(GIGI)
HINUBAD ko ang puting dress na isinuot ko sa kasal namin ni Senyorito Matthew. Gawa sa lace ang mahaba nitong manggas kaya ingat na ingat talaga ako sa paghugot sa aking mga braso. Nang mahubad ko na ang dress sa katawan ko ay sandali na naman akong natulala. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako. Parang panaginip lang ang mga nangyari kanina.
Nahiga ako at pumikit. Hinayaan ko ang sarili kong alalahanin ang maikli subalit sinserong seremonya ng kasal. Inalala ko rin ang halik sa akin kanina ni Senyorito Matthew. Asawa ko na nga siya. Asawa ko na ang lalakeng dati ay isinusulat ko lang ang pangalan sa aking school diary. Asawa ko na ang lalakeng dati ay tinatanaw at pinapangarap ko lang na makita parati.
Hindi ko namalayan na sa pag-iisip ay nakatulog pala ako. Nagulat ako nang paggising ay madilim na sa aking kwarto. Gabi na pala. Hindi man lang ba ako ginising ni Senyorito Matthew? Bumangon ako at binuksan ang ilaw. Nang lumiwanag sa kwarto ay nagtaka ako dahil nakasuot ako ng daster. Natigilan ako sandali at napahawak sa dibdib ko.
Ang naalala ko ay naka-kamison pa ako nang humiga sa kama. Natatandaan ko ring hawak ko pa ang hinubad kong wedding dress pero, wala na ‘yon sa kamay ko kundi nasa paanan ng kama katabi ang sedang kamison.
Lalabas sana ako para tanungin si Senyorito Matthew kung siya ang nagbihis sa akin pero, naalala kong naka-make up pa pala ako. Naka-bun pa rin ang aking buhok. Pumasok ako sa banyo upang maghugas ng mukha. Nagsuklay rin ako at pagkatapos ay saka ako lumabas ng kwarto at bumaba.
Nasa sala si Senyorito Matthew at patagilid na nakaupo sa sofa. Nakaunat ang mahahabang binti niya habang nasa kandungan ang laptop. Akala ko ay trabaho ang ginagawa niya pero, nasilip ko sa screen ng laptop na nanonood siya ng isang palabas na nasa wikang Ingles. Hindi ko lang sigurado kung anong pelikula o series iyon pero, malamang na maganda dahil tutok na tutok siya at hindi nga namalayan ang paglapit ko.
Ilang sandali pa ay mukhang naramdaman niya na naroon ako. Nilingon niya ako sabay tanggal ng ear piece. Bumago siya ng posisyon at inilapag ang laptop sa center table.
“Gising ka na pala? Are you hungry?” Tumayo siya at hinarap ako.
Napahawak ako sa strap ng daster ko. “I-ikaw ba ang nagbihis sa ak-”
“Yes. Who else do you think would do that? Ako ang asawa mo. Ako lang ang pwedeng makakita sa katawan mo.”
Hindi ko na sinundan ang sinabi niya. Sobrang pagod ko ba kanina at hindi ko man lang naramdaman nang hubaran niya ako at suotan ng damit?
Nauntag ako nang hawakan niya sa likod.
“I already set the table. Hinihintay lang kitang magising. Kumain na tayo.”
First dinner namin bilang mag-asawa ay sa bagong renovate na kitchen ng rest house. Maayos na rin ang dining area pero, dahil gusto ni Senyorito Matthew na palitan ang mesa ay doon muna kami sa tinatawag na breakfast table kumain. May dalawang matataas na upuan iyon na kaunti lang ang distansiya sa isa’t isa kaya halos magkadikit kami nang nakapwesto na sa harap ng mga pagkain.
Hindi na ako naghintay na alukin niya. Kusa na akong naglagay ng kanin at ulam na adobo sa pinggan. Gusto kong tanungin si Senyorito Matthew kung adobo lang ba ang alam niyang lutuin pero, naisip kong h’wag na lang. Mamaya ay akalain pa niya na nagrereklamo ako.
Wala akong gaanong nakain kanina pagkatapos ng aming kasal kaya sunod-sunod ang subo ko. Napansin kong panay ang tingin sa akin ng katabi ko na para bang gusto na akong awatin sa pagkain.
“Saan mo inilalagay ang kinakain mo? Ang payat mo naman,” puna niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko rin alam kung bakit hindi ako tumataba. Siguro dahil hindi naman ako laging maganang kumain. Pero para sa akin ay hindi naman ako payat. Mas may laman naman ako kay Stephanie.
Nang makadalawang kuha na ng kanin ay ako na mismo ang pumigil sa sarili ko. Inubos ko ang natitirang ulam sa pinggan ko at uminom na ng tubig. Kanina pa natapos sa pagkain ang kasalo ko.
“Siya nga pala. Tumawag sa akin si Jerry at ibinalitang nahuli na raw ang totoong suspect sa pagkamatay ni Mr. Javier.”
Natigilan ako at sinalakay ng kaba. “T-totoo?”
“Yes. Isa rin sa mga tauhan na pinagkakatiwalaan ng negosyante ang naglason sa kaniya. Nakakulong na ngayon ang taong ‘yon.”
Nahulog ako sa pag-iisip. Kung sakali bang hindi ako tinulungan ni Senyorito Matthew ay hindi na gugulong ang imbestigasyon at hindi madadakip ang totoong maysala?
Hindi ko napigilan ang mapangiti. Para ngang gusto ko pang maiyak sa sobrang tuwa.
“Thank you. Thank you, Senyorito-”
“What’s that again?” putol niya sa akin sa medyo iritableng boses. “Asawa mo na ‘ko, Gigi. Tawagin mo ‘kong Matthew or Matt - kung saan ka komportable. Hindi ‘Senyorito’ at lalong hindi ‘Kuya’.”
Marahan akong tumango. “Attorney na lang kaya? Pwede na ba ‘yon?”
Natigilan siya sa tanong ko. Nakita ko sa mata niya ang pagtutol. Parang ayaw niya rin ng ‘Attorney’. Hindi ko alam kung anong problema sa titulo niya dahil ang ibang tao naman ay ganoon siya tawagin.
“Matthew. I’m already your husband and not just your lawyer.”
Hindi ko na iginiit ang gusto ko. “Sige. Matthew.”
“Better.”
Dahil siya ang nagluto ng hapunan, inako ko naman ang paghuhugas ng mga pinggan. Hindi naman ako iniwan ni Senyorito Matthew sa kusina. Habang naghuhugas ako ng mga kasangkapan ay nasa breakfast table siya at nagkakape. Narinig ko muna siyang tumikhim bago nagsalita.
“Sa tingin mo ba, kasal ka na ngayon kay Mr. Javier kung hindi namatay ang matanda?”
Natigilan ako sa tanong niya. Binitiwan ko ang kaserolang hawak ko at tahasan siyang nilingon.
“Anong ibig mong sabihin?” kunot-noong tanong ko.
Nagkibit siya ng balikat. “Nothing. Nagtatanong lang ako since alam nating pareho na nakipagkasundo kayo ng pamilya mo na ipakasal ka sa kaniya.”
“Wala akong kinalaman sa kasunduan nina Tita Donna at Mr. Javier. Hindi rin ‘yon gusto ng Tatay ko. Kaya lang, hindi niya makontra si Tita Donna. Wala ring alam si Jaypee.”
“Okay. What about you?”
Tuluyang nagusot ang noo ko. Iniwan ko ang aking ginagawa at lumapit sa kinaroroonan ng abogado na asawa ko na nga pala.
“Anong ako? Bakit ganiyan ang tanong mo? Siyempre hindi ko alam." Hindi ko na naitago ang inis sa boses ko. "At kung sasagutin ko ang unang tanong mo, sa palagay ko kung hindi ‘yon nangyari kay Mr. Javier, malamang ako na lang ang naglason at nagpakamatay."
“Relax, Gigi! Why do you sound guilty? Kung nasa courtroom tayo, malamang nahatulan ka na.”
“Ano? Anong guilty? Hindi ako guilty, Senyorito! Naiinis ako sa tanong mo. Ano ba ang pagkakakilala mo sa’kin? Na dahil sa pera ni Mr. Javier, papayag akong magpakasal sa kaniya? Hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko gusto.”
Natahimik si Senyorito Matthew. Nakita ko nang unti-unting nabura ang ngisi sa mukha niya.
“Ibig mo bang sabihin gusto mo’ko kaya ka nagpakasal sa’kin?”
Ako naman ang natahimik. Napalunok ako at hindi agad nakasagot.
“Is that what you mean, Gigi?”
Pinagsalubong ko ang mga kilay ko. “Nagpakasal ako sa’yo dahil iyon ang gusto mong kabayaran sa mga itinulong mo sa’kin. Alam mong wala akong pagpipilian. Nagpakasal ako sa’yo dahil sa utang ko pero, hindi por que sinabing utang, pera mo ang dahilan. Noong tinulungan mo’kong makalaya, hindi ko alam na sisingilin mo pala ako.”
Dumaan ang mahabang sandali na hindi sumagot si Senyorito Matthew. Kaya naman nagdesisyon akong ituloy na ang aking ginagawa para matapos na at nang makaakyat ako.
Hindi ko namalayan ang pagtayo niya at ang paglapit sa akin. Naramdaman ko na lang na nasa gilid ko na siya at nakatunghay sa aking ginagawa.
“I was a fool for upsetting my wife on the first night of our wedding. Hindi ko sinasadyang mainis ka.”
Tiningnan ko siya. “N-nag-so-sorry ka ba ng lagay na ‘yan?”
Hindi siya agad sumagot. Tumikwas ang isang sulok ng labi niya at dahan-dahang ibinaba ang mukha sa akin. “No. I’m just saying that I don’t want to sleep on another bed tonight.” At bago pa ako makaiwas ay isang halik na ang itinanim niya sa aking mga labi. Maiksi lang ang halik subalit, nag-iwan iyon ng kakaibang kilabot sa akin.
“Bilisan mo na riyan para makatulog na tayo,” bulong ni Senyorito Matthew bago ako iniwan at bumalik sa pwesto niya sa breakfast table.
----------------------------------------------------------------------------
(MATTHEW)
I CLOSED the book and tossed it on the bed. Mag-iisang oras ko nang hawak at binabasa ang libro habang naghihintay kay Gigi. I was reading through the pages pero, ang mga mata ko, maya’t mayang tumitingin sa pinto ng kwarto sa pagbabaka-sakaling bubukas iyon at dudungaw ang magandang mukha ng aking asawa. Pero hanggang sa oras na iyon ay wala pa rin siya.
I exhaled soundly. This wasn’t so funny. Kanina pa ako sa kwarto ko mula nang sabihin ni Gigi na mauna na ako. Naramdaman ko naman ang pag-akyat niya kanina sa hagdan pero, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nalipat dito. Gusto ko nang tumayo, lumabas at katukin siya sa kaniyang kwarto. Hindi ko alam kung anong dahilan at ang tagal-tagal niya. I was beginning to get annoyed.
Inaayos ko ang unan na hihigaan ko nang marinig ko ang maliit na tunog ng pinihit na door knob. I cursed myself for feeling a little panic dahil imbes na tingnan ko ang pagpasok ni Gigi ay mabilis akong nahiga at pumikit kunwari.
D*mn! Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. I hated this! I hated my own reaction! Talo ko pa ang isang nagbibinata! Kaya naman nagmulat na lang ako at nakasimangot na tumingin sa direksiyon ng pinto ng kwarto.
Nakapasok na si Gigi. She looked fresh like she just stepped out from the shower. Kaya siguro ang tagal. Nakatayo lang siya sa likod ng pinto at mukha pang nagulat habang nakatingin sa gawi ko.
“N-nagising ka ba pagpasok ko?”
“No,” mabilis na sagot ko. Umahon ako sa kama at lumakad papunta sa kaniya. Kung anuman ang tawag sa nararamdaman ko ngayon, aminado akong ang hirap pigilan. Dahil hindi ko naitago ang ngiti ko nang tingnan siyang mabuti.
Nagsalubong naman ang mga kilay niya. “Pinagtatawanan mo ba ‘ko?”
Napangiti ako lalo sa naging reaksiyon ni Gigi. “Of course not.” Sinundan ko pa ng matamang pag-iling ang sagot ko. “It’s just that the fact that you’re here means you choose to sleep with me tonight. I don’t think na dapat kong ikalungkot ‘yon.”
Hindi siya nakaimik. Nanatili lang siyang nakatayo at tila napako sa sahig ang mga paa. Ako na ang nagkusang humakbang patungo sa kaniya. Mas lumakas naman ang kaba sa dibdib ko dahil baka biglang magbago ang isip ni Gigi at takbuhan ako. H’wag naman sana dahil hindi ko alam kung anong magagawa ko.
She didn’t move and it made me torn between feeling relieved and being frustrated. Relief dahil hindi niya ako tinakbuhan. Frustration dahil kung ganitong wala siyang balak kumilos, ibig sabihin ay nag-iisip pa siya.
What else would she think of? Asawa ko na siya. Ano bang inaalala niya?
“Gusto mo bang buhatin kita papunta sa kama?”
Napaangat ang mukha ni Gigi at tiningnan ako. Alanganing tango at iling ang sagot niya. Nagusot ang noo ko, sinisikap na h’wag makawala ang aking pagtitimpi.
Doon sa jeep, ang tapang-tapang niya. Ang lakas ng loob niyang sindihan ang mitsa ng pagkalalake ko.
“Which one, sweetheart? Magulo ang sagot mo.”
“Ako na,” sambit niya at saka ako nilampasan upang tumungo sa kama. Akala ko ay mahihiga na siya pero, pagharap ko ay sinisimulan na ni Gigi na ibaba ang strap ng suot niyang house dress.
My body instantly reacted. O mas tamang sabihin na lalong nagwala ang p*gkalalake ko nang si Gigi na mismo ang nagkusang kumilos para sa amin.
“I can take care of that one.”
Hindi niya pinansin ang sinabi ko pero, hindi rin ako nagpapigil. Lumapit ako at inagaw sa kaniya ang strap ng damit. Dahan-dahan ko ‘yong ibinaba. Hindi gaya ng unang gabing inangkin ko siya, she’s now wearing a pair of bra. Pagbagsak ng damit niya sa paanan ay napagmasdan kong mabuti ang magandang hugis ng kaniyang katawan. I wasn't able to do that on our first night. Alipin ako noon ng matinding pagnanasa sa kaniya.
I pulled her body and kissed her fully on her mouth. Lalo akong nasabik kay Gigi. Hindi ako nagsayang ng segundo at ginalugad ko nang husto ang loob ng mainit na bibig niya. I couldn't remember kissing someone with lips as soft and sweet as hers. Halos makagat ko na ang dila niya sa excitement na tumatalo sa akin.
Tinigilan ko ang paghalik sa kaniya upang mahubaran siya nang husto. Sunod kong inalis ang bra niya. Parang may sarili namang isip ang kamay ko na dumako sa kanang dibdib ng aking asawa at banayad na minasahe iyon. Tumakas ang daing ni Gigi nang laruin ng hinlalaki ko ang naninigas na n*pple niya. Lalong hindi na ako nakatiis. Iginiya ko agad siya sa kama at itinulak pahiga. Dumapa ako sa katawan niya at muli siyang hinalikan. She responded to my kisses. Parang minamaso ang dibdib ko dahil ramdam ko ang pananabik ni Gigi. Naghalo ang mga ungol at ang maingay na tunog ng aming halikan.
Then my mouth went down to her neck. Pinaliguan ko siya ng halik doon. Bawat pasada ng dila ko ay napapaliyad si Gigi. Subalit sa pananabik ko marahil ay hindi ko na namamalayan na nakakagat ko na rin pala siya. Napapahinto na lang ako sa tuwing lalakas ang daing ni Gigi na para bang iiyak. Nakita ko pagkatapos ang mga markang ginawa ko sa kaniyang balat. I didn't mean to hurt her pero, imbes na mag-sorry ay napangiti ako.
"My territory. I just marked my territory, sweetheart. And I'm afraid I could do the same on every part of your body."
"H-ha?" may bahid ng pagkalito at antisipasyon sa mukha ni Gigi. Bakas ang hingal sa boses niya dahilan para magningas lalo ang aking pagnanasa.
I claimed her mouth again. Kinuha ko ang magkabila niyang kamay. Inipit ko ang mga iyon sa kaniyang ulunan at saka ipinagpatuloy ang paggawa ng mga marka sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan.