Dahil sa pamimilit, and since ma-le-late nanaman kami sa aming klase, ay pumayag kaming mag stay sa hotel para i-meet ang lawyer na pinadala ng pamilyang Akari.
Dumating siya habang ang b-breakfast kami sa isang cafe. Nakapag check-in na siya sa hotel at may dalang ilang mahahalagang papeles.
“I apologize for being late, I am Akari, Mamoru.” isa nanamang kamag-anak nila?
Nasa trenta anyos na ang lalaking dumating na nakasuot ng gray busuiness suit. Naka sleek back ang buhok nito at mayroon ring characteristic curved nose na mukhang trademark ng mga Akari.
“Mamoru nii-chan!” bati sa kaniya ni Jiro nang makita siya. “You’re practicing law now?”
Lumapit naman sa kaniya si Mamoru at niyakap siya ng mahigpit.
“Yes, I graduated from Todai six years ago,” sabi nito. “I’m so glad that we have finally found you!”
“It’s good to see you too.” humarap sa akin si Jiro. “By the way, Mamoru nii-san, this is my boy friend Victor De Mesa.” bumitaw si Mamoru kay Jiro at tumingin sa akin, mula ulo hanggang paa. “Jiro, this is my cousin, Mamoru, he’s like an older brother to me.”
“Nice to meet you.” naglahad ako ng kamay na kaniyang inabot.
“Yes, I’ve heard about you from Keito-kun.” bahagya siyang tumango sa akin “Thank you for taking care of Kenjiro-kun.”
“I-it was nothing.” nahihiya kong sinabi. Mukhang mas matino ang pinsang ito ni Jiro kumpara kay Keito.
“So, shall we get to business?” tanong ni Mamoru sa kaniyang mga pinsan.
“Aren’t we going to talk about some sensitive things here?” sabi naman ni Keito na pasimpleng tumingin sa akin.
“I’ll go out for a bit.” bulong ko kay Jiro. “Text me when you’re done.”
“No, I want you to stay,” sabi naman ni Jiro na agad akong kinapitan sa braso.
“It would be easier for you to talk in Japanese, right?” sabi ko sa kaniya.
“Bicoy... I need you here... with me,” sabi ni Jiro na nakikiusap ang mga mata.
“It’s okay, you can stay.” nakangiting sinabi ni Mamoru. “I do hope you don’t mind if we speak in Japanese, though.”
“It’s fine, as long as you don’t mind me here.” ngumiti ako kay Keito na nakasimangot as usual.
“As long as you’re here with me.” hinawakan ni Jiro ang kamay ko at ipinatong ito sa tuktok ng lamesa. “So, what are we going to talk about?”
Tumagal ng halos dalawang oras ang usapan nila Jiro.
Hapon ang usapan nila, kaya siyempre, wala akong naintindihan, pero narinig ko nang ilang beses ang pangalan ko. Hindi ko man inalam ang pinag-uusapan nila, pansin kong nagagalit si Jiro sa tuwing nababanggit ako. Lalo na `pag napag-uusapan nila ang tungkol sa kaa-san.
“Kaa-san wa yurusanai!” halos isigaw ni Jiro.
Humigpit ang kapit niya sa akin, at nakita ko ang isang butil ng luha na tumulo sa kaniyang mukha.
“Is everything okay?” tanong ko kay Jiro at napatingin ng masama sa dalawa naming kasama.
“O-okay lang...” sabi ni Jiro na tinapik ang aking kamay. “We were talking about my mother...”
Ah, baka ang kaa-san ay nanay? Pero kung ganon, ano naman kaya ang sinasabi nila?
Muli silang nag-usap, tapos ay tumawag ng waiter si Mamoru at umorder ng pagkain. Alas-dose pasado na pala!
“What would you like for lunch, Vic?” tanong sa akin ni Jiro.
“Choose for me, I’ll just have what you’ll have,” sagot ko, matapos matignan ang menu na hindi ko mabasa ng maayos ang mga laman. “So, have you settled things?” tanong ko kay Jiro.
“A bit...” sagot niya.
“Jiro still refuses to come home,” sabi ni Mamoru. “He says that he still has unfinished business here.”
Napatingin ako kay Jiro. “Is this about your mother?”
Napalingon siya sa akin, “What makes you say that?” tanong niya, natatawa. Tahimik naman ang dalawang pinsan niya.
“You seemed upset whenever you said the word ‘kaa-san’,” sagot ko.
“N-no... it’s just that... we still have the modeling contract and all...” sabi ni Jiro na hindi ako magawang tignan. “Besides, the school year just started, and I prefer to stay here with you and Tita Lucy.”
“Good,” tinapik ko siya sa likod. “It’s never a good idea to seek revenge. Let’s just be thankful that your parents can’t use you anymore.”
Tahimik kami, hanggang sa dumating ang inorder naming pagkain. Napaka liliit ng servings! Hindi umabot sa lalamunan ko, masarap pa naman. Buti na lang may inorder pang dalawang pasta si Mamoru at mukha namang maraming nakain si Jiro ngayon.
After eating, nagprisinta si Mamoru na ihatid kami sa bahay. Nag rent siya ng sasakyan, at pumayag na rin kaming magpahatid sa kaniya para lang pauwiin nila kami.
“Is this your residence?” gulat na gulat na tanong ni Keito sa amin. “How could anyone live in such conditions?!”
Nagpinting nanaman ang taenga ko sa sinabi niya, pero bago pa man ako maka-react ay binara na siya ni Jiro.
“This is much better than sleeping in the streets. So if you can’t keep your mouth shut then I suggest you lock yourself up in the car,” sabi niya.
Bumukas naman ang gate namin at lumabas si Tita lucy.
“Sino ba itong...” napatingin siya sa amin ni Jiro. “O, kayo pala, Bicoy, Jiro, sino bang kaaway ninyo?”
“Wala po Tita, may kasama lang po kami, mga pinsan ni Jiro.” paliwanag ko sa kaniya. “Aba, kung ganon, eh, tumuloy muna kayo.” binuksan ni Tita nang malaki ang gate, at bumungad ang mga mananahi sa loob, pati ang mga bundle ng tela at panahe na nakaharang sa daan.
“`Wag na po, Tita, paalis na rin sila,” sabi ko.
“That’s right, my cousins are already leaving,” sabi ni Jiro na humarap kay Keito.
“Is that so?” sabi naman ni Tita Lucy na dating nangarap maging guro ng English Literature. “Why don’t you stop by for a while so that we could get to know each other?” sabi nito with a perfect English accent.
“Thank you, for your hospitality!” agad sagot ni Mamoru na inabot ang kamay sa tyahen ko. “I am Akari, Mamoru, and this is our cousin, Akari, Keito.” turo niya kay Keito na tikom ang bibig.”
“A pleasure to meet you!” sagot ni tita.
Pinatuloy ni Tita ang dalawa sa taas. Mukhang nagkasundo agad sila ni Mamoru na magaling mambola.
Kami naman ni Jiro ay napakibit-balikat na lang at sumunod sa kanila.
“We have been looking for our cousin for eight years now, we’re very thankful that you have taken care of him. All our relatives are also excited to meet him soon,” sabi ni Mamoru na nakailang bow na sa Tita ko. “Actually, we have been insisting for him to come home with us to Japan...”
“Nii-san!” tawag ni Jiro kay Mamoru, at mabilis s’yang nagsalita ng hapon na nagtapos sa –yaro. Mukhang galit siya, pero ngumiti siya kay Tita. “Mamoru-nii and Keito are just happy ot see me,” sabi niya kay Tita, “But I prefer to stay here.”
“Oh, don’t you want to see your relatives?” tanong ni Tita kay Jiro. “You should visit them for a while, if you haven’t seen each other that long. I’m sure they are all very worried about you.”
Natigilan si Jiro.
“That is true, Tita,” sabi nanaman ni Mamoru, “That’s what I’ve been trying to tell Jiro.” ngumiti pa siya ng pa-inosente kay Jiro na masama ang tingin sa kaniya.
“Well, I’m not leaving without Victor!” sabi ni Jiro.
“Eh?” nagulat ako nang masama ang pangalan ko sa usapan. Tumingin sa akin si Jiro ng nakasimangot at hinatak ang braso ko.
“And I want Tita Lucy to come as well!” nako, nasama na pati si Tita!
“Ah, I’m too old for travel, besides, I can’t leave my small business behind,” sabi ni Tita. “But you can go ahead and take Bicoy with you.”
Tumingin silang lahat sa akin.
“I really... don’t want to be caught up in all this...” sabi ko matapos magbuntong hininga.
“Bicoy!” sumimangot sa akin si Jiro.
“Ha! And you call yourself his bo-“
Sinipa ni Jiro si Keito bago matapos ang sasabihin niya.
“O, ano yun?” nagulat si Tita nang mapayuko si Keito at kumapit sa binti niya.
“If your... friend comes with us, would you be willing to come home?” tanong ni Mamoru.
“I’ll think about it,” sabi ni Jiro, “Besides, we still have classes until May, ask me again about going to Japan, then.”
Nagbuntong hininga si Mamoru at napailing. “Okay then, we’ll talk about this again on May,” sabi niya. “But for now, I cannot let the heir of the Akari conglomerate to live in such conditions.”
“Nii-san!” nagalit nanaman si Jiro.
“Heir?” tanong ni Tita na naguguluhan.
“What conditions do you mean?” naiinis ko namang tanong.
“I beg your pardon,” sabi niya sa akin, “But we can’t deny that this is not the best environment for our cousin,” sabi niya
Muling nagsalita ng hapon ni Jiro, at natawa ang pinsan niya.
“It’s okay, again, I do beg your pardon,” sabi nito, “But being the only son of the late Akari head, it may not be safe for you to stay here, especially now that you have strated to take legal actions against your mother.”
Napatingin ako kay Jiro na hindi inaalis ang tingin kay Mamoru.
“The least we can do is provide you with better accommodation in a place with dependable security.”
“And like I said, I’m not going to leave my new family.”
“Jiro, can you please explain what’s happening here?” tanong ni Tita. “Bicoy, ano ba talaga nangyayari?”
“Tita,” naisipan kong ako na ang magpaliwanag. “Matagal na palang hinahanap si Jiro ng pamilya niya sa Japan. Itinago siya ng nanay niya para magamit ang pera niyang galing sa tatay niyang yumao. At ngayong nakita na siya ng pamilya niya, gusto nilang isama si Jiro pauwi, dahil siya ang tagapag-mana ng mga negosyo nila doon.”
“Ha?” kumunot ang noo ni Tita, “Saang telenobela ba nanggaling yang kinuwento mo sa akin?”
Natawa si Jiro, pati na rin ako, pero may takot ako sa dibdib. A sense of dread that seems to be growing bigger.
“Tita, mas gusto ko pong tumira dito kasama ninyo,” sabi naman ni Jiro bago muling humarap sa mga pinsan niya. “I want to stay with my new family, Mamoru nii-san, so if you can’t keep your side of the bargain, then you can forget about me ever going back to Japan.”