KC pov's..
" Uy KC anung mukha yan?alam mo kahit sinong pintor panigurado akong tatanggihan kang ipintahin yang pagmumukha mo ang gusamot bes anu bang nangyari?" Ang pabirong pagtatanong ni Angelie sa akin.
" Uo nga girl,you look so hagardness naku baka madaanan kapa ni fafa Storm sige ka makita kang nakabusangut jan!" Ang dagdag na wika naman ni Rianne.
" Uy Teka nga kayong mga babae ang daldal niyo talaga antayin niyo kayang mkasagot si KC hindi makasingit sa kadaldalan niyo eh!" wika naman ni Randy na ngayon ay inuukray ang dalawa.
" I hate her talaga!" I saiddahil kanina pa ako nag iisip kung panu at anu pabang paraan para wag lang niyang patuluyin ang lalakeng yun sa bahay nakakai talaga! Arghhhhh!
" Kanino??" sabay sabay na tanong nang mga kaibigan kong mga abnormal.
" Kelangan ba talaga sabay sabay kayong magtatanong?kaloka!" pabiro kong turan sa mga ito.
Honestly,kahit ganu ako kabadtrip sa mama ko basta kasama ko lang sila ay pakiramdam ko gumagaan ang loob ko maski papanu because they're my friends,sila nagpapasaya sa akin kahit minsan or should i say mas madalas ay naging mean na ako sa kanila still andito pa din sila para sa akin.
" Ihh anu ba kasing problema huh? you seemed so pissed!" Ang tanong muli ni Angelie sa akin.
" Kasi naman itong si mama she wants that asshole to live in our house,with us!!" I said at sabay sabay na naman silang nagreact well maliban kay Laurence dahil tahimik lang talaga ang isang yun palaging libro ang hawak well kung sa bagay siya lang naman kasi ang pinakamatalino sa buong klase namin..
" WHAT???" they asked.
" Yes!you heard me right kaya sobra akong naiinis ngayon! I don't want him to be part of that house and I don't want him to be part of our life either!" I said at sobrang gigil na gigil talaga ako sa naging desisyon ni mama.
" So, that's the reason bakit ganyan kagusamot yang mukha mo! Well I understand now kahit naman siguro sa akin mangyari yan its really A BIG NO! So anung plan mo ngayon?" Ang tanong muli ni Angelie sa akin.
" Yeah ,what's your plan? I mean...I know tita Sylvia very well if she already made her decision no one can changed it and final na iyon." ang wika naman ni Rianne and I know that she's right.
" Precisely!kaya nakakagalit talaga!Hindi ko alam kong anung pinakain niya kay mama kung bakit nauuto niya si mama nang ganun ganun nalang!I mean..napakagaling niya ah para mapaikot niya si mama nang ganun - ganun nalang ihh ako ngang anak nahihirapan akong paamuhin siya!Tss!" I said to them dahil sobra talaga akong nagtataka kung bakit biglaan ang desisyon ni mama na patirahin ang taong yun sa bahay.
" Ahh ayun!so nag siselos ka sa lalakeng yun dahil pakiramdam mo ay mas mahal siya nang mama mo kysa sayo,ganun ba?" Ang pang aasar ni Randy sa akin.
Ang lakas talagang mang asar nitong taong ito! Minsan napapaisip ako kung bakit ko ba ito naging kaibigan!
"Shut up!you're not helping" irap ko kay Randy dahil napikon na naman ako sa sinabi niyang yun he always do this at alam na alam niya how to made me so pissed.
And yeah I admit may point naman siya,I hate that man because pakiramdam ko ay mas binibigyan pa siya nang atensiyon ni mama kaysa sa akin.
" Alam mo Randy if hindi kalabisan sayo, paminsan-minsan pigilan mo yang bunganga mo kundi igu-gluegun ko iyan." Ang wika ni Rianne dahil nararamdaman na nilang lalo lang akong naasar.I am being serious with my problem nagawa pa akong alaskahin!
" You can't stop the person because you just wanted to.Maybe just put your shoe in her so that you will know what made her decide. Sometimes... judging a person that's not the right thing to do perhaps give them a chance first and see whats in him that made a person chose to trust them." agad akong napalingun sa biglang nagsalita sa likuran namin
palagi niya talaga kaming ginugulat sa mga opinion niya.
Sa twing naging seryoso na ang usapan namin tungkol sa mga kadramahan namin sa buhay palagi lang nasa isang tabi si Laurence, reading his favorite books.
As if he didn't cared about what we are talking about.
Kung titignan mo ito ay tila hindi ito interesado sa mga bagay bagay na pinag uusapan namin pero magulat ka nalang talaga sa kanya bigla bigla nalang itong magsasalita and that really hits you.
" Arayy!gurl tisyu nga ouch!" pabirong sabi ni Angelie.
" Aanhin mo naman ang tisyu? may sipon kaba?" tanong naman ni Rianne.
" Hay naku Rianne ang slow mo talaga!" wika ni Randy habang umiiling iling ito dahil hindi nito nagets ang ibig sabihin ni Angelie.
Well sa aming magbabarkada si Rianne talaga ang masasabi kong pinakaslow.Im not saying that she's bobo.
Pero lahat kasi kahit joke ay parang ginagawa niyang seryoso lahat.
Yung less in common sense ganun.
" Hahhahha!sabi ko tisyu,dahil nagnonosebleed na ako." Angelie said at hindi napigilang tumawa nito.
" Anung nosebleed ihh wla namang dugo yang ilong mo!" Ang sagot naman ni Rianne na lubusan itong nagtataka.See? that's what I've meant she's too slow.
Kahit ako ay napapangite na din ako sa kahinaan nang babaeng ito.
Hay nakakatawa talaga ang mga kaibigan kong to!Minsan kahit mga abnormal sila i am so thankful to have them because nang dahil sa kanila naiibsan talaga kahit papanu ang mga lungkot ko at pagka dismaya.
" Ewan ko sayo Rianne!" Ang tanging nasabi ni Randy at muling nagtawan sila ni Angelie.
Agad naman akong napalingun kay Laurence dahil sa bigla niyang sinabi kanina tinitignan ko siya na ngayon nakatuon na namang muli sa librong binabasa nito.
He is so mysterious,but quite smart one.
Siya yung tipo ng taong na kapag magsasalita tatamaan ka talaga bihira lang bumanat pero talagang sasapulin ka nito.
Pero agad din akong natigilan at napalingun ako agad sa biglang nasabi ni Rianne that really caughted my attention.Basta kahit anu!Everything about him nakukuha agad ang atensyon ko.
Well maybe saka kuna problemahin ang lalakeng yun! Laurence has a point kahit maglumpasay pa ako mama would never listen to me!Gagawin niya pa din ang gusto niya.
"Alam niyo bang may nabalitaan ako kanina at panigurado akong kakalma ang isa jan kapag malaman niya kung anu ang sasabihin ko." Rianne said habang nakatingin ito sa akin,alam ko namang tungkol iyon kay Storm.
"What? spell the tea! " I said.
" Si Storm lang talaga ang bukod tanging nakakapag pa kalma sayo noh?" ngiteng sabi ni Angelie at agad lang akong umirap.
" Ito na nga,narinig ko kanina na pupunta daw sila mamaya nang The Bar dahil birthday ata nung Ralph ba yun,Basta yun ang narinig ko!" wika ni Rianne at ganyan talaga siya maghatid ng balita very impormative!wala sa ayos incomplete!
Hindi ko nga alam bakit nasa kursong political science ito ihh super slow naman nito,well I must say that malaki talaga ang nagagawa nang pera.
"really?" ang excited kung wika.
" Wag masyadong excited Maria! alam mong masasaktan ka lang!" Ang ngiteng pang aasar an naman ni Randy sa akin!Minsan talaga gusto kunang sampalin nang takong ng sapatos itong si Randy ihh napaka mapang asar grabe!At Maria pa talaga tawag sa niya sa akin! nakakapanggigil na ihh!
" shut up! I will find a way just to make him mine kaya lang hindi ko alam kung bakla ba yan si Storm oh anu dahil sa ganda kung ito? I mean I am famous maganda,mayaman! Tapos ilang taon na akong nagpapakatanga sa kanya ni hindi niya pa din ako mapansin?hell no!Hindi na ako papayag this time!Tama na ang pag aantay ko sa wala i better make a move na gagawin ko lahat just to win his heart!" Ang mahaba kung litanya nang bigla akong napalingon muli kay Laurence
dahil nagsalita na naman itong muli.
" Ang bunga kapa hinog sa pilit hindi kailan man magiging matamis!" he said while still holding his book and what? is he referring me again? sh*t!nasapul na naman ako!
" tseh!! will you shut up!maglalagay ako ng asukal kung sakaling hindi man ito magiging matamis kahit ilang kilong asukal pa!" ang naiinis kung wika sa kanya at umiiling iling na lang ito.
Nakita ko naman ang mga pagmumukha nang tatlo na ngayon pilit pinigilan ang pagtawa nito.
" What?" Ang naiinis kung tanong.
" Ihh anu ba kasing plan mo gurl?" Angelie asked me. "Ihh sorry to say this bes but it's been 5 years since una mo siyang nagustohan but sa loob nang 5 years he didn't bothered to look at you ni hindi ka talaga niya napapansin kahit minsan.Don't get me wrong bes,but you think may paraan pa kaya?" Ang dagdag pa nito.
" Of course!oh come on gurl if there's a way theres a wheel at yan ang aabangan niyo I am willing to give him my all basta magiging kami lang." I said to them desperately.
Agad naman kaming nagulat sa biglang pagbagsak nang librong binabasa ni Laurence at bigla nalang itong umalis na walang pasabi.
" Anung problema nun?" tanong ni Rianne at nagkibit balikat lang si Randy.
" Hay naku! Hindi na kayo nasanay dun! moody naman talaga yun! baka naingayan na sa atin" I said to them.
And yes,I meant what I've said,that Im ready to give my all to him(Storm) basta magiging kami lang hindi ko din alam sa sarili ko kung bakit gustong gusto ko siya dahil sa totoo lang napakadami namang nanliligaw sa akin at lahat nang yun ay guapo at mayaman pa pero lahat yun inayawan ko!
At kung nais niyong malaman kung anu ang physical appearance ni Storm,well Storm is 5'11" in height maganda ang pangangatawan niya.Tall dark and handsome,he is the dark version of Donny Pangilinan.
Hindi siya pala ngite nor approachable na tao.I never saw him smile but yet gustong gusto ko pa din siya The way he is being quite is really turning me on for me napakalakas talaga nang dating niya sa akin.
Kaso napakasuplado talaga nito at ubod pa nang sungit!Ni hindi man lang ako kayang tignan!Hello? I am so pretty kaya tapos ayaw niya akong tignan man lang?Diba talagang nakakafraustrate yun?