanyang sinabi.
“Talaga?!” hindi makapaniwala ko pa rin na sabi at napakapit sa kanyang braso.
Muli kaming nagpatuloy sa aming paglalakad papunta sa aming department.
“Oo nga! Pero ngayon lang ito, ah?! Dapat mag aral ka rin nang mabuti, gaga!” sabi niya.
Ngumisi ako at mas kumapit pa sa kanyang braso.
“Of course, bestie!” sabi ko.
Kahit hindi ko gusto ang course ko ay hindi naman ako malulungkot dahil kasama ko si Bonnie. Business Management din ang kanyang course at ang kaibahan lang naming dalawa ay gusto niya ang course namin samantalang ako ay hindi.
Nang makapasok na kami sa aming room ay umupo na kami sa aming mga upuan. Buti nalang talaga at kaklase ko sa lahat nang subjects si Bonnie dahil sabay rin kmaing nag enrolled noon.
Makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ang aming professor sa una naming subject kaya nag focus na muna ako sa pag-aaral. Nang matapos na kami ni Bonnie sa aming dalawang subjects ngayong umaga ay napagpasyahan muna naming pumunta sa may cafeteria.
Habang naglalakad kami ngayon ni Bonnie ay napatigil nalang kaming dalawa nang biglang magsalita si Bonnie.
“Jenny!” sigaw ni Bonnie.
Napakunot ang aking noo at napatingin sa unahan. Hindi ko mapigilang magulat nang makita ko si Jennifer Uy na nakangiting naglalakad papalapit sa amin ni Bonnie. Nang makalapit na si Jennifer ay agad silang nagyakapan ni Bonnie na parang matagal nang kilala ang isa’t isa.
Hindi ko mapigilang kabahan ngayon habang nandito sa aking harapan ang girlfriend ng lalaking mahal at nilalandi ko.
“Ah! Jen, si Rachel nga pala ang best friend ko!” pakilala ni Bonnie sa akin ni Jennifer.
Tumingin sa akin si Jennifer at ngumiti. Hindi ko mapigilang mamangha habang nakatingin sa kanya ngayon. Ang tangkad niya at ang ganda-ganda. Balita ko sa ibang mga tao ay modelo raw ito si Jennifer at sa China ito nag-aaral sa isang international school.
“Hi, Rachel! I’m Jennifer, neighbor ako ni Bonnie noong high school,” nakangiting sabi ni Jennifer sa akin.
Ngumiti rin ako sa kanya at inalis ang kaba sa aking katawan.
“Jen, may pupuntahan ka ba ngayon? Sabay ka muna sa amin,’ sabi ni Bonnie.
“Sure! May class pa naman ngayon si Anderson kaya sasama muna ako sa inyo,” sabi ni Jennifer.
Hindi ko mapigilang mailang nang marinig ko ang pangalan ni Louis. Nakita ko ang panlalaki sa mga mata ni Bonnie sa sinabi ni Jennifer.
“Anderson Coleman, Jen? H’wag mong sabihin na boyfriend mo si Coleman?!” hindi makapaniwang tanong ni Bonnie.
Ngumiti si Jenny na parang kinikilig.
“Yes, Bonnie,” sabi nito.
Napaiwas agad ako nang tingin at palihim na napaismid.
“Oh my gosh! Ikaw na talaga, Jennifer! Bagay na bagay kayo ni Anderson kasi same kayong maganda at pogi,” sabi ni Bonnie.
“Uhm, Bonnie? Punta na tayong cafeteria, baka kasi ma late tayo sa next subject natin,” sabi ko.
“Oh my! Oo nga pala, let’s go na,” sabi ni Bonnie at nagsimula ng maglakad.
Magkausap ngayon si Bonnie at si Jennifer sa harapan habang naglalakad, habang ako naman ay nandito sa likod ngayon at tahimik lang. Sinasama naman ako ni Bonnie sa usapan pero hindi ko talaga kaya lalo na at kasama namin ngayon si Jennifer. Alam kong hindi makatarungan itong dahilan ko pero ayaw ko talaga sa kanya, I hate her kahit wala naman siyang ginagawa sa akin. Alam kong nagmumukha na akong kontrabida rito dahil una sa lahat ay inagaw ko ang boyfriend niya at nagawa ko pang mainis sa kanya kahit siya naman dapat ang mainis sa akin dahil nilandi ko ang kanyang boyfriend.
Nang makarating kami sa cafeteria ay agad din kaming nag order sa aming kakainin. Nang matapos na kaming omorder ay humanap na kami nang aming mauupuan.
“So, tell me about your relationship with Anderson Coleman, Jennifer!” sabi ni Bonnie.
Nakita kong ngumiti si Jennifer at nagsimula nang magkwento. Hindi ko mapigilang mainggit habang kinukwento niya ang sa kanilang dalawa ni Louis. Ramdam ko kay Jennifer habang nag kukwento siya na mahal na mahal nila ni Louis ang isa’t isa.
Tahimik lang ako ngayon hbanag kumakain sa aking inorder kanina sa may counter.
“I’m so happy nga kasi kahit we’re in a long distance relationship sa nakalipas na dalawang taon ay strong pa rin kami ni Anderson and he still in love with me,” nakangiting sabi ni Jennifer habang nakatingin kay Bonnie.
Napaiwas ako ng tingin at napakagat sa aking labi para maiwasang hindi mapaiyak. Huminga ako nang malalim at tumayo. Nakita kong natigilan ang dalawa at napatingin sa akin.
“Oh, okay ka lang ba, Rachel?” alalang tanong ni Bonnie habang nakatingin sa akin.
Ngumiti ako at napatingin na rink ay Jennifer na nakatingin sa akin na may halong pagtataka.
“N-Nahihilo lang ako pero okay lang naman ako. Punta lang akong clinic at magpahinga doon,” sabi ko.
Napatayo si Bonnie.
“Samahan nalang kita, Rachel!” sabi nito.
Mabilis akong napailing.
“No, okay lang, Bonnie. Kaya ko pa naman ang sarili ko. Samahan mo nalang muna si Jennifer dito at ikaw na ang magsabi sa mga professors natin na nasa clinic ako,” sabi ko kay Bonnie.
Kita ko sa mukha ni Bonnie na gusto niya akong samahan pero wala siyang nagawa kundi tumango nalang at sumunod sa aking sinabi.
Nagpaalam na ako kay Bonnie at kay Jennifer na rin na hanggang ngayon ay tahimik habang nakatingin sa akin. Hindi ko mapigilang kabahan habang nasa malapit si Jennifer, para kasing sa simpleng paggalaw ko lang ay malalaman na niya na tungkol sa amin ni Louis.
Bumuntong hininga nalang ako at naglakad papunta sa clinic.
Magtiis ka, Rachel. Kalandian mo ‘yan kaya panindigan mo.
TO BE CONTINUED...