CHAPTER 1

2664 Words
IVORY Nagmamadali akong maglakad sa hallway ng hospital. For two reasons. First, I received Iya's text, telling me that Ivo was rushed here because of hardly breathing and almost passed out in exhaustion. Siniguro naman niya sa akin na okay na raw ang kakambal ko kaya wala na raw akong dapat na ipag-alala. Second, I was avoiding someone who was for sure, currently around here in the hospital. At oras na makasalubong ko ang taong iyon, siguradong isa lang ang pakay no'n sa 'kin- "Ivory, my friend!" - and speaking of the bitch... Halos maglapat ang mga labi ko at mapapikit nang marinig ang matinis na pagtawag sa akin ni Serene mula sa likuran ko. Narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa direksyon ko. Isang matamis, pero plastik na ngiti ang iginawad ko sa kanya nang lingunin ko siya. Inakbayan niya ako bago nagsalita. "How are you, Ivory?" "I'm good," tumatangong sagot ko. She smiled. A kind of smile that looks very familiar to me. At nasanay na rin ako roon. Dahil iyon ang uri ng ngiting ibinibigay niya kapag may kailangan siya sa akin. Bahagya niyang inilapit ang mukha sa tapat ng tainga ko at bumulong. "How was my research paper going? Everything good?" I did my best to stop myself from rolling my eyes and giving her a sarcastic smile. Dapat ko bang ipaalala sa kanya na dalawang araw pa lang ang nakakalipas nang ibigay niya sa akin ang topic ng research paper niya? Nasa research stage pa rin ako at introduction pa lang ang naisusulat ko roon. Dahil may regular job ako ng weekdays mula alas nuebe ng umaga hanggang ala sais ng hapon, sa gabi na ako nagkakaroon ng oras para gawin iyon. But, knowing how impatient and spoiled brat she is, she wouldn't accept any reason. "Don't worry, Serene. Everything is good. You'll get your research paper on time," sagot ko. "I don't want to get it on time. I want my papers a day before the deadline." At ngumiti siya nang makahulugan. "You can do it, right, my friend?" Friend? We're not friends, b***h. Iyon sana ang gusto kong sabihin, pero nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanya. Dalawang linggo ang ibinigay niya sa aking deadline para magawa ang research paper. Two days had already passed. And now, she wanted her reasearch paper to get it a day before the deadline. That means, I only have eleven days to do it. At puwede pang mabawasan iyon depende sa mood ng babaeng ito. Serene Aldama is the granddaughter of Sergio Aldama, the owner and CEO of Angel Serenity Medical Hospital. The same hospital where Ivo, my twin brother, was currently confined. Ang ama niyang si Steve Aldama ay isang neurosurgeon, kaibigan nito si Dr. Nicolai Arevalo, ang attending physician ng kakambal ko for regular check-ups and medications. Primitivo or Ivo for short, had been diagnosed with a congenital heart defect since he was born. At namana niya iyon sa nanay namin na may CHD din. Hindi agad iyon na-detect during our mother's pregnancy. Napansin ang biglang pangangasul ng mga labi at balat ni Ivo lalo na kapag umiiyak siya just a week after he was born. And right after doing some tests and examinations, napag-alaman na may butas ang puso ni Ivo. He was only one year old when he underwent open-heart surgery to close the hole in his heart. The operation was successful, but he needed long-term medications and regular follow-up visits to monitor his progress and other health conditions as he gets older. Dito rin sa hospital na ito kami nagkakilala ni Serene since I graduated college three years ago. And contrary to her words, we're not friends. At least not in the real sense of the word. Dahil tinatawag niya lang akong kaibigan kapag may kailangan siya. She's still studying for her medical course. Ang mga research paper and thesis niya, ako ang gumagawa. Ako ang nagpupuyat at nagre-research ng mga iyon. At first, I refused to do it for her. Matibay ang paninindigan kong hindi ko iyon gagawin dahil hindi iyon tama. But, then, our circumstances made me do it. We all thought that Ivo could live a healthy life after his surgery. Pero, noong third year high school kami, nagsimula uling manikip ang dibdib niya at mahirapang huminga. He got tired easily and lost consciousness several times. Until we found out that there was complication in his heart that caused the irregular rate or rhythm of his heartbeat. Another surgery was needed to correct the heart problems that develop over time. Graduate ako sa kursong Bachelor of Science in Primary Education. And during my college years, nagpa-part-time job ako para kahit paano ay makabawas sa gastusin ng pamilya namin. Pareho rin kaming nakakuha ni Ivo ng full scholarship sa university na pinasukan namin kaya wala ring problema sa pag-aaral namin at naka-graduate kami ng kakambal ko. Masipag at doble-kayod din sa pagtatrabaho ang ama namin para lang makaipon at matustusan ang pagpapagamot ni Ivo. And to make our situation worse, isang hindi inaasahang pangyayari ang tuluyang nagpabago sa buhay namin ni Ivo. Two years ago, our father had been killed nang magmatigas ito na hindi ibigay ang pera sa magnanakaw. Dahil doon, naglabas ang magnanakaw ng balisong at pinagsasaksak ang ama namin hanggang mamatay para lang makuha ang pera. At ang perang iyon ay para sana sa regular medication ni Ivo. And because of our father's sudden death, it affected our mother's health. Inalipin ito nang matinding sakit at kalungkutan hanggang sa hindi nakayanan ng mahinang puso nito at inatake. At huli na ang lahat nang dalhin namin ito sa ospital; she didn't make it. Malaking dagok para sa amin ni Ivo ang magkasunod na pagkawala ng mga magulang namin. Losing them were one of the darkest days of our lives. Even if my twin brother didn't show so much emotions on our parents' funeral, I know how sad and devastated he was just like me. I could feel it because we're twins, after all. Siguro ay malaki rin ang naging epekto sa kalagayan ni Ivo ang pagkawala ng mga magulang namin dahil isang nakakagimbal na balita ang isinalubong sa amin ng doktor niya. His heart was no longer responding on any medical procedures. And the only solution now was a heart transplant. Until now, naghihintay kami sa heart donor na magma-match sa kanya. As time goes by, unti-unting nauubos ang ipon namin, pati na rin ang insurance na natanggap namin noong mawala ang mga magulang namin dahil sa tuluy-tuloy na pagpapagamot ni Ivo. Kahit na may regular job ako as an admin assistant, nagsa-sideline pa rin ako para may pandagdag sa panggastos namin. Nagtrabaho na rin si Ivo sa kabila nang matinding pagtutol ko. Hindi ko rin naman siya napigilan dahil siya raw ang dahilan kaya sobra akong kumakayod sa pagtatrabaho and he didn't want it. "I would rather die than see you working your ass so hard just because of me." Siyempre, natakot ako. Ayokong mawala ang kakambal ko. Kaya kahit mahirap at labag sa loob ko, hinayaan ko siyang magtrabaho with some restrictions. At kahit na pareho kaming nagtatrabaho, hindi pa rin iyon sumasapat sa pangangailangan namin kaya nilunok ko na ang pride ko at itinapon ko ang paninindigan ko. Lumapit ako kay Serene at sinabi kong tinatanggap ko na ang offer niya. So, yeah. I'm doing it because she was paying me big for it. Ultimo assignments niya ay hindi ko na rin tinanggihan dahil bawat sentimong ibinabayad niya ay mahalaga sa akin. Galante naman si Serene sa ibinabayad niya kaya kahit papa'no ay malaking tulong iyon sa bayarin namin. Mataman akong tumingin sa kausap. "You know my policy, right?" Alam niyang nagpapadagdag ako ng bayad kapag mas maaga sa napagkasunduang deadline ang mga trabahong ipinapagawa niya. "Of course, Ivory. At kailan ba naman ako hindi tumupad sa napagkasunduan natin?" Ngumiti siya nang matamis bago tinapik-tapik ang balikat ko. "So, I'm expecting my research paper one day early on the said deadline. And I was also expecting a very good write-up from you, friend." Isang hilaw na ngiti lang ang naging tugon ko. Sa tuwing may mga research paper siyang ipinapagawa, palagi niyang ibinibida sa akin na puring-puri raw ng mga prof niya ang papers niya. And I should keep doing it for her. "Gotta go. See you around, friend," pagpapaalam na niya. Pagkatalikod pa lang ni Serene, mabilis na rin akong tumalikod at malalaki ang hakbang na tinungo ang silid na kinaroroonan ni Ivo. Sa labas pa lang ng pintuan, naririnig ko na ang pag-uusap - or more like bangayan - nina Iya at Ivo mula sa loob. "Hoy, ogre! Hangga't hindi ka bumabait, hindi ka puwedeng mamatay." "Don't worry, midget. Hangga't hindi ka lumalaki, hindi ako mamamatay." "Tantanan mo ang height ko, Primitivo Larkin. At hangga't hindi rin ako nagkakaanak, hindi ka pa rin puwedeng mamatay." "Sino naman ang magiging tatay ng maliit mong anak, Guia Castrence? 'Yang gago mong boyfriend?" "May sinabi ba ako? Besides, magiging ninong ka pa ng anak ko. Bawal tumanggi." "Kung si dela Cerna rin lang ang tatay ng magiging anak mo, forget it. Itatakwil ko lang na inaanak iyan." "Ang sama na nga ng mukha mo, ang sama pa ng ugali mo. Tsk. At isa pa, ang usapan lang natin ay anak, hindi kasama ang tatay. Duh!" Napangiti ako sa sagutan, pero halatang lambingan nilang dalawa. Alam ko namang pinapagaan lang ni Iya ang loob ni Ivo. And I know it's very effective. Bukod sa akin, si Iya rin ang isa sa dahilan kung bakit patuloy na lumalaban sa buhay ang kakambal ko. Kahit napilitan siyang mangako noon kay Iya na hindi mamamatay hangga't hindi ito nagpapakasal at nagkakaanak, alam kong tutuparin iyon ni Ivo. He always keeps his promise to me and Iya. Si Iya ang masasabi kong kaibigan namin ng kakambal ko. She's our best friend in the real sense of the word. We've been best friends for more than ten years now. We met her and became friends with her as soon as we became freshmen in high school. Ang first impression ko pa nga sa kanya noon ay tahimik siya at hindi makabasag pinggan. Mag-isa lang kasi siya noong unang linggo ng pasukan at wala siyang kinakausap. Hindi ako nakatiis at nilapitan ko na siya. Gusto ko kasing magkaroon ng kaibigang babae. And I even dragged my twin brother with me just to talk to her. Hindi pa man lumilipas ang isang araw na nakakasama namin siya, halos tuyuan na ng dugo si Ivo sa sobrang kadaldalan at kakulitan ni Iya. "Looks can really be deceiving, huh?" Iyan ang sarkastikong pahayag sa akin ni Ivo nang sabihin ko kasi sa kanya ang first impression ko kay Iya. After that day, naging kasa-kasama na namin si Iya. And I was really grateful that I talked to her that day because we became best of friends until now. Nadatnan kong nakaupo at nakasandal sa headboard ng kama si Ivo habang nakatayo naman sa gilid ng higaan niya si Iya. Sabay pa silang lumingon sa direksyon ko nang pumasok ako sa loob ng kuwarto. "Ivory!" Tumakbo sa akin si Iya at mabilis na yumakap sa baywang ko. "Ang sama ng ugali ng kakambal mo. Buti na lang talaga na kahit kambal kayo ay hindi naman kayo magkamukha. Kabaligtaran mo ang masamang ugali ni Ivo," parang batang sumbong niya. "Like I fvcking care," Ivo deadpanned. "Sanay ka na naman sa masamang ugali niya," nakangising sabi ko kay Iya. Mula pa man noon hanggang ngayon, hindi tumatalab kay Iya ang kasungitan ng kakambal ko. Sa kanilang dalawa, si Ivo pa nga ang sumusuko dahil sa kakulitan niya. Sumimangot siya. "Sinong babae pa ba ang magtya-tiyaga sa masamang ugali ni Ogre? Tayo lang namang dalawa ang nakakatagal sa kanya. Masamang tingin pa lang niya, hindi mo na nanaising lapitan siya. Kumbaga papalapit pa lang siya sa 'yo, kumakaripas ka na ng takbo palayo sa kanya." "Ha-ha. Very funny, midget," sarkastikong pahayag ng kakambal ko. I couldn't help but laugh. Ito rin ang isa sa mga nagustuhan ko kay Iya. She's so talkative and stubborn in a good way. And true to her words, hindi nga kami magkamukha ni Ivo. We're fraternal twins. Sa paningin ng ibang tao, mas napagkakamalan pa nga kaming may relasyon ni Ivo kaysa sa magkakambal kami. Humiwalay si Iya at may dinukot na envelope mula sa bag bago iniabot iyon sa akin. "Pinabibigay nina Nanay at Tatay." May idea na ako kung ano iyon. Pera. Dahil hindi naman ito unang beses na nagbigay siya ng envelope sa amin. At bago pa man din ako makatanggi, inilagay na ni Iya sa isang kamay ko ang bagay na iyon. "Advanced birthday gift nila sa inyo ni Ivo." Kumunot ang noo ko. Six months from now pa ang birthday namin. It's too early for a birthday gift. Akmang ibabalik ko iyon nang iwinasiwas ni Iya ang kamay niya, dismissing whatever I was thinking. "Just accept it, Ivory. Maliit na gift lang iyan mula sa kanila. At parang mga anak na rin ang turing nila sa inyo ni Ivo." Right. Simula nang maulila kami, tumayong guardian namin ang mga magulang ni Iya. They really treated and accepted us as their own. They even provided us an extra room in their home for us to stay whenever we needed. Nahihiya na nga kami ng kakambal ko, pero hindi nila ipinaramdam sa amin na iba kami sa pamilya nila. At ang pagiging mabuting anak kina Tita at Tito ang tanging maisusukli namin sa kanila. Naghanda na sa pag-alis si Iya. "I gotta go. May date pa kami ni Brent." Pumalatak si Ivo, pero hindi iyon pinansin ni Iya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin at bumulong sa tapat ng tainga ko. "Give him a smack on the head for me. Masyado niya akong tinakot ngayon dahil halos hindi na siya makahinga kanina." "I can hear you, midget. Hindi ka na sana bumulong pa." Nilingon ni Iya ang kakambal ko at sinimangutan ito. "At hindi ka sana nakikinig, 'di ba? Tsk." Muli siyang lumingon sa akin at nagpaalam na. Nang tuluyang makalabas si Iya, lumapit na ako sa kama ni Ivo. Mataman ko muna siyang tinitigan. Sinalubong naman niya ang mga mata ko, silently telling me that he was okay now. Nakahinga naman ako nang maluwag. "Kung ayaw mo talaga sa boyfriend niya, bakit hindi mo na lang palitan? Mas sweet pa kayo ni Iya at mas nag-aalala pa kayo sa isa't-isa," sambit ko na lang. Hindi itinatago ng kakambal ko ang matinding disgusto niya sa relasyon ng kaibigan namin kay Brent dela Cerna. Sa unang beses pa nga lang na nakita niya ang kasalukuyang boyfriend ni Iya, binalaan na niya ito tungkol sa lalaki. But then, hanggang paalala lang naman si Ivo. Hindi nga niya pinigilan na sagutin ni Iya ang boyfriend nito ngayon. At magtatatlong taon na rin ang relasyon ng dalawa. "No, thanks. I'm perfectly fine without replacing him in Iya's life. I would rather stay being her annoying best friend than her stupid boyfriend. Hahayaan kong ang lalaking iyon na lang ang sumakit ang ulo at mag-effort sa pagsuyo sa makulit at maliit na babaeng iyon," pahayag niya. "I hate to admit it, but that guy makes Iya happy. And her happiness would always be my first priority than being a villain to their relationship." Right. If that guy makes our friend happy, Ivo had nothing to say and would just silently support her. Hindi man siya masyadong showy at vocal, I know he cares a lot for her. And just like how he protects me, he was protecting Iya just like how a real big brother was supposed to protect a little sister. And without thinking twice, I gave him a light smack on the head. "The hell? What was that for?" he hissed, glaring at me. "Just doing Iya a favor," sagot ko lang sabay ngisi nang nakakaloko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD