EPISODE 6
RACHEL’S POINT OF VIEW.
He chooses me more than her girlfriend, and I am happy about that. Alam kong nagpapakatanga na naman ako kay Louis pero mahal ko talaga siya.
“Geoff.” Napatayo ako nang makita ko ang aking boyfriend na papalapit sa akin.
Nandito ako ngayon sa pinakamapit na coffee shop sa campus namin at hihiwalayan ko na siya ngayon. Alam kong napaka walang hiya kong babae at sinasaktan ko ng ganito si Geoff. Kailangan ko ng itama ang lahat at makakahanap pa siya ng mas deserving para sa pagmamahal niya at hindi ako iyon.
“Rachel,” tawag niya sa aking pangalan. Lumapit siya sa akin at aakmang hahalikan niya ako sa aking labi nang umiwas ako kaagad kaya sa pisngi nalang siya nakahalik sa akin. Alam kong nararamdaman na niya ngayon kung saan papunta itong pagkikita namin.
Tahimik siyang napaupo ngayon sa aking harapan at tinignan ako.
Huminga muna ako nang malalim at napatingin kay Geoff.
“Geoff—”
“Are you breaking up with me?”
Hindi ako nakapagsalita nang putulin niya ang aking sasabihin at tinanong niya iyon sa akin. Napakurap ako sa aking mga mata at napakagat sa aking labi. Maliit siyang ngumiti at napatango.
“I felt it, Rachel. Ramdam kong napipilitan ka nalang sa relasyon na ito,” sabi niya.
Mabilis akong napailing at hinawakan ang kanyang kamay.
“Geoff, no. hindi ako napipilitan! I love you,” sabi ko sa kanya.
“But you are not in love with me,” mahina niyang sabi habang nakatingin sa akin.
Hindi ako nakasagot sa kanyang sinabi.
I love Geoff and he is right… I’m not in love with him because I’m in love with Louis Anderson Coleman.
“I’m sorry,” sabi ko at napayuko.
“It’s okay, Rachel. Wala naman na akong magagawa, eh. Hindi naman ako siguro nagkulang diba?” tanong niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay ni Geoff.
“Hindi ka nagkulang sa akin, Geoff. Ako ang nag kulang sa’yo. Hindi ko deserve ang pagmamahal mo dahil wala akong kwentang girlfriend. Ang swerte ko sa’yo at nagpapasalamat ako sa pagmamahal na binigay mo sa akin,” mahina kong sabi habang nakatingin pa rink ay Geoff ngayon.
Hindi ko rin mapigilang maging emosyonal ngayon dahil espesyal si Geoff sa buhay ko at marami na rin siyang nagawa para sa akin. Ayoko man bitawan siya pero mali na ito. Hindi pwedeng dalawa sila ni Louis sa buhay ko dahil masasaktan lang kaming tatlo. Pinapapili ko si Louis at ako ang pinili niya. Kaya ngayon, si Louis din ang pipiliin ko at hihiwalayan ko na si Geoff.
“Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita, Rachel. Nandito lang ako kung may kailangan ka,” sabi ni Geoff sa akin.
Sa huling pagkakataon ay lumapit ako kay Geoff at niyakap siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako ngayon at bahagyang hinaplos ang aking likuran.
“Thank you for being honest to me, Rachel. Hindi ako nagsisi na ikaw ang minahal ko kahit alam kong hindi mo masusuklian ang pagmamahal ko sa iyo,” sabi niya at hinalikan ang aking pisngi.
Napapikit ako sa aking mata at kasabay nito ang pag tulo ng aking luha ngayon. Ang bigat ng nararamdaman ko ngayon pero alam ko ito ang dapat kong gawin, kailangan ko na itong itama.
Pagkatapos kong makausap si Geoff at makipag hiwalay sa kanya at napagpasyahan ko nang umuwi sa aming bahay. Pagkapasok ko sa aming bahay ay agad akong nakita ni Mommy. Nagtaka siya sa pagiging matamlay ko kaya tinawag niya ako at nilapitan.
“What happened to you Rachel Davina?” alalang tanong niya habang nakahawak sa aking braso at sinuri ako.
Maliit akong ngumiti kay Mommy. “Geoff and I just broke up,” mahina kong sabi.
Nanlaki ang kanyang mga mata sa aking sinabi. Alam ko kasi na botong-boto si Mommy kay Geoff kasi hindi lang ito mabait at magalang, mayaman din ang pamilya ni Geoff at kapag nagsama ang pamilya namin ay matatalo na namin ang mga Coleman sa ranking sa pinakamayaman na pamilya rito sa Pilipinas, iyon palagi ang nasa isipan ni Mommy.
“W-What?! Rachel Davina! What have you done?!” sigaw niya na parang hindi makapaniwala sa aking ginawa.
I know, Mom. Pati ako ay hindi makapaniwala sa aking ginawa ngayon. Ang gaga ko! masyado akong nabulag ngayon sa pagmamahal sa lalaking hinding-hindi magugustuhan ng aking mga magulang.
“Mom, Geoff and I decided to break up, and we are okay about this. Kaya sana po respetuhin niyo nalang ang desisyon namin. Alam kong gustong-gusto mo si Geoff for me, pero hindi talaga kami para sa isa’t isa,” sabi ko ka Mommy. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan ang kanyang pisngi at nagpaalam na pumunta na sa aking kwarto.
Nang makapasok na ako sa aking kwarto ay hina akong napasandal sa dingding at napapikit. Parang grabe ang panghihina ko ngayon sa nangyari sa araw na ito. Get yourself up, Rachel! Tama ang ginawa mo, huwag ka ng maging selfish.
Tumango ako at napagpasyahan na pumunta nalang sa aking CR at nag linis sa aking katawan. Nang matapos na ako ay lumabas na ako sa aking CR. Napabuntong hininga naman ako nang makita ko si Louis sa aking kama ngayon habang nagbabasa sa isa sa aking mga libro.
Hindi na ako magtataka kung bakit siya nandito ngayon. Palagi niya nalang itong nagagawa at hindi na ako magugulat kung bakit siya nandito ngayon. May mga bodyguards kami sa palibot sa aming bahay pero palagi pa rin itong natatakasan ni Louis at nakakapunta rito sa aking kwarto.
“What are you doing here?” tanong ko sa kanya.
Napatingin siya sa akin. Tumayo siya at mabilis akong hinalikan sa aking labi.
“I missed you, honey,” malambing niyang sabi.
Hindi ko maiwasang mapangiti sa kanyang sinabi at agad na kumapit sa kanyang batok at tinignan siya,
“I missed you too,” mahina kong sabi.
Napakunot ang kanyang noo na parang nagtataka sa aking galaw ngayon. Bahagya siyang lumayo sa akin at bumalik sa may kama ko at umupo. Muli siyang humarap sa akin habang nakakunot pa rin ang noo.
“Bakit parang ang tamlay mo ngayon? May problema ka ba?” tanong niya.
Bumuntong hininga ako at sinagot ang tanong ni Louis. “Geoff and I broke up,” sabi ko sa kanya.
“Okay. Bakit parang namatayan ka diyan sa mukha mo ngayon?” tanong niya na parang wala lang sa paghihiwalayan namin ni Geoff.
Tinignan ko siya ng masama.
“I said, naghiwalay na kami ni Geoff!” sigaw ko.
Napatayo siya at seryoso akong tinignan ngayon.
“So what?! That’s good! Wala ng ibang lalaki ang aangkin sa iyo dahil akin ka lang!” sabi niya.
Napailing ako sa kanyang sinabi at napatalikod sa kanya. Napabuntong hininga ako nagtanong a kanya.
“Kayo, hiniwalayan mo na ba siya?” mahina kong sabi.
Hindi ako nakakuha ng sagot galing kay Louis kaya muli akong napaharap sa kanya at nagtanong ulit.
“I ask you, Louis! Answer it! Hiwalay na ba kayo ni Jennifer?” tanong ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot sa aking tanong at nakatingin lang siya sa akin.
“Oh God!” bulalas ko.
Muli akong napatalikod at napahawak sa aking noo.
Ang gaga mo, Rachel!
Agad kong naramdaman ang pagyakap ni Louis sa aking likuran ngayon kaya ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan na pumatak ay pumatak na palabas sa aking mga mata.
“Makikipaghiwalay rin ako sa kanya Rachel, but now now,” sabi niya.
Mabilis kong inalis ang kanyang braso na nakapulupot sa aking beywang ngayon at hinarap siya. Bahagya ko siyang itinulak palayo at tinignan siya ng masama.
“You selfish jerk! Pinapapili kita tapos sabi mo ako ang pipiliin mo!” sigaw ko.
“Yes, Rachel! Ikaw ang pinili ko! hindi pa ba sapat iyon?!” sigaw niya na parang naiinis na sa akin ngayon.
Napailing ako at napahikbi. Magtataka ka pa ba Rachel? He’s a heartless man. Wala siyang pakialam sa nararamdaman mo ngayon kahit lumuhod ka pa at umiyak nang umiyak sa kanyang harapan. Wala siyang ibang mahal kundi si Jennifer lang at hindi mo iyon maaalis sa kanya. You are just his fvck buddy at wala ng iba.
“Get out of my room, Louis,” malamig kong sabi.
Napakunot ang noo niya.
“What? No! What’s your problem, Rachel?! Mahal mo ba ang ex mo at nagsisi ka na hiniwalayan mo siya?!” he shouted.
Tinignan ko siya ng masama.
“It’s none of your business, jerk,” sagot ko sa kanyang tanong.
“Rachel!” sigaw niya sa aking pangalan.
“I said get out, Louis Anderson Coleman!” galit kong sigaw.
Ginulo niya ang kanyang buhok at walang nagawa kundi umalis at lumabas sa aking kwarto. Nang makalabas na siya ay dali-dali kong sinirado ang mga bintana ko an ni-lock ito para hindi makapasok ulit si Louis.
Nang makahiga ako sa aking kama ay tahimik akong napahikbi. Niyakap ko nalang ang aking unan habang umiiyak ngayon hanggang sa napagod na ako sa kakaiyak at nakatulog na habang basa ang aking mukha sa aking pag iyak.
Maaga akong nagising kaya kahit mahapdi ang aking mga mata ngayon sa aking kakaiyak kagabi ay pinilit ko pa rin na makaligo at makapag ayos dahil may klase pa ako ngayon. Nang makalabas ako sa aking kwarto at makababasa hangdan namin ay dumiretso ako kaagad sa may dining room upang maka kain na.
Agad kong nakita ang aking mga magulang ngayon na masayang nag uusap habang kumakain. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakatingin sa kanilang dalawa. They may be ruthless when it comes to business, but they are the best parents for me.
“Good morning, sweety! How was your sleep?” my mom asked.
Ngumiti ako rito at umupo sa aking pwesto. “Okay naman po, Mom.”
Napatango siya at hindi na nagsalita. Ito rin ang nagustuhan ko kay Mom dahil hindi na siya nagtatanong pa tungkol sa nangyari kagabi. Si dad naman ay palagi nalang nakangiti sa akin at walang problema. He is the best dad for me! Spoiled din ako sa kanya dahil ako lang ang kanilang nag-iisang anak.
“Tapos na po akong kumain,” sabi ko nang matapos ko ng kainin ang nasa plato ko.
Napatingin sa akin ang aking mga magulang.
“Rachel, ang liit lang ng kinain mo,” sabi ni Daddy.
“Busog po ako, dad. Don’t worry po kapag na gutom ulit ako, kakain ulit ako sa may cafeteria sa school,” sabi ko. Lumapit na ako kay Daddy at Mommy at nagpaalam sa kanila. Nagpahatid na ako sa driver namin papunta sa campus.
Hanggang ngayon ay galit pa rin ako kay Louis. Kapag nakita ko siya ngayon dito sa campus ay agad akong iiwas dahil ayokong makita ang kanyang pagmumukha.
Nang makapasok na ako sa aming classroom ay agad kong nakita si Bonnie na nakaupo sa akin chair na parang inaabangan talaga ako.
“Rachel!” tawag niya sa akin ng makita niya akong papalapit na sa kanya ngayon.
Napatayo siya at tinaasan ako ng kilay. Napaupo ako sa aking chair at muling napatingin sa kanya.
“Anong klaseng tingin iyan, Bonnie?” tanong ko sa kanya.
“Syempre, tinging Bonnie! Hoy, Rachel Davina! May kailangan ba akong malaman?” sabi niya habang nakataas pa rin ang kilay.
Napakunot naman ang noo ko at nagtataka sa kanyang sinasabi ngayon.
“What do you mean, Bonnie?”
“Gaga! Balita ko hiwalay na raw kayo ni Geoff! Totoo ba iyon?” tanong niya sa akin.
Hindi ko mapigilang magulat sa kanyang sinabi ngayon. Saan niya nalaman ang tungkol sa paghihiwalayan namin ni Geoff?
“How did you know about that?” tanong ko sa kanya.
Napatakip siya sa kanyang bibig at parang gulat na gulat.
“Geez! Seriously, Rachel?! Wala na talaga kayo ni Geoff?” tanong niya.
“Hinaan mo nga ang boses mo!” saway ko sa kanya nang makita ang mga kaklase naming tumitingin na sa aming dalawa.
“Bakit?” malungkot niyang sabi.
Bumuntong hininga ako. “It’s complicated, Bonnie. Pero huwag kang mag-alala, okay naman kami ni Geoff at hindi kami galit sa isa’t isa,” sabi ko sa kanya.
Napasimangot siya.
“Kakainis naman kayo! Gustong gusto ko kayong dalawa, eh! Ang sweet niyo pa noong mga nakaraan tapos malalaman ko nalang na wala na kayo,” malungkot niyang sabi.
Maliit akong ngumiti kay Bonnie at hindi na siya sinagot pa. Pumasok na an gaming professor ngayon at nag focus nalang ako sa aking pag-aaral. Nang matapos na ang time ng prof namin ay nagsilabasan na ang aming ibang mga kaklase. Ako naman ay nagliligpit na ngayon sa aking mga gamit dahil pupunta ako ngayon sa cafeteria dahil nagutom na rin ako.
“Bonni, halika na!” tawag ko sa aking kaibigan ngayon na nakatutok sa kanyang cellphone ngayon.
Napatingin siya sa akin na may seryosong mukha. Napalapit naman ako sa kanya at nagtanong dito kung ano ang kanyang problema.
“Anong meron, Bon?” tanong ko.
Bumuntong hininga siya. “Nag text sa akin si Jenny. Sabi niya sa akin ay hiniwalayan daw siya ni Anderson at hindi niya raw alam ang gagawin niya,” malungkot na sabi nito.
Bahagya naman akong nagulat sa kanyang sinabi.
“A-Anderson? Si Louis Anderson Coleman?”
Napatango si Bonnie habang may malungkot pa rin ngayon na mukha. Napatakip ako sa aking bibig at hindi makapagsalita sa pagkagulat ngayon. nakipag hiwalay na si Louis kay Jennifer? Pero bakit hindi ko kayang maging masaya ngayon sa nalaman ko? Dapat masaya ako ngayon dahil wala ng makakahadlang sa amin ni Louis!
“Rachel, puntahan ko lang si Jen, ah? Wala kasi siyang ibang kaibigan dito at baka iyak na iyon nang iyak ngayon,” sabi ni Bonnie.
Mabilis akong napatango. Nang makaalis na si Bonnie ay naramdaman ko ang pag vibrate ng aking cellphone kaya dali-dali kong kinuha ito sa aking bag at tinignan. Hindi ko mapigilang kabahan ng makita kong si Louis pala ang nag text sa akin ngayon.
Louis:
Don’t be mad at me, please? I’m yours, Honey.
Napakagat ako sa aking labi at dali-daling tinago ang aking cellphone sa aking bulsa. Malakas ngayon ang t***k ng aking puso at hindi ko mapigilang maapektuhan sa sinabi ngayon ni Louis sa akin.
Pinili niya ba talaga ako kaysa sa girlfriend niyang matagal na niyang kilala? Hindi pa rin ako makapaniwala.
TO BE CONTINUED...