CHRISTMAS IN OUR HEARTS BY MIKE ROSE GUMARANG
ONE SHOT STORY.
Nakatayo si Mike sa balkonahe ng kanilang bahay. Nakatingin ito sa malayo habang may hawak na baso at may lamang alak. Hindi niya namalayan si Rose na lumapit sa kanya. Yumakap ito sa kanyang likuran.
"Hon, malalim yata ang iniisip mo?" Tanong ni Rose sa kanya.
"Wala! Naisip ko lang, pasko na naman." Mahinang sagot ni Mike.
Tumingala si Rose kay Mike saka tumingin ito sa mga mata niya.
"Mike, ayaw mo ba talagang umuwi tayo?" Malambing na tanong ni Rose.
"May magbabago ba, Rose? Kapag ba umuwi tayo at magpakita, may pagbabago ba?" Tanong din ni Mike na halatang may lungkot sa bosea nito.
"Tatlong taon na Mike, tiyak napatawad na niya tayo." Mahinang wika ni Rose.
Hindi umimik si Mike, parang kailan lang nangyari ang lahat. Isa siyang anak ng mayaman. His father expected too high from him. Nagbago ang lahat nang dumating sa buhay niya si Rose. Natagpuan niya rito ang totoong kaligayahan.
Nabago nito ang pananaw niya sa buhay. Na mas mahalaga pa rin ang tunay na pagmamahal kaysa anumang materyal na bagay. Natuklasan ng kanyang ama na may relasyon sila ni Rose. Kaya, lihim na kinausap ng kanyang ama ito at nag- offer ng pera. Subalit hindi ganu'n si Rose. Nang taggihan nito ang alok ng ama niya, tinanggal ito sa trabaho.
Sa takot niyang mawala ito sa kanyang buhay, hinanap niya si Rose. Noong una ay umiwas at pinagtatabuyan siya ng dalaga, pero hindi siya sumuko. Pinatunayan niyang wagas ang kanyang pagmamahal sa dalaga. Kaya nagkabalikan silang dalawa. Pasko na nang malaman ulit ng Dad niya na nagkabalikan na sila ulit.
At ang paskong iyun na hanggang ngayon, ay hindi niya nakakalimutan. Isang paskong pinamili siya ng kanyang ama. Pinamili siya kung si Rose ba o ang mamanahin niya. Subalit handa siyang talikuran ang lahat, kaya si Rose ang pinili niya. Sa oras ding iyun ay itinakwil siya ng Dad niya. Kinuha ang lahat sa kanya at pinalayas.
"Hon, ang ama hindi niya matitiis ang kanyang anak." Narinig niyang sinabi ni Rose.
Kumurap- kurap siya at tumingin rito.
"Ibahin mo siya, kung sa ibang ama marahil oo. Pero kung sa kanya, nagkakamali ka." Seryosong saad ni Mike.
Hindi na sumagot pa si Rose. Alam niyang hindi niya mababago pa ang pasya nito. Yumakap nalang siya kay Mike.
Oo, hindi pa sila kasal. At wala pa rin silang anak. Pinaghahandaan nila kasi ang magiging future ng mga magiging anak nila. Saka, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral. Sa ngayon, kapwa na silang may trabaho. Alam niyang nahirapang nag- adjust si Mike sa bago nitong buhay.
Ang dating iginagagalang na Mike Salvador ay naging ordinaryo na lamang. Ramdam niya noon na malapit na rin itongsumuko, subalit nakaya rin nila sa wakas.
At ilang ulit na niya itong niyayang umuwi na at magpakita. Subalit matigas pa rin si Mike. Sabagay hindi niya ito masisisi, sa hirap ng pinagdaanan nito. Kaya ngayon, anuman ang pasya nito ay nakasuporta lang siya palagi.
"Matulog na tayo, mamamasyal tayo bukas." Masayang bulong ni Mike kay Rose.
Nagliwanag ang mukha ni Rose.
"Talaga?" Bulalas niya.
"Oo! Alam kong matagal na kitang hindi ipinapasyal," nakangiting sagot ni Mike.
"Hindi naman! Last week lang tayo hindi nakapamasyal eh!" Turan ni Rose.
"Ah, basta! Gusto ko, kahit busy ako palagi may bonding moment tayo." Madamdaming wika ni Mike.
"Salamat, salamat dahil dumating ka sa buhay ko." Sagot ni Rose at hinagkan niya si Mike sa pisngi nito.
"Mas nagpapasalamat ako, dahil hindi mo ako iniwan. Sinamahan mo ako sa bawat laban ko sa buhay." Masayang sabi ni Mike.
Nagyakap sila at sabay nang nagtungo sa kanilang silid. Muli nilang pinagsaluhan ang kanilang pagmamahalan.
Kimabukasan. Nauna nang gumising si Mike. Habang si Rose ay mahimbing pang natutulog. Naghanda siya ng kanilang umagahan. Pagkatapos niyang magluto ay ginising na niya ang kanyang mahal.
"Gising na po! Mamimili pa tayo ng dekorasyon sa ating christmas tree." Wika ni Mike.
Marahang nagmulat si Rose at ngumiti ito sa kanya.
"Copy, Sir." Sagot ni Rose at bumangon na ito.
Natatawang sinundan ng kanyang tingin ang kanyang iniirog. Pagkatapos nilang kumain ay nagbihis na rin sila. Nang handa na sila ay nagpasya nang umalis na.
Una nilang pinuntahan ang simbahan. Nagsimba sila at kanya- kanyang wish saka sila lumabas ng simbahan. Naglakad-lakad sila at nakakita sila ng mga batang palaboy. Binigyan nila ang mga ito ng pagkain, damit at pera.
Halos ganito ang ginagawa nila sa tuwing mamamasyal sila. Pangalawa nilang pinuntahan ang ampunan. Masaya silang sinalubong ng mga bata dahil kilala na sila roon.
Namigay din sila ng mga pagkain at marami pang iba. Nag- iwan din sila ng kaunting halaga para sa ampunan.
"Naku! Maraming- maraming salamat sa inyo, Mr. Salvador. Malaking tulong na po sa kanila ito," masayang wika ni Sister Agatha.
Ngumiti silang dalawa.
"Wala pong anuman! Kagustuhan po naming tumulong sa abot ng aming makakaya." Masaya ring sagot ni Rose kay Sister.
"Subalit, bakit tila wala pa yata kayong anak?" Biglang tanong ni Sister.
Natigilan si Rose habang napatikhim naman si Mike.
"Ha? Eh, darating po kami diyan." Bantulot na sagot ni Rose.
Ngumiti si Sister Agatha sa kanilang dalawa.
"Kunsabagay, mas maigi nga namang pinaghahandaan." Turan ng Sister.
"Tama po kayo riyan," nakangiting sabad ni Mike.
Nagkatawanan sila at pagkatapos ay tuluyan na silang nagpaalam.
Nang makaramdam sila nang gutom ay nag- order sila ng take out. Nagtungo sila sa paborito nilang parke na may ilog sa dulo. Kapwa sila naupo sa damuhan at nagsimula na silang kumain.
"Sa palagay mo kaya, Mike. Kapag nagka- baby tayo, tatanggapin na tayo ng Dad mo?" Naalalang tanong ni Rose.
Natigilan si Mike. At nag-iwas nang tingin.
"Hindi ko alam," kibit- balikat niyang sagot.
"Ikaw naman! Natanong ko lang, huwag mong masyadong kamuhian ang Dad mo." Mahinahong turan ni Rose.
"Kumain ka na nga lang! Dada ka nang dada parang hindi ka napagod." Pag-iiwas ni Mike sa usapan.
"Oo na po!" Kunwaring irap na tugon ni Rose.
Mahinang tumawa si Mike saka piningot ang ilong nito.
"Good girl!" Bulalas ni Mike.
Inirapan lang ito ni Rose kaya mas lalo itong natawa. Pagkatapos nilang kumain ay, nagpasya silang mamili nang kanilang mga gagamitin. Nang makabili ay umuwi na rin sila.
Magkatuwang nilang nilagyan ng dekorasyon ang christmass tree nila. Inayusan nila ito nang bonggang- bongga. Nang matapos ay magkasama nila itong pinailaw at pinanood.
"Titiyakin kong, ganito kaliwanag ang ibibigay kong buhay sayo at sa mga magiging anak natin." Masayang wika ni Mike.
Napangiti si Rose at humilig sa balikat ng kanyang mahal.
"Ganito rin kaliwanag ang ibibigay kong suporta, sa lahat ng gagawin mo sa buhay." Masayang sagot ni Rose.
Nagkangitian sila at nagkayakapan. Wala nang mahihiling pa si Rose. Isa na lamang ang tanging inaasam niya. Ang magkaayos na ang mag- ama. Naging hindi mabuti man ang pagtatagpo nila ng ama ni Mike. Ngunit wala na sa kanya ang salitang galit. Matagal na niyang pinatawad si Don Fernando.
Dahil napatunayan naman niyang tunay na mahal siya ng anak nito. Kaya sulit ang paghihirap na dinanas nilang dalawa lalo na kay Mike. Pinagmasdan niya si Mike at hinagkan niya ito sa noo.
"I thank God that I have you in my life." Anas ni Rose.
Saka masayang pumikit at may ngiti sa labing nakatulog.
Kinabukasan. Maagang nagising si Rose para ipaghanda si Mike ng almusal. Naka- leave na siya sa work niya kaya, mas maaasikaso na niya ang kanyang mahal.
Narinig niyang bumukas ang pinto ng kanilang silid. Sinilip niya si Mike, nakabihis na ito. Napangiti siya at sinalubong niya ito ng halik.
"Good morning!" Masayang bati niya kay Mike.
Ngumiti ito at hinapit siya saka muling hinagkan.
"Good morning too! Samahan mo na akong mag- breakfast!" Sagot ni Mike.
Tumango si Rose at sabay na silang humarap sa hapag.
"Last day ko na ito, christmas break is real!" Wika ni Mike sa kanya.
"Good! Masosolo na kita," pabirong turan ni Rose.
Natigil si Mike sa pagsubo at tinitigan niya si Rose.
"Tungkol diyan, I love it!" Nakangising sagot ni Mike.
Namula naman si Rose at napatawa ito.
"Ubusin mo na 'yan baka mamaya, iba na ang takbo ng iyong isipan." Natatawang sabi ni Rose.
Natawa rin si Mike at tinapos na nga nito ang kanyang pagkain. Matapos nitong kumain ay nagpaalam na ito at pumasok na.
Hapon. Nagulat si Rose nang biglang nag- ring ang telepono. Agad niya itong sinagot upang magulat. Hanggang sa mawala sa linya ang kanyang kausap ay nakatulala pa rin siya.
Nang mahimasmasan ay agad niyang tinawagan si Mike. Mabilis naman itong dumating na nag-aalala.
"Sinong tumawag sayo?" Agad nitong tanong sa kanya.
"Ang ate mo, sabi niya critical daw ang papa mo." Nag-aalala ring sagot ni Rose. Hindi nakaimik si Mike at napapikit.
"Mike, let's go home. Forget the hatreds in your heart after all, it's christmas." Maalumanay na wika ni Rose.
Hindi sumagot si Mike pero may nalaglag na luha sa mga mata nito. Nilapitan ito ni Rose at niyakap. Saka may dinukot ito sa kanyang bulsa at inilagay sa palad ni Mike.
Nagtataka naman si Mike na napatingin kay Rose. Tumango si Rose kay Mike. At dahan- dahan nitong tiningnan ang bagay na inilagay ni Rose sa kanyang palad.
Nanlaki ang kanyang mga mata at agad naptingin kay Rose. Napaawang ang kanyang labi at hindi makapagsalita.
Masayang tumango si Rose. Agad siyang niyakap ni Mike at inikot- ikot ito sa ere. Wala namang pagsidlan ng saya ang nararamdaman ni Rose.
"Ilang buwan na siya?" Naluluhang tanong ni Mike.
"One month and two weeks na siya! Sorry, inilihim ko kasi 'yun sana ang gift ko sayo ngayong christmas." Naluluha ring sagot ni Rose.
Muli siyang niyakap ni Mike at mabilis silang naghanda pabalik sa tahanan ni Mike.
Kapwa sila kabado at ninenerbiyos pagdating nila sa mansiyon. Nakahilera ang mga katulong at bodyguards sa pagdating nila. Nagkatinginan sila ni Mike at nagkangitian. Magkahawak ang kanilang kamay.
"Kaya natin 'to! Magkasama nating harapin ang tatlong taon nating iniiwasan." Wika ni Mike kay Rose.
Tumango si Rose at sabay na silang naglakad papasok sa mansiyon. Nakatingin ang lahat sa kanila nang makapasok na sila. Tumigil sila sa gitna ng malawak na sala. Nakaupo ang lahat habang nakatayo silang dalawa sa gitna.
Hinigpitan ni Mike ang pagkakahawak nito sa kamay ni Rose. Nakita ni Mike ang kanyang ina na luhaan. Tumayo ito at patakbong yumakap sa anak.
"I miss you so much, my son!" Umiiyak nitong sabi.
Napaiyak din si Mike at yumakap sa ina. Kasabay noon ang paglabas ni Don Fernando na naka- wheelchair. Payat na ito at marami na ang puti sa mga buhok. Nawala na rin ang bagsik sa mga mata nito.
"Mike," mahinang wika nito.
Subalit nakarating sa pandinig ni Mike. Inilapit ng isang nurse si Don Fernando sa harap nina Mike at Rose. Tumitig ito sa kanila. Alanganin itong ngumiti.
Hindi na napigil pa ni Mike ang sarili at kusa niyang niyakap ang kanyang ama. Humagulhol ito at umiyak nang umiyak. Naiyak din si Rose subalit sa sayang nararamdaman niya.
"I am so sorry, my son! I regretted and God punished me for being heartless and harshed to you!" Umiiyak na wika ng Don.
Hindi makasagot si Mike dahil patuloy pa rin ito sa pag-iyak.
"That was the terrible christmas to you, my son. Please forgive me!" Patuloy na sabi ng Don.
"Napatawad na kita, Dad. Matagal na kitang napatawad, please welcome also your grandson." Luhaan pa ring sagot ni Mike.
Natigilan ang Don at napatingin kay Rose. Bumaba ang tingin nito sa tiyan ni Rose. Ngumiti si Rose at tumango. Walang pagsidlan ang nadamang ligaya ng Don. Sumenyas ang Don na lumapit si Rose.
Tumalima si Rose at lumapit siya sa Don. Hinaplos ang tiyan niya at ngumiti.
"Patawarin mo ako, Rose. Patawarin mo rin ako, apo. But babawi si Lolo," madamdaming sabi ng Don.
"Matagal ko na po kayong napatawad." Sagot ni Rose.
Nagpalakpakan ang lahat. At sumindi ang malaking christmas tree sa loob ng mansiyo. Sama-sama nila itong pinanood.
"This is the best christmas that I've ever had!" Masayang bulalas ni Don Fernando.
Tumango naman sina Mike at Rose saka niyakap ang Don. Masaya silang lahat dahil maayos na ang mga dapat ayusin. At iyun ang pinakamagandang christmass na naranasan nila. Wika nga nila, give forgiveness on christmas but most especially, give love on christmas day. That is the spirit of christmas in our hearts.
Masayang nagsalo- salo ang lahat. Na tila walang nangyari na sigalot sa isa't- isa. Tunay ngang makapangyarihan ang puso, lalo na kapag sinamahan ng taimtim na dasal. Masayang nagkatinginan ang magsing- irog.
"Iho, gusto ko sana narito ka sa araw nang operasyon ko." Wika ng Don.
"Sure po! 'Wag po kayong mag-alala, darating po kami ni Rose." Masayang sagot ni Mike.
Hinawakan ng Don ang kamay ng anak. Malungkot na tumitig ito sa kanya.
"Labis akong nangungulila sayo, anak." malungkot na turan ng Don.
"Huwag na po ninyong isipin iyun, Dad. Ang mahalaga, magkakasama na po tayo ngayon. Araw- araw nating gawing pasko ang mga darating na araw." Nakangiting wika ni Mike.
"Salamat anak! At gusto ko, pagkatapos ng operasyon magpakasal na kayo ni Rose." sabi ni Don Facundo.
"Salamat po, Dad. Basbas na lamang po ninyo ang aming hinihintay." Matapat na tugon ni Mike.
Tumango ang Don at ngumiti. Tumingin kay Rose.
"Maraming salamat at hindi mo iniwan ang aking anak. Nagkamali ako nang akala sayo, tunay nga ang iyong pagmamahal para sa kanya." Ani nito kay Rose.
"Naiintindihan ko po kayo, sinumang ama ay hangad ang kapakanan ng kanyang anak. Anuman po ang mangyari, ako at ang magiging anak namin ay hindi siya iiwan." Masayang sagot ni Rose.
Napangiti ang Don at napaluha. Ginagap nito ang kamay nilang magkasintahan at tumango- tango. Muli nilang pinagmasdan ang napakaliwanag na christmas tree.
Para kina Mike at Rose, kakaiba ang ningning ng christmas tree na iyun. Parang sinliwanag ng sikat ng buwan. Kasing rikit ng mga bituin sa langit at kasing ningning ng haring araw. Hinaplos ni Rose ang kanyang tiyan at muling tumingin kay Mike.
"I love you so much! Merry Christmas!" Magiliw na sabi ni Mike.
"I love you more! And Merry Christmas too!" Malambing na sagot ni Rose.
"Baka langgamin kayo niyan, ha?" sabad ng mommy ni Mike.
Nagkatawanan sila. Habang namula naman si Rose sa sinabi ng Donya. Lumapit siya sa kanila at yumakap.
"I'm very happy, atlast! Kumpleto na tayo ngayong pasko, Merry Christmas to both of you!" Madamdaming wika ng Donya.
"Merry Christmas po!" Magkasabay na sagot nina Mike at Rose.
Masayang tumango si Donya Teresa at niyaya silang manood ng fireworks. Itinulak nila ang wheelchair ni Don Fernando at sama- sama silang lumabas sa labas ng mansiyon. Inilibot ni Mike ang kanyang paningin sa paligid ng mansiyon. Namiss niya nang sobra ang mansiyon. Kung saan siya lumaki at nagka- isip.
At kung saan din niya nakilala si Rose, ang babaeng kumumpleto sa kanyang buhay. Pasko rin nang makilala niya ito sa mismong mansiyon. Kaibigan kasi ng kanyang ate Zen ito kaya nagkakilaa sila.
"Sorry, we're late!" Wika ng isang tinig na kilalang- kilala niya.
Sabay silang napalingon ni Rose. Nakita niyang natigilan ito at napahinto sa paghakbang. Unti- unting ngumiti si Zen ng makilala niya ang kanilang kapatid. Ang paborito ng kanilang Daddy. Halos patakbo siyang yumakap rito.
"Kumusta ka na, Mike?" Naluluha nitong tanong.
"Okay lang, Ate. Merry Christmas!" Naiiyak ding sagot ni Mike.
Tumango-tango si Zen at binalingan niya si Rose. Nagkangitian silang dalawa.
"Thank you, for being there for him." Wika ni Zen.
"With all my heart," nakangiting sagot ni Rose at nagkayakapan sila.
"Heto na! Let's countdown!" Sigaw ng kanilang kuya Kiel.
Nagkahiwalay sina Rose at Zen at kapwa nagpahid ng kanilang mga luha. Sabay- sabay silang tumingala at nagbilang.
Magkahawak- kamay sina Mike at Rose na nakatingala at sumabay sa pagbibilang. Nang umabot na sa tamang oras ang New Year's eve ay sumigaw silang lahat ng "Merry Christmas!".
Kasabay noon ay ang pagputok ng mga fireworks. Nagpalakpakan sila at nang matapos ay sabay- sabay silang nagsipasok. Humarap sila sa mahabang mesa at nagsimula nang kumain.
Magkatabi naman silang dalawa habang kumakain. Manaka- nakang kinikindatan siya ni Mike na ikinapupula ng kanyang mukha.
"Grabe naman! Nakakainggit!" Bulalas ni Zen sa kanila.
Sabay nilang nilingon ito at nagkatawanan sila.
"Ganyan din kami ng mommy niyo noon," sabad ni Don Fernando.
"Fernando!" Saway naman ni Donya Teresa sa asawa.
Tiningnan naman ito ng Don.
"Bakit, hindi ba totoo? Kaya nga nabuo ang apat na ito eh!" Tugon ng Don at inisa- isang tiningnan ang mga anak.
Muli silang nagkatawanan.
"Ikaw iha, hindi ka ba uuwi sa inyo?" Naalalang tanong ni Donya Teresa kay Rose.
Ngumiti si Rose kay Donya Teresa.
"Ulila na po ako, tanging ang tiyuhin ko ag nag-alaga sa akin. Kaya lang nasa ibang bansa na rin po siya, at sobrang saya ko po na nandito ako ngayon." Sagot ni Rose.
Tumango- tango ang Donya at ngumiti.
"Sige na, kumain na tayong lahat at may pa-games mamaya!" Saad ng Donya.
Naghiyawan ang lahat at tila excited. Masaya namang ngumiti si Rose.
"Mike, pakainin mong maigi si Rose ha? Para malusog ang aming apo pagkalabas niya." Wika ng Donya kay Mike.
"Don't worry, Mommy! Alaga ko po talaga si Rose, 'di ba hon?" Malambing na sabi ni Mike sa kanya.
"Opo! Totoo po iyun!" Matapat niyang sagot.
Ngumiti ang Don at Donya. Masaya nilang pinagmasdan ang dalawa.
"Pagkatapos lumabas ang aking apo, sa akin siya titira ha?" Saad ng Don.
Napanganga si Rose subalit may ngiti sa labi. Tiningnan niya si Mike na nakangiti rin.
"Ikaw naman! First baby nila 'yan!" Saway ng Donya.
"Bakit? Eh unang apo rin natin 'yan," sagot ng Don.
Parehong ngumiti sina Mike at Rose na nakatingin sa mag-asawa. Nakikinig lang sila sa bangayan ng dalawa. Nang mapansin ng mga ito ay tumigil sila. Mas lalong natawa si Mike sa kanyang mga magulang.
"Dad, Mom, kahit dito na po kami tumira para makita niyo siya araw-araw." Masayang sabi ni Mike.
Nanlaki ang mga mata ng mag-asawa at ngumiti. Tumango ang mga ito at nagpatuloy na sila sa kanilang kinakain.
Nakahinga na ng maluwag si Mike. Masaya niyang pinagmasdan ang kanyang pamilya. At saka niya pinagmasdan si Rose. Lumingon ito sa kanya at ngumiti. Nginitian niya ito, masaya siyang nakasama niya ito sa hirap at ginhawa. At makakasama niya ito sa mga darating pang pasko.
Mahirap man ang pinagdaanan niya sa nakaraang pasko, napalitan naman ito nang mas masayang pasko.
Thank you..