16

1930 Words
A/n: This is a sensitive topic that might trigger you.. this is all my imagination and not really happen in real life. .................................. " Ohh!.. Napadpad kana yata dito?", inosente kong sabi kahit na alam ko naman kung bakit siya napsugod bigla dito. " Kuya!", nag aalala na sabi ni Zey. Tumingin siya sa kapatid at mga kasamahan namin bago kinalma ang sarili at agad na umupo sa usual seat niya. Napabuntong hininga ako at agad na nagbusybusyhan sa mga bagay na tapos ko ng nagawa. " What's wrong Archie?", si Zeke na ngayon ay seryosong nakatingin sa demonyo. Hindi ito umimik. Nakatitig lang sa akin. Nag iigting ang panga at pumipikit pa. Halatang namomoblema sa isang bagay. Tumitig nanaman sa akin kaya binigay ko na ang attention ko sa kanya ng buo. " Ohh!. Nakuha mo na ang attention ko. What's the tea?. Bakit napasugod ka dito?.", maarti kong sabi sa kanya. Mas lalo yatang nagalit sa sinabi ko na para bang nagmaang maangan ako sa bagay na hindi ko na dapat ginawa. " What do you .....fuc*king involve yourself... Fucki*ng shit.. Roxanne. ", napapikit na ako sa mga mura niyang malutong sa harap ko. Tiningnan ko siya ng masama.. " Grave na mura yan.. Tagos sa bawat parte ng katawan ko Archie.. ", naiinis ko ng sabi habang pinipigal ko pa ang sarili na may gawin sa kanya. Mukha ba akong satanas para bigyan niya ng mga mura?.. Alam ko naman kung bakit siya nagagalit ehh. Siguro , dahil sa ginawa ko sa mga punyeta na yun. Sino naman ang hindi makikialam ehh nasa paaralang pinoprotektahan ko sila tumambay at gustong manggulo.. Dahil lang sa gusto nilang makausap si Archie. Matapos kasi naming desiplinahin ang mga taga labas na nanggugulo, nalaman ito ng mga ka grupo nilang nasa labas lang kaya wala akong nagawa kundi ang kausapin sila sa mahinahon na paraan. Parang peace talk kung baga. Kaso, masyadong mapapel ang mga ibang ka myembro at gusto ng gulo. Ehh ..Alam ko naman na ayaw ko sa mga mahaba na prosesso, sinabayan ko na. Ehhh...Sinong Talo?. Sila. Marami nga sila, mga hinayupak na lampa naman. " Alam mo ba ang pinasok mo Hah? That f**k*ng group you messed up is part of Mafia Organization. ", galit niyang sabi sa akin. Nagulat ang mga kasamahan namin. Even Pocholo na hindi naman tumitingin sa akin ay nakatitig na sa amin ngayon. Basta chismis talaga, palaging present. " Bida bida ka kasi. ", galit niya pang sabi sa akin " Ehhh.. Ano pang magagawa natin. Natapos naman na.. Harapin nalang na para bang isang maliit lang na bagay ang pinasok ko. ", kalmado ko paring sabi. Hindi nila alam kung bakit ganito ako,kung bakit hindi ako takot makipaglaban. " What do you think your doing Roxie?. This is beyond your responsibility as part of counsel. Hindi mo na kailangan kalabanin ang mga taong yun. You are merely a student and yet, you let yourself involve with this kind of problem?...Ano bang pumasok sa utak mo at pinatulan mo pa sila.. ", pumuna na rin si Sky na ngayon aygali na galit nang nakatingin sa akin. " Nangugulo sky, . Paanong hahayaan ko lang? Ano?...Hayaan niyong mapatay nila itong si Ferrero?..Mangulo ng ibang studyante?..", . naiirita ko ng sabi. Hindi na nakaimik ang iba. Archie are still looking at me with his death glare. "Still, dont include yourself with this mess. ", May diin na sabi ni Zeke. "Let the authorities settle this, Roxanne. ", dugtong niya pa na ikina ismid ko na. " Oo na. Iiwas ako sa kanila kung reresbak...", "Don't let yourself out of this school. Ako ng bahala.", kalmado nang sabi ni Archie. Mas lalo akong naalarma. " Papaanong ikaw na ang bahala?. Mas lalong umiwas ka ..Hoy!. Hindi ka superhero para ipagtanggol ako. Kaya ko ang sarili ko , Archie. Kaya tigilan mo na ang pakikipa ugnayan sa mga yun.", galit kong sabi. " Annoying..", sabi niya lang at agad na tumayo para lumabas ng counsel room. " Hoy!. ", sigaw ko pa. Pero ang Demonyo, Tuloy tuloy lang sa paglalakad. Ni hindi man lang nagpaalam. "Hayaan mo muna siya Roxie. I know he can find way to settle this.", si Zeke na seryoso ng nakatingin sa akin. Bumuntong hininga ako at naalala kong papaano nila planong masama kay Archie. Ang kinatatakot ko na ngayon ay involve ako, baka hindi na mapayapa ang magiging taon ko dito at makagraduate nga, puno pa ng problema. Napabuntong hininga ako. Ang paggawa ng mabuti ay hindi kailanman magiging sayang. " Sundan ko lang.. Di ba partner kami?.. Baka may gawin ehh. ", tumatawa kong sabi kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko. " Roxie.. Don't do things na makakasama sa inyo.. ", tumango kaagad ako. Hindi naman bago ito sa akin. Kahit doon sa amin, takaw ako sa gulo dahil sa kagustuhan kong tumulong. Hndi yan mawawala sa akin. I am living on it kaya wala silang magagawa. Nakita kong papasok na sa kanyang sasakyan si Archie kaya wala rin akong nagawa para sundan pa ito kung saan man to magpunta. " Roxie.. ", nakita kong papasok si Tim galing sa sinasakyan niyang Taxi. Kaya nakaisip kaagad akong sundan si Archie sakay yun. " Sendan mo ako ng perang pangbayad dito Tim. Uutang ako, pero babayaran ko naman. Cgeh.. Hah.. ..Manong pakisundan ang sasakyang pula na yun. ", nagmamadali kong sabi sa driver. Kita ko pa ang pagpigil sa akin ni Tim. Pero wala rin siyang nagawa kundi ang hayaan ako. 09876******** ---- Sorry Roxie.. Walang laman ang Gcash ko. Napamura ako sa nabasang txt ni Tim. Talaga nga namang walang kwenta talaga ang lalaking yun. HIndi ko na nireplayan at agad na tinawagan si Zarniah, Panigurado, bibigyan ako ng pera non kung sasabihin kong sinusundan ko si Archie kong saan man ito pupunta. " Hello. ', galit nitong sabi. Sa subrang lalim ng boses ni Zey, Tunog lalaki na ito. Natawa pa ako ng kaunti habang ang mata ko ay nasa sasakyan na ni Archie. " Hello.. Roxanne.. Ano ba?.. ", galit niya ng sabi. Ang high blood naman nito. Katulad na katulad talaga siya ng kapatid niya. " Heheh.. Sorry.. Pwedy send mo ako sa GCASH.. wala kasi akong perang dala. .. Sinusundan ko kasi si Aechie..Baka malayo ang pupuntahan ng kapatid mo, wala akong pangbayad sa taxi.. " Kita ko ang pagtingin sa akin ni Manong sa front mirror ng kotse niya at nakakunot na ang noong tinitingnan ako. Kita ko ang metro na halos umabot na ng mahigit tatlong daan. " Huwag kang mag aalala manong, magbabayad po ako. Paki sundan nalang yung sasakyan.. Focus ka lang don at huwag mong iwala nag mata mo sa kanya. ", tumango kaagad nag driver sa sinabi ko. " How much ba?", rinig kong sabi ni Zey kaya agad akong napangiti. "5k mona ..para sure na makakauwi pa ako. ", " K fine. I'll call kuya na rin if saan siya pupunta. I'll update you. ", rinig ko pang sabi niya bago napatay ang tawag. Maya maya rin ay may narinig ang notification ng phone ko. Sampong libo ang binigay ni Zey. " See manong.. Galingan mo ang pagsunod, aambunan kita nittong pinadala ng kapatid ng may ari na sinusundan natin. ", nakangisi ko pang sabi at agad na napapatingin sa lugar. It was already in abandoned house na maraming mga kakahuyan sa paligid. Kita ko ang pagpark ni Archie sa gilid at agad na huminto ang taxi na sinakyan ko. Talaga nga namang nagmumukha kaming nasa isang pilikula. " Manong QR code po.. send ko ang bayad.",kinuha niya kaagad ang phone niya at agad naman niyang binigay.I send the p*****t. GInawa ko ng two thousand kahit na one thousand mahigit lang naman ang metrong inabot sa pagsunod namin kay Archie. ............... Napatingin kaagad ako sa harap ng malaking gate. May pass code at maliit na camera sa harap kaya sure ako kung titingin ako non, yari ang bubumungad sa akin. Bumuntong hininga ako at agad na naghanap ng pwedy kong akyatan. Nakita ko kaagad ang malaking kahoy sa likuran. Pwedy akong umakyat dito at makapasok sa loob. This is so suspicious. May malaking gate pero ang loob isang hindi pa natatapos na building?.. Agad akong umakyat at napating pa sa loob. Wala naman palang bantay. Napangisi kaagad ako. Mas mabuti na ito nang safe akong makakapasok sa loob. Subrang ingay , parang may party. Nagsasaya ang mga gago . Malayo pa ako ng makita ko ang nagkukumpulang mga kalalakihan. Subrang rami nila, siguro kung tatansyahin ko, nasa mahigit limang daan na kalalakihan ang nasa harap. Kapag ako namataan nang mga yan, yari ako. Hindi ko kakayanin sa subrang rami nila. ------ Nakapasok ako ng walang nakakakita. Nasa pwesto ako na halos kita ko na ang nangyayari. Archie was there, doing something na hindi ko akalaing makikita ko pa. Nakagapos, habang may isang lalaking may hawak na isang bagay na sigurado akong pinagbabawal yun na gamot. PInapahithit kay Archie habang nakapikit na ito. Nilalanghap at ineenjoy na kainin. Nanlaki kaagad ang mata ko. Sila ang nagbibigay ng mga droga sa loob ng skwelahan. " Masarap ba boss Archie?... Ang tagal mong hindi na gumagamit nito tapos sasabihin mong titiwalag ka na?.. Dahil sa isang babae?...Saan na ang brotherhood natin?.", sigaw nang nasa gitna. Archie was laughing hard.Parang baliw na nakatingin sa mga kalalakihan. " Give me more. ", seryoso nitong sabi habnag unti unti naring nakangisi sa harap nila. Sh*t Ferrero.. Gustong gusto pa talaga.. I greeted my teeth as I get my phone. Nagload ako nang pang internet at agad na nag open ng app. I went to Zeke'number and Zey. Send my current location and asking for help. The Pulis should come and rescue us kung aabutan pa kami ng buhay. Kung tatalon ako at haharap sa kanila. Okay sana kung matutulungan ako ni Archie, pero sabog na ang isang to, he will surely don't have energy to fight for them. Napapikit ako ng marinig ang malakas na ringtone ng aking phone Zeke was calling me.. So Zey also.. TaNg*na , nagsabay pa talaga... " Sino yun?", sigaw ng isa sa lalaki sa grupo. Nanlaki kaagad ang mata ko. Naging alerto sila at hinahanap kong nasaan ako. Nagtago kaagad ako at agad na naghanap ng pwede kong pang depensa.Isang bagay lang na pwede kong magamit pangbugbog lang sa kanila. Nabuhayan kaagad ako ng nasa hindi kalayuan ay may nakita akong isang mataas na metal. Tama ito, siguro mapapatumba ko ang iilan sa kanila hanggang dumating ang pulis. Zeke calling.. Agad ko iyong sinagot sa mahina na boses. " ANong ginagawa mo Roxanne?..", galit nitong bungad sa akin. " MAmaya ka na magalit. Unahin mo ang pagtawag ng pulis Mabilis hah. Iyong maabutan niyo kaming buhay pa ", rinig ko ang pagmumura niya.I even heard Skyline na gusto akong makausap. "CGeh na, baka marinig nila ako. I am still hiding.. Planning for my moves kasi ang dami nila. Baka hindi ko kakayanin kapag sumugod ako." " That's better.. Skyline was working on it. Is Archie alright?", natanong niya pa kahit alam kong painapatay na ako sa isipan niya. See.. Pati sila nag aalala sa demonyong ito. " Medyo hindi okay eh.. Pinagpilitan na humithit ng sya*o.. Ayun..Sabog pang nababaliw sa loob."... "HOy!... ", rinig ko ng isang lalaki..Nagulat pa ako nang magkatinginan kami ... Isa sa binugbog ko sa nanggugulo noong nakaraan sa festival. " Yari na. "... ...................................NEXT...........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD