“THIS is not you, Matt. Sa pagkakaalam ko, ako pa ang madalas mangumbida sa’yo rito sa bahay ko. Pero ngayon, dalawang magkasunod na gabi mo na ‘kong pinupuntahan. May gumugulo ba sa’yo, pare?” Ikiniling pa ni Victor ang ulo at pinagmasdan ako.
Hindi ako sumagot. Itinaas ko sa bibig ko ang baso ng whiskey at inisang lagok ang laman. Nang gabing iyon ay naroon ulit ako sa bahay ni Victor. Pagkatapos ng hapunan sa rest house kasama si Gigi ay minabuti kong umalis. Gigi wasn’t talking to me the whole afternoon until evening and it annoyed me. Hindi niya ako kinausap ulit pagkatapos niyang sabihin sa akin na payag na siyang magpakasal. Kikibo lang siya kapag may itatanong ako.
Her actuations were giving me headache. Alam ko namang napilitan lang siyang tanggapin ang alok ko dahil wala siyang pagpipilian. Hindi rin naman ako papayag na tanggihan niya ‘ko. Masama ang loob ni Gigi sa naging desisyon niya but it’s the least of my concern. I already expected it since I knew how proud she was. Ang problema lang ay hindi ko maiwasan na mabwisit kapag para akong hangin sa harapan niya kaya para maiwasang mag-init lalo ang ulo ko, lumabas ako pagkatapos ng hapunan. Binilinan ko na lang siya na i-lock ang mga pinto bago matulog.
Sinalinan ulit ni Victor ang baso ko. Nakatingin ako sa swabeng pagbagsak ng likido nang simulang magdeklara rito.
“I’m getting married. Soon.”
Nahinto sa pagsasalin ng alak si Victor at tiningnan ako. His face was full of awe and disbelief. Itinaas niya ang ulo ng bote at wala sa sariling tinakpan.
“Hindi nga, pare? Seryoso ka ba?” di-makapaniwalang tanong niya.
Hindi ako sumagot. Ininom ko ang bagong salin na whiskey.
“Parang noong nakakaraang linggo lang natin napag-usapan ‘yan. Ang sabi mo pa, baka tumanda ka nang binata. Tapos ngayon?”
“It’s true. Ikakasal na ako.”
Tumawa si Victor. Hindi ko sigurado kung masaya ba siya o naaasar sa ibinalita ko. Ibinaba niya ang bote ng whiskey sa bar at tinitigan ako.
“Sino ang babae? Don’t tell me it’s Alyssa.”
“No. Not her.”
“Sino nga? Kilala ko ba?”
“I don’t think so.”
“Pare, seryoso ka ba?”
I scoffed. Nalalabuan ako kay Victor. Itinutulak niya akong mag-asawa pagkatapos ngayon ay hindi naman siya maniwala.
“Sino ang babae, pare? Taga-saan? Is she a lawyer like you? Anong pangalan?” sunod-sunod na tanong nito.
“Gigi. Gigi Apostol. Taga-Sta. Magdalena rin siya pero, narito siya ngayon sa Irosin. Kasama ko siya sa bahay.”
“Woah!” Lalong nasurpresa si Victor sa sinabi ko. Hindi ko alam kung matatawa ako o ano. “That’s so fast! So you’re already living together?”
“Gano’n na nga. You will meet her, soon, don’t worry.”
“Dapat lang! So this Gigi, how’s she? Anong ginagawa niya sa buhay?”
“She’s a student.”
“What?” Nagsalubong ang mga kilay niya na parang may mali sa sinabi ko.
“Well, she’s going back to school next sem so she’s a student. Pero mauuna na muna kaming ikasal bago magpasukan.”
“She’s that young?” gulat ang boses ni Victor.
“Twenty.”
“And you’re thirty-five. Well, not bad. Pero hindi ako makapaniwala na isang batang babae ang napili mong pakasalan. Bukod sa napakabata, anong meron sa Gigi na ito na wala kina Alyssa at sa iba pang babae?” Napakaseryoso ng pagkakatanong ni Victor pero, tinawanan ko lang siya.
Umiling ako at uminom sa aking baso. Tuluyan akong hindi sumagot sa tanong na iyon at ibinaling na sa iba ang usapan.
Madilim ang buong bahay nang umuwi ako. Pagkatapos i-lock ang main door ay umakyat na ako at sinilip si Gigi sa kwarto nito. It looked like she was already asleep. Nakatagilid siya ng higa at nakaharap sa pinto kaya naaninag ko ang mukha niya. Ilang sandali akong nag-alangan kung papasok ba o hindi pero, sa huli ay walang ingay akong tumapak sa kwarto niya at lumapit. Dahan-dahan akong naupo sa gilid ng kama at inaninag ang facial features ni Gigi.
Nang una kong siyang makita after several years, medyo nagulat ako. I found her really attractive. Pero pagkatapos ko siyang hangaan nang palihim ay inilagay ko rin agad sa isip ko na anak si Gigi ni Mang Gardo at bawal siyang hawakan.
The next time I saw her, I remembered Celine. Mukhang problemado noong hapon na iyon si Gigi habang kinakausap ang isa sa mga gwardiya ng hacienda at may isang bahagi ko ang napukaw niya. Mula noon, at sa tuwing makikita ko siya, hindi ko matiis na hindi siya papansinin. I admit I was attracted to her. Hanggang sa napigtas ng atraksiyon na 'yon ang kontrol ko at nabalewala ang sinabi ko sa aking isip na bawal siyang hawakan.
Nang mamatay si Mang Gardo, nakita ko ulit si Celine kay Gigi. They were both orphan who needed help. Their situation both awakened my sense of responsibility. Pero kumpara kay Celine, mas nahihirapan akong pakitunguhan si Gigi. Madalas na nangangapa ako sa kaniya. Maybe because with Celine, I wasn’t the one who’s there to help her. Pera ko lang pinagagana ko noon para suportahan ito samantalang kay Gigi, ako mismo ang kailangang kumilos.
And it’s not easy to be with Gigi most of the time. I hated her pride and stubbornness. At kahit may rason ako para siya pagdudahan, mas gusto kong maniwala sa sinabi niyang wala siyang alam sa ginawa ng kaniyang madrasta. And I felt sorry somehow dahil naturingan akong abogado pero, hinatulan ko na agad sa isip ko si Gigi. Pinarusahan ko siya sa sarili kong mga kamay. But then my much bigger pride wouldn’t let me be conquered with guilt. Isa pa at gaya rin ng sinabi ko, hindi na ang pagiging inosente niya sa plano ng kaniyang madrasta ang kaso. May pananagutan na ako sa kaniya. At nakahanda akong panindigan siya kahit sino pa ang humarang.
I weaved a deep sigh and carefully lifted my hand to touch Gigi’s face. Aside from responsiblity, she also stirred my sense of possession. Kapag nakikita ko siya, nakikita ko ang pinakamalaki kong pag-aari. Kaya kahit alam kong hindi siya madaling pasunurin gaya ni Celine, sinusubukan ko pa rin siyang kontrolin.
Hindi ko pa masabi sa sarili ko kung pagmamalasakit lang ba ang pakay ko kay Gigi o ginagamit ko na siya para sa pansariling interes. Ang sigurado ko lang, wala akong balak na ibalik siya sa pamilya niya gaya ng gusto ni Lolo. Kaya kanina ay kailangan ko pang pakiusapan si Stephanie na h’wag itong magsasalita sa kahit kanino sa villa. Gusto kong ako mismo ang magparating noon kay Lolo.
Hindi ako sigurado kung pagbibigyan ako ni Stephanie pero, nakaplano na talaga ang pag-uwi ko bukas sa villa para kausapin si Lolo. Kung malaman man agad nito nang maaga ang tungkol sa balak kong pakasalan si Gigi ay walang problema.
Ipinagpatuloy ko ang banayad na paghaplos sa pisngi ni Gigi. Then I felt a kick on my chest when she suddenly opened her eyes. Napahinto rin ang kamay kong nakahawak sa mukha niya.
“S-Senyorito!?” sambit niya sabay bangon at layo sa akin. Sumandal siya sa headboard, hawak nang mabuti ang kumot sa katawan.
Natigilan ako sa reaksiyon niya. Parang nagkaroon ng guwang sa tiyan ko habang pinagmamasdan ko si Gigi. Naalala ko ang ginawa ko nang nagdaang gabi at sa unang pagkakataon, mula nang angkinin ko siya, nakadama ako ng awa at pagsisi.
I groaned at the thought of it. I exhaled and quickly set aside the guilt feeling. Nangibabaw na ulit ang iritasyon ko sa klase ng tingin niya sa akin. Kung kanina ay para akong hangin, ngayon ang tingin ko kay Gigi ay para siyang nakaharap sa isang halimaw.
"A-anong kailangan mo? L-lasing ka na naman ba?" tanong niya na nagpasasal ng t***k ng puso ko.
Nahati ako sa kagustuhang kabigin siya at alisin ang takot pero, mas pinakinggan ko ang kabilang panig. I clenched my jaws and rose from the bed.
“Ipapaalam ko lang sa'yo na maaga akong aalis bukas para asikasuhin ang mga papeles natin sa kasal. Maiiwan ka rito kasama ni Ate Rosa. That's all. You may go back to sleep.”
Hindi ko na ulit nilingon si Gigi nang tumalikod ako at lumabas ng kwarto niya. Paghiga ko ay nagpabalik-balik sa akin ang tungkol sa naramdaman ko kanina pagkakita sa reaksiyon ni Gigi. She looked more scared that thrilled when she found me inside her room. Kabaligtaran iyon sa nakita ko sa mga mata niya noong na-stranded kami sa ulanan.
Should I apologize for what I did? Hindi na siguro. Nangyari na ang mga nangyari. Wala akong gustong pagsisihan. Sa oras na makasal kami ay titiyakin ko na lang na mawawala anuman ang takot niya.
Kinabukasan. Tulog pa rin si Gigi nang umalis ako at ibilin ito kay Ate Rosa. Wala ring mga trabahador sa araw na iyon dahil dalawang araw ko silang pinagpahinga. Makakapaghintay ang pagawain ko sa bahay. Kailangan ko munang ayusin ang tungkol sa kasal namin ni Gigi.
“Estupido! Ang sabi ko ay magbayad ka at isoli mo ang anak-anakan ng babaeng ‘yon! Wala akong sinabi na panagutan mo siya!”
Hindi ako nagkamali ng hinala. Nakarating agad kay Lolo ang balita at gaya ng inaasahan, galit na galit ito. Nagsayang lang ako ng oras sa paghabol kay Stephanie dahil nagsumbong pala ito kay Tita Samantha at ang tiyahin ko ang nagparating kay Lolo.
“My responsibilidad ako kay Gigi. Hindi ko siya pwedeng isoli sa madrasta niya. Sa akin na si Gigi dahil magiging asawa ko na siya," mahinahong sagot ko sa kabila ng mataas na boses ni Lolo.
“Naubusan na ba ng babae sa Maynila at dito mo naisip kumuha ng mapapangasawa? Isang beinte anyos na walang tugang pinag-aralan? Anak pa ng dating trabahor ng lupain ko? Naturingan kang abogado pero, wala kang delicadeza!”
“Kahit anong sabihin mo, Lolo, hindi na magbabago ang isip ko. I will marry her.”
“Ibibilad mo sa kahihiyan ang pangalan ko, Matthew! Kung pakakasalan mo siya ay tiyakin mo lang na hindi ulit kayo tatapak sa lupain ko!”
“Don’t worry. Wala rin akong balak na iharap sa inyo si Gigi pagkatapos kong marinig ang mga pang-iinsulto n’yo sa kaniya. Nalimutan mo na yata na dati ka ring trabahador ng lupain ng mga magulang ni Lola bago kayo naging mag-asawa? That’s what Mom often told me when she was still alive.”
“Sinvergüenza! Tingnan ko lang kung hindi ka rin itakwil ng angkan ng iyong ama!”
“So what? I will build my own family, soon. Hindi na mahalaga kung sino sa inyo ang tatanggap at magtatakwil sa akin,” sagot ko at nagbuga ng hangin. “Aalis na’ko. Sumadya lang talaga ako rito para ipaalam sa’yo ang naging desisyon ko.”
Pagkasabi noon ay tumalikod na ako at tuloy-tuloy na lumabas ng villa. Hindi ko na narinig pang nagsalita si Lolo. Pagsakay sa kotse ay nagmaneho na ulit ako pabalik ng Irosin.