19 - Welcome Treat

3239 Words

KASALUKUYANG nag-aalmusal si Francez kasama ang apat na lalaki nang mga oras na iyon. Ang almusal nila ay Carrot soup, tocino, sunny side up at fish fillet. Niluto nila iyon nina Pao at Tom kanina. Naalala nga pala niya, noong gumising siya kanina ay nagulat siya nang makitang nasa loob na siya ng kwarto niya. Nakakapagtaka lang dahil ang huling naaalala niya ay nasa sofa siya, nakikinig ng music at kasama pa nga niya si Prince dahil ini-encode nito 'yung project niya. Hindi naman niya naalalang nagising siya at naglakad papunta sa sariling silid. Paano nga ba siya nakarating sa kwarto niya nang hindi niya namamalayan? Ayaw naman niyang isiping binuhat siya ni Prince. Pero posible nga bang binuhat siya nito? Naglaro sa isip at balintataw niyang buhat-buhat siya ng binata. 'Whaahh! No!'

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD