ISANG magandang ngiti ang nakita ni Ricky mula kay Andrea nang oras na iyon. Nang mga oras ding iyon, sandaling napatitig ang binata rito nang hindi niya namamalayan. Simple lang ang itsura ng dalaga pero hindi niya maiwasang mapangiti rito. "Kilala mo siya Andeng?" Tanong ng nanay ng bata na kasama nito. "Yap! Tropa ni Andriano. Classmate. Minsan ay nasa bahay siya," wika naman ni Andrea rito. Tila napatingin sa ibang lugar si Ricky. Nabigla siya dahil nakatitig pala siya sa dalaga. Iyon ay upang hindi ipahalata rito. Nginitian naman niya ang kasama ni Andrea. "Kaibigan ko po ang kapatid niya," dagdag pa ni Ricky na parang nahihiya ng mga oras na iyon. "Salamat nga pala sa iyo. Siguro, pumalakat na ng iyak itong anak ko kanina. Paborito pa naman nito ang ice cream," wika ng ina ng ba