Episode 21

2217 Words
I'm back.... Natigilan si Athena sa pagsusuklay ng bumukas ang pintuan ng kanilang silid at bumungad sa kanya ang mukha ni Keith. Kagaya nya ay halatang katatapos lang din nitong maligo. Panandalian lang na nagtama ang kanilang mata dahil agad din syang nag iwas. Bumalik sya sa pagsusuklay at pinilit na umaktong normal kahit na parang may naghahabolang kabayo sa kanyang dibdib. Palihim nyang tinitignan ito sa salamin. Nakapanjama na ito at naka white t-shirt pero kahit anong suot nito ay ang tikas parin nitong tignan. Ang bango palagi at ang linis linis nitong tignan lalo na at hindi na ito nagpapatubo ng balbas mula noong sinita nya ito. Ang buhok nito medyo mahaba na din. Hindi nya akalain na lalalim ang paghanga nya dito na para bang ito lang ang kanyang nakikita. Kung saan sya ibaling ang tingin ay naroon ito. Na parang ang boring ng araw pag wala ito. Kung hindi lang siguro sya nahihiya ay baka patigilin na nya ito sa pagpasok sa opisina para makasama nya lang ito bawat araw, bawat oras, bawat sigundo. Pero syempre alam nyang hindi pwede. Kahit pa asawa na nya ito alam nyang hindi nya pwedeng gawin iyon. Napatikhim sya. Nag angat ito ng tingin sa kanya. Pinapanood kasi nito ang kanilang anak na nakatulog na sa loob ng crib. "M-may sadya kaba?" Mahina nyang tanong. Napatitig ito sa kanya na para bang nawala sa isip pero nakabawi din agad. Bumaba uli ang tingin nito sa kanilang anak saka uli tumingin sa kanya. "Emm.. inaantok kana ba?" Alanganin nitong tanong Kumunot ang kanyang noo. "Hindi pa naman? May--may sasabihin kaba?" Tanong nya. Napahugot muna ito ng hangin. "Ayaw mo bang maglakad lakad muna sa labas. Hindi pa naman siguro magigising si baby and pinakiusapan ko na din si yaya kanina kung pwedeng sya muna ang magbantay ngayon sa kanya." Hindi na kasi sila nakapag usap kanina dahil nakatulog din sya. Ang sarap kasi ng hangin kaya napaidlip sya ng hindi nya namamalayan. Kunyari ay nag isip sya. "S-sige. Magbibihis lang ako." Aniya na parang pinakita pa ang ayos nya. "Huwag na. Kumuha kana lang ng balabal mo dahil mahangin sa labas baka sipunin ka." Tinungo nga nya ang cabinet at nilabas ang kanyang balabal kagaya ng sabi nito. Bago sila lumabas ay hinalikan muna nya ang noo ng anak. Dinaanan naman ni Keith ang kanyang yaya para makapagpaalam na ito. Sya naman ay tinungo ang kusina para uminom ng tubig bago sila umalis. Tamihik silang naglalakad sa tabing dagat habang dinadama ang mabining hangin na tumatama sa kanilang balat. Nakita nya ang nabuwal na puno ng nyog. Nagpatiunan syang maglakad at tinungo iyon dahil parang ang sarap tumambay doon. Pero lagpas baywang nya iyon kaya mahihirapan syang umupo. "Gusto mong umupo?" Tanong ni Keith sa kanya na mabilis na umalalay ng nagtangka syang umupo. Alanganin syang napangiti na parang nahiya bigla. "Oo sana.." Nanlaki ang mata nya ng hawakan nito ang baywang nya at hindi nya napigilan ang mapasigaw ng umangat ang paa nya sa buhangin at namalayan nalang nya na nakaupo na sya sa puno ng nyog. Napatawa si Keith kaya nahampas nya ito sa balikat. "Kailangan ba talagang gulatin mo ako." Reklamo nya. Sinandal nito ang katawan sa tabi nya. "Kumapit ka lang sa balikat ko baka bigla kang malaglag dyan." Wika nito na medyo nakaalalay parin sa kanyang braso dahil baka bigla nalang syang mapatibuwang. Inayos nya ang pag upo. Natahimik sila pagkatapos at parehong napatanaw sa malayo. Sa kinaroroonan nila ay abot tanaw nila ang mga maliliit na ilaw sa kabilang Isla. Tanging hampas ng tubig sa dagat ang naririnig nila at huni ng mga kuliglig. Nilanghap nya ang hangin. "Ang sarap ng hangin. Nakakarelax." Kumento nya. Nakita nya ang pagguhit ng ngiti ni Keith. "Yeah.. Palagi kami dito noong mga maliliit pa kaming magkakapatid. Halos dito namin ginugugol ang bakasyon namin. Nandito halos ang magagandang memories ko noong bata pa ako." Kwento nito. "Huh? Imposible namang hindi ka naging masaya sa Manila. Nandoon halos lahat ng sikat na bar, club, alam mo na. Night life." May himig panunukso nyang tanong. Ganon kasi ang kuya nya e. Mahilig lumabas pag gabi. Tumawa ng mahina si Keith. "Maniniwala kaba na natuto lang akong pumasok sa mga ganyan noong napasama ako sa kapatid mo." Nanlaki ang mata nya... "Weeehhh... maniwala." Natawa ito sa reaction nya. "Sabi ko na eh, hindi ka maniniwala. Hindi kasi ako pala labas dati. Nakahome school pa nga ako e." Kwento pa nito. "Hindi nga?" Hindi sya makapaniwala. "Don't tell me na anti social ka?" Parang nabuhay ang dugo nya dahil sa topic nila o dahil sa gusto nyang malaman ang kwento ng buhay nito ng bata pa ito. "Hindi naman. Noon kasi ang palagi kong kasama ay sila kuya din but you know mas matanda sila sa akin ng ilang taon. Hanggang sa nahuli na ako sa kanila. They have their group of friend and have their own stuff. Pakiramdam ko noong una ayaw nila sa akin kasi palagi nila akong iniiwan pag may lakad sila. Hindi na sila nakikipaglaro sa akin. Naging busy na din sila sa studies nila. Hindi ko iyon maintindihan dati. Hanggang sa hindi ko namamalayan na may sarili na pala akong mundo, mas gusto kong maglarong mag isa. Magkulong sa kwarto ko. Kahit anong pilit nila sa akin na pumasok sa eskwela ay ayaw ko. Hanggang noong napilit ako nila Daddy at Mommy na itry ng pumasok sa university. Doon ko nakilala si Ella." "Ella?" Kunot noo nyang tanong. "Em. Si Ella na Ella ni Kuya Ron. She's my bestfriend. Syan lang ang naging kaibigan ko noong lumabas ako sa mundo ko." Tinawanan nito ang sarili. "Hanggang sa nakapagtapos na kami ng college until I found out na sya din pala kinalulukohan ni kuya." May nahimigan sya sa boses nito. "Do you love her?" Hindi nya mapigilang maisatinig ang nasa isip. Pero bakit parang sya ang kinabahan sa kanyang tanong. Natawa ito ng mahina pero halatang pilit. "Of course. She's my best--" "As a woman?" Putol nya sa sagot nito. Huminga ito ng malalim. "Yeah. I loved her before pero mas matimbang ang pinagsamahan namin." Walang pag aalinlangan nitong sagot. Shit! Bakit parang sinaksak ang kanyang puso. Sabagay, sino ba ang hindi maiinlove kay ate Ella. She's almost perfect. Nasa sa kanya na yata lahat ng katangian na hinahanap ng lalaki at parang anghel pa ang mukha nito. Parang bigla tuloy syang nanlumo. Ganon palang babae ang gusto nya? Aniya sa sarili. "Akala ko mahal na mahal ko na sya na walang makakapantay sa kanya dito sa puso ko. Hanggang sa dumating ang isang gabi na babago sa laman nito." Tumagilid ito paharap sa kanya at napahawak pa sa tapat ng puso nito habang ang mga mata nito ay malamlam na nakatitig sa kanya. Maang nyang sinalubong ang titig nito. "After that night. Gusto ko syang balikan pero kailangan ako ng business namin." Malungkot na kwento nito. "Kaya umasa nalang ako na sana ay hindi pa ako huli pag nagkita kami. Ang hindi ko alam na habang nandoon lang ako nakaupo. Nagsasaya. Nakatutok sa negosyo namin ay nandito naman sya pilit na ipinaglalaban ang bunga ng isang gabing iyon." Hindi nya namalayan ang luhang pumatak sa kanyang mukha habang titig na titig parin sya sa mukha nito. "After that night. Hindi na natahimik ang gabi ko. Palagi ko na syang naiisip. Wala akong alam sa kanya maliban sa tattoo nyang FOREVER at ang malaanghel nyang mukha. Ang malamyos nyang tawa. Ang malambing nyang boses. That night keep on hunting me na parang napakalaking parte ng buhay ko ang namimiss ko. Na para bang ang kalahati ko ay naiwan sa kanya. Nakita ko ang picture mo sa kapatid mo pero ang mga palatandaan ko sayo ay hindi tumutugma sa kapatid nya. Ni hindi nya alam na may tattoo ka, kisyo takot ka sa karayom. Hindi ka rin umiinom. So sabi ko baka nagkataon lang na magkamukha lang kayo. Marahan nitong kinuha ang kanyang kamay at pinahid ng isang kamay nito ang kanyang luha. Napakabigat ng kanyang dibdib dahil bumabalik sa isip nya ang dinanas nya noong umalis sya sa poder ng kanyang magulang. "I'm really sorry kung nahuli ako. I'm sorry na kailangan mong danasin lahat ng mga bagay na iyon ng mag isa. I'm sorry kung hindi ko na kayang bagohin lahat at ibalik sayo ang dati mong buhay." Lalong bumalong ang kanyang mga luha. Pinatakan nito ng masuyong halik ang kayang kamay. "Alam kong nahihirapan ka sa setwasyon natin ngayon. Nag aalangan ka. At alam ko ring napilitan ka lang sa kasal natin." Malungkot na sabi nito habang nilalaro laro ng kamay nito ang singsing na suot suot nya. Inabot uli nito ang pisngi nya at tinuyo ang kanyang mga luha. "Gusto kong alisin lahat ng takot sa dibdib mo. Lahat ng alalahanin mo. Ayaw kong pagsisihan mo na pinaglaban mo ang baby natin at pinatuloy mo ako sa buhay nyo. Mahal ko kayo. Mahal na mahal." Damang dama nya ang bawat kataga na binitawan nito. Napaawang ang kanyang labi. Binawi nya ang kamay na hawak hawak nito. Kumakabog ang kanyang dibdib. "H-huwag mong sabihin yan dahil lang sa ina ako ng anak mo. A-alam ko naman eh na pinakasalan mo lang ako dahil sa nagka--- Biglang lumapat ang daliri nito sa kanyang labi. "No baby. May anak man tayo o wala ay hahanapin talaga kita. Hinihintay ko lang noon na mahanap ni Jerome ang kapatid nya which is ikaw nga... bago sana ako magsimula na hanapin ka. Ikaw lang ang nagparamdam sa akin ng ganito na para bang mababaliw ako pag nawala ka pa. Hindi kita itatali sa kasal kung hindi kita mahal." Dinala nito ang kamay nya sa dibdib nito. "Mahal na mahal na kita. Ito," pinadama pa nitong lalo ang t***k ng puso sa kanya. "Sayo lang ito tumibok ng ganito. Tang*na para akong teenager na kinikilig masulyapan mo lang. Na gusto, lahat ng atensyo mo ay nasa amin lang ng anak natin kaya palagi akong nagpapansin sayo. Na pag iniirapan mo ako parang natataranta na ako baka magbago ang isip mo at iwan ako. Hindi ko hinihiling na mahalin mo din ako basta hayaan mo lang na mahalin ko kayo." Pagsusumamo nito sa kanya Hindi sya agad nakapagsalita. Napakalamlam ng mata nito. Parang wala sa loob na inabot nya ang pisngi nito at dinama iyon. Hinawakan nito ang kamay nya. Napahinga sya ng malalim "N-natatakot ako na baka hindi ko magampanan ang pagiging asawa sayo. Papaano kung--" "Sshhh... hindi ko kailangan ng perpektong asawa. Sapat na sa akin kung ano ang kaya mong ibigay sa akin. Hindi ako maghahangad ng mga bagay na hindi mo kayang ibigay. Magiging malaya ka kagaya parin ng dati. Hayaan mong samahan kitang abotin ang mga naudlot mong pangarap." Wala syang maapuhap na sasabihin. "Hindi ka kaya maghanap ng ibang mas matured na babae pag nagsawa kana sa kakaintindi sa akin. Hindi ka kaya mainggit kay kuya Ron na may asawa syang kagaya ni Ate Ella-- na sana ganon din ang mapangasawa mo." Hindi nya alam pero bakit parang nakakaramdam sya ng selos. Masuyong ngumiti sa kanya si Keith. "Hinding hindi. Ako nga dapat ang mag aalala eh. Sa susunod na pasokan ay papasok kana sa university. Paniguradong marami kang makikilala doon na kaedad mo lang. Ano ba naman ako kumpara sa kanila." Bahagyan din itong napanguso. "Gusto ko tuloy mainsecure sa edad ko." Para itong bata na nagmamaktol. Napatawa sya. May pumasok na kalukohan sa isip nya. "Oo nga. Ang tanda mo na nga. Halos kalahati na ng edad mo ang edad ko." Biro din nya. Nalukot ang mukha nito kaya nagpipigil syang matawa. Nanlaki ang mata nya sa gulat ng pumasok ito sa pagitan ng hita nya kaya napahawak sya sa balikat nito baka bumaliktad sya sa likod. Naningkit ang mga mata nito. "Ganon. matanda pala ha. Balang araw ay magpapasalamat kang matanda ang napangasawa mo." Tumaas ang kilay nya habang pinipigil ang matawa. "Talaga lang ha. At bakit naman." Hamon nya. Napakagat ito sa labi at bumaba ang mata nito sa kanyang mga labi. Pumulupot ang braso nito sa kanyang baywang. Biglang pumasok sa isip nya ang nangyari sa kanila sa kitchen kaya wala sa loob na napalunok sya. Nag init ang kanyang pisngi. Tumaas ang mga balahibo nya ng unti unting umakyat ang kamay nito sa likod nya patungo sa kanyang batok. Pumasok ang kamay nito sa ilalim ng buhok nya hanggang sa likod ng kanyang ulo at unti unti nitong kinabig ang kanyang ulo. Para syang nahipnotismo sa titig nito kaya unti unting pumikit ang mata nya ng unti unting naglalapit ang kanilang labi. Halos mapugto na ang kanyang hininga ng maglapat ang kanilang mga labi kaya isang ungol ang kumawala sa kanya. Tumigil ito. "s**t. Hindi ko alam kung papaano ko kokontrolin ang sarili ko pagdating saiyo baby." Anas nito saka uli inangkin ng buong buo ang kanyang labi. Ramdam nya ang basang dila nito na lalong nagpainit sa kanyang pakiramdam. Para syang tuyong dahon na bigla nalang lumagablab dahil sa halik nito. Napakadali dito na pag initin sya. Nakakalimutan nya lahat paghawak na sya nito. Nababaliw sya sa halik nito. Para syang kinikiliti sa tyan na parang--- na parang--- s**t!!! Parang may nararamdaman sya sa kanyang p********e. Ohhhh... ring.....ring.....

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD