“H-Ha?” Nakatulala lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin. Parang hindi naandar ang utak ko. Napaiwas siya ng tingin sakin. Napalunok siya at tumalikod sakin. “K-Kalimutan mo na 'yon.” Nakatulala lang ako habang naglalakad na siya palayo. “Kung ipagpapatuloy mo 'to, tuluyan na kong mahuhulog sayo.” Napahawak ako sa pisngi ko dahil pakiramdam ko pulang pula na 'yon. “At mas lalong wala na kong pakialam kung iniisip mong ako si Ice.” Pinukpok ko ang ulo ko. Tama ba talaga ako ng pagkarinig? Bakit parang kinikilig ako?! *** “Rash! Dash!” nakapamaywang na sabi ko. Natahimik naman ang dalawa. Nag-aaway na naman kasi sila dahil sa mga walang kwentang bagay. “Sorry Mama, si Dash po kasi eh. Nagagalit agad porke't natalo ko siya sa chess. First time ko k