44

1675 Words
" Archie, .. Saan tayo pupunta?", Nasabi ko kaagad nang ayain akong lumabas ngayong araw. Hindi ko alam kong dapat ba kaming maggliwaliw ngayong may pagtatangka sa buhay niya. Hindi ko pa rin nagtatanong sa kanya ang napag usapan nila kagabi since nakatulog ako sa pag aantay. Pero nasabi naman ni Tita sa akin na nakita niya raw si Archie na pumasok sa kwarto at tiningnan ako, hindi nga lang ako nagising since sa sobrang pagod sa byahe at sa dami ng naiisip ko sa gabing iyon. " Cancer Centre. Remember what supposed we are going to do right?. We need to comply that so that on Monday when you go to school, hindi maapektuhan ang grades mo.. And besides, gagawin natin lahat yan for this day.", kumunot kaagad ang noo ko ng sabihin niya yun. " I wanna date you and spend the twenty hours with you Roxanne. ", nakangiti niya pang sabi sa akin. Nagulat man ay ang makita siyang masaya habang sinasabi niya yun ay hindi na ako nakatanggi pa. " O...Okay.. Cgeh!. ", siguro, namiss na magkasama at naging masaya kami doon sa barangay na yun. Nag usap lang kami sa mga gusto niyang gawin. Na kahit may sasabihin ako, mas nangingibabaw parin ang mga plano niya sa araw na yun. Halatag pinaghandaan at hindi man lang niya ako hinayaang makapagbigay rin ng suhestion ko. Nagmukha siyang babaeng nagpaplano para sa lalaki.. which is ako dapat yun. He even bring a cheque for the cancer patient na halos malula ako sa laki ng perang binigay niya. " Limang milyon Archie? ang laki nito ahh. ", nasabi ko kaagad. Studyante palang yan, may ganitong pera na siya? " Maliit lang yan compare sa kung gaano nila gustong mabuhay pa. It's just a small money Roxanne.", seryoso niyang sabi. Hindi ako naka imik pa. For Archie who had a lot of money in his pocket, hindi na nakakapagtaka yun. Pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha dahil sa kung gaano ito kayaman. Nang makarating, sinalubong kaagad kami ng staff ng center. Nakita ko rin ang mga batang nag aantay na rin sa amin. Naka mask at may mga iilan lang ang mga buhok kaya kailangan na naka cap sila. " Thank you for coming , Mr. Archie Ferrero and Miss Roxanne Chris Ty. Welcome ho sa Heart for the Cancer Center. I am Aiah, the head of this center. Let's go po, we will tour you around.", nakangiting bati sa amin ni Miss Aiah. He is wearing a coat na halatang siya rin ay doctor dito. Pagpasok pa lang, may mga staff ng bumabati sa amin. They are all approachable, She tour us around the facility. Sa playground which is limited lang ang toys na pwede nilang paglaruan. The chemo section, may Cafeteria rin, .small church at quarters ng mga nurses and volunteers. May nakita rin akong mga supplies na alam kong galing din sa mga donators. " Malaking halaga na po ito para mas mapabuti pa namin ang center at matulungan ang mga batang may cancer. Marami po talagang kailangan pang ayusin para po sa kanila. ", emotional na sabi ni Miss Aiah. KIta ko ang sinsiridad niya para sa mga bata. Narinig ko pa na ito yung first properties niya at advocate na matulungan ang mga patients na hindi kaya ang gasto when it comes sa may mga cancer. Mahirap yun since she is also have own clinic, at the same time, a doctor in a private and public hospital. " Nagpapasalamat po kami at nagawa niyo pong maipatayo ang ganitong center exclusively para sa mga batang may cancer po. malaking ehemplo po kayo para sa aming mga studyante palang. ", nakangiti kong sabi. Archie was behind me, listening for whatever i will say. Maigi siyang nakikinig, at pinaparating niya sa pamamagitan ng kanyang higpit ang paghawak niya sa akin ang kanyang suporta. Which is very important to me. " Kapag nakapagtapos po ako, mag serbisyo rin po ako dito. ", kita ko ang gulat sa mukha niya kaya hindi ko napigilan ang sariling matawa ng kaunti. " I'd be a nurse to take good care of them. ", pinal kong sabi. " Magiging volunteer po ako dito. "dugtong ko pa na ikinangiti niya kaagad. " Then, we are expecting you here already soon , Miss Roxanne. ", nakangiti niyang sabi sa akin. Kita ko pa ang pag iisip ni Archie ng sabihin ko yun. Pagnenegosyo ang gusto ko before, pero nag iba ng makita ang lugar na kung saan , makikita mo ang mga batang nangangailangan ng tulong sa amin. Naglaro kami sa mga bata. Kita ko pa ang mga tuwa nila sa kanilang mga mukha. Na nagawa ko pang magkarga ng isa ng makitang nahihirapan siyang mag slide. I even saw how Archie mingle himself to them. Genuine happiness ang nakikita ko sa kanya. .Yung tawa niya sa tuwing magkasama kami, nakikita ko yun ngayon. Ang sarap sa pakiramdam. Na sa halos dalawang oras mahigit naming pakikipaglaro sa mga bata, pamimigay ng mga laruan, at mga encouragement words, magaan at masaya sa pakiramdam na nakakagawa ako non with him. Sa isang katulad ni Archie na unang nakilala ko ay isang bully, masungit, womanizer.. Lahat na yata ng red flag nasa kanya. Pero heto siya ngayon, tumutulong sa mga batang nangangailangan ng tulong. He change for my ideal man. Iyong Archie ko na nakikita ngayon, ay ang Archie na hindi ko akalain na mas mamahalin ko pa kesa kay Tim noon. Nakakatuwa na maganda ang naging epekto ko sa kanya at naging ganito siya kabait at matulungin sa kapwa. " Did you have fun?", tanong niya sa akin ng makabalik kami sa sasakyan at magpaalam sa kanila. Major donator na kami ng Center at pinangako iyon ni Archie na makakaasa silang hindi pa ito ang huli. " Of Course. masaya sa pakiramdam na nakakatulong ka sa kanila. Maliit lang na effort ang maibibigay natin, pero malaking bagay na yun sa kanila. Thank you for bringing me here. Love. "nakangiti kong sabi sa kanya. Nakakatuwa. Hinahawakan niya ang aking kamay at agad iyong hinalikan. " Let's go on a date now.", masaya niyang sabi. Excited akong tumango sa kanya. We decided to go to tagaytay. Hindi pa ako makakarating doon kaya excited na excited na akong makapunta kasama siya. ....... Masaya akong kumakanta habang panay lang siya sa pagtawa. " Nakaka offend na yang tawa mo. Kanina pa yan.. Ginagawa mo na akong clown dito. ", nakasimangot kunyari kong sabi. " I can't... I am sorry, Love... This is the first time I've heard someone so confident with their voice where in fact, ang layo mo sa tono mahal.", I rolled my eyes for what he said. Di ba?. Nakakainsulto talaga. " Masyado ka namang honest at hindi mo pa magawang e filter ang sarili mo Archie... Masayang masaya ka.di ba??.. Graveh Palibhasa, ang pangit din ng boses mo noh.. akala mo hah!", .. pang aasar ko pa sa kanya. Nanlaki kaagad ang mata niya ng sabihin ko yun.. "You heard my voice right.. Kinilig ka pa nga. Paanong pangit ang boses ko?.. Pumalakpak ka pa if I remember it correctly Rixanne.. don't deny it.. Giganahan akong kumanta noon dahil nakikita kong naiinlove ka na sa akin.. ", " Kinilig?. Kinilabutan yun.. hindi yun kilig.. Apaka yabang talaga!!!!.. nakakainis na... ... ", . sumimangot kaagad ako. Pinapakitang naiinis na ako at gusto ko na lang magrambulan kami dito ng suntok. " Heyyy... Chill.. Namemersonal ka na Love.", hahawakan niya sanang muli ang kamay ko ng iniwas ko kaagad yun. " Namemersonal ka nga rin ehhh.. Tinawanan mo pa ako. Yun ohhh.. Ang sarap", Imbes na suyuin ako, mas tumawa pa siya ng malakas. " Stop it... will you? Hindi na ako maka concentrate dito oh.. ", nakangiti niya pang sabi na parang tanga. ... Kunot ang noo ko. " Anong stop?. Hmmmppp... Makita ko mamaya... ", I sulk in the corner of his carn and start to ignore him. Pero ang loko, hininto niya ang sasakyan at agad akong hinarap. He hold my shoulder, making me face him. Umiwas kaagad ako. " Hey!... Your voice is nice... A little practice lang...!", .pambawi niya kaagad . " Ahhhhh.. Practice hah!!.. Practice ka na ring kausapin ang sarili mo.", Tumawa siya nang malakas,.. na halos magdiwang ang puso ko.. Ang sara sa pakiramdam na nagagawa niyang tumawa kahit nakakainis na. " Ano ba Archie..Hmmmm", ... nanlaki ang mata konng walang pag alinlangan akong hilahin ni Archie pinasampa sa kanyang kandungan. Namula kaagad ako sa ginawa niya. Hindi inaasahan na gagawin niya ito.. Ang awkward awkward.. Baka mabigat ako at iyon nanaman ang pang aasar niya sa akin. He was looking at me like I am a kid na need suyuin. " Sorry then! I'll stop. na..", nakanguso niyang sabi sa akin. Naiipit ako sa manubela at sa kanya.. Mabuti nalang may adjustment pala ang upuan niya at nagkasya kaming dalawa ng gumalaw ito. Nakahawak na ako sa kanyang dibdib at agad inayos ang nahuhulog kong hibla sa aking buhok. " Whatever your flaws., I love all of them Love.. So don't get mad.. Napakasarap mong asarin.. Cute na cute.", nakangisi niyang sabi. " Ang sarap mo ding ibitay, nang tigilan mo na ang pang aasar sa akin." Natawa kaagad siya sa sinabi ko. " Hey!.. ang bigat mo pala. Hahahahah", . namula kaagad ako sa sinabi niya at walang pag aalinlangan akong tumayo at umupo sa aking upuan, sa passenger seat. " Sino bang humila sa akin para iupo sa kandungan?. Di ba ikaw?.. ". naiinis ko pang sabi. " I am just kidding Love.. Relax.. hehehehe.", natatawa niya pang sabi. " Relax mo ang mukha mo.. Hindi na kita kakausapin.. Cgeh na magdrive ka na.. Baka hindi ako makapagtimpi dito.. Bibigwasan kita dyan. Makita mo. ", galit kong sabi habang pilit na sinisiksik ang sarili sa gilid. Para maramdaman niya na naiinis na talaga ako. .........................NEXT...........................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD