Pumunta si Katrina sa aking company, para mag audition. Nagulat siya nang makita niya si Dianne mismo sa loob ng aking opisina. Nakatalikod ako para hindi niya ako makilala, habang umiinom ako ng wine. Walang kamalay-malay si Katrina na ako ang may-ari ng company kung saan siya mag-audition. CNM WINE COMPANY ang nasa card na hawak niya, kaya wala siyang idea na ako ang may-ari. Nang makita niya si Dianne sa loob ng opisina ay sumilay ang kanyang kilay at marahas niyang tinulak si Dianne sa balikat. "Bakit nandito ka Dianne? Hanggang dito sinusundan mo ako? Ganyan ka na ba kalaki ang inggit mo sa akin?" Natawang tanong ni Katrina kay Dianne. "Katrina ako ang naunang pumunta sa 'yo dito, baka ako ang sinundan mo? Saka bakit ka ba nagalit pareho lang naman tayong nangailangan ng pera. Sy