SABADO. Niyaya ni Andrea si Ricky na pumunta sa Divine Word College of Calapan, ito ay upang panoorin nila ang laro ng ACLC at DWCC. Sa darating na Huwebes gaganapin ang 4th game nina Ricky kontra sa ACLC. Mabuti na ring panoorin niya ito upang makita ang mga players ng makakalaban nilang team. "Tinalo ng ACLC ang CLCC sa una nilang game at base sa nakuha kong balita ay tinambakan nila ang kalaban," paliwanag ni Andrea habang magkatabi sila sa loob ng tricycle habang papunta sa DWCC. "Number 7 ang ACLC last season nang matapos ang season. Base rin sa napanood kong laro ninyo ay malaki ang tsansa na talunin ninyo sila. Tinalo na ninyo ang Minscat at CCC na mas malakas na team kumpara rito," dagdag pa ni Andrea. "Kahit na. Kailangan ko pa ring pag-igihan ang laro ko. Mahina man o malakas