" Hoy! Anong nangyayari sayo?", nakakunot noo kong sabi sa kanya.
Matapos kong kumalma , lumabas akong suot na ang napili ng babae kanina.
Bumagay naman sa akin since nakita ko rin ang sarili sa salamin. It was perfectly fit on me kaya confident rin akong lumabas.
Pero ang luko luko, hindi na nakakapagsalita, nakatitig lang sa akin na para bang nakakita ng multo.
" Hoy! Archie.", pag uulit ko pa.
Agad siyang natauhan at tumingin sa akin sa mata.
" Tara na!. Marami pa tayong dapat gawin. ", excited kong sabi. Rinig ko pa ang magmumura niya kaya hinayaan ko na.Hindi ko na yan mababago since dakilang demonyo nga di ba?..
Nasa gilid ko na si Archie, tahimik lang nagmamasid sa akin.
Una kong naisip kaagad ang manood ng sine.
" Ako na ang oorder ng popcorn and drinks natin. Ang mahal ng binayaran mo kanina. Graveh!. Hindi ako makapaniwala na nakasuot ako ng ganito.", hinahawakan ko pa ang tela, amoy mamahalin at halatang magagamit ko ito ng ilang taon. Nasasangla kaya ito? Baka pwede naman since original to na parang ginto.
" It is look good on you.", tipid niyang sabi sa akin kaya natingin kaagad ako sa kanya.
"I know. Nakita ko nga kanina sa salamin. hehehe. ", Napangiti pa ako dahil, medyo natuwa naman ako sa compliment niya. At least di ba, bumabagay rin pala sa akin ang mga mamahaling damit.
Napatingin rin kaagad ako sa kanya. Pati na rin sa suot niya.
" Binabawi ko na ang sinabi ko kanina. Bagay rin sayo ang suot mo.hehehe ", kalmado ko ng sabi. Inisip ko parin bakit ganoon nalang ang reaksyon ko. Nakakabanas dahil natabunan na ang masamang nakikita ko kay Ferrero.
Tumingin siya sa taas at agad na tinakpan ang bibig. lumukot kaagad ang noo ko at medyo nawewerdohan na sa kanya.
" Bili na ako Hah. Dyan ka lang.", malumanay kong sabi. Tumango lang siya at agad na tumambay sa gilid.
Natawa pa ako ng kaunti kung gaano siya ka masunurin sa pagkakataong ito kaya napapaisip rin akong, magkakasundo rin pala kami kapag kapwa namin iniisip ang isat- isa at parehong kalmado.
Nang makabili ako ay agad akong pumunta sa gawi niya. Inilahad ko sa kanya ang popcorn at ang drinks na binili ko.
Caramel ang inorder ko, pareho kami at dalawang fanta drinks. .
" What's with the color? I don't like orange drinks. ", nakakunot noo niyang tanong sa akin. Pinapakita ang binili ko para sa kanya.
" Ahhh Caramel ang pinili ko.. Bakit? Ayaw mo sa matamis? At tsaka, masarap yan, less acid. ", sabi ko pa. Pero galit lang siyang tumitig sa akin habang sumusubo na ako. Sa sobrang sarap ng kain ko ng bigla niya lang itong tinapon sa basurahan ang binigay ko sa kanya at siya na mismo ang bumili na naman para sa kanya.
Hindi pa ako maka get over sa ginawa niya kaya hindi ako makagalaw. Hindi ako makapaniwala na ilang segundo ko lang yung binili, natagpuan na kaagad sa basurahan?. Dahil lang ayaw niya? . Pwede naman kasing ibigay niya sa akin at ako na ang kakain.
Pera ko ang ginagamit pang bili non, tapos itatapon niya lang?.
I'll take my words kanina. Masyado akong nabighani sa pagiging kalmado niya, tinupak na naman ngayon.Side effect ng paghithit niya. Bipolar ang peg ng Demonyo ngayon.. Nakakainis... Arghhhh
" This is the popcorn I want. You should know that. Idiot.",See? inisulto pa ako.. Ako pa ngayon ang idiot. Ako pa ang walang alam.. napailing nako at umuusok na sa galit ang ilong ko ng sabihin niya yun. Tinutukoy niya ang ordinaryong popcorn na puti...
Kinuha ko ang tinapon niyang Pop corn sa basurahan at dinala sa kung nasaan siya.
"Sorry hah!.. Pwede naman kasing sabihin mong ayaw mo nito, at ibigay sa akin. Hindi iyong magdadrama ka dyan at magtatapon ng hindi mo pinaghirapan. ",galit kong sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin at seryoso nang nakatingin sa mga nakapaligid. Dala ang binila niyang hindi naman sana kasing puti ng pop corn ang budhi niya.
" Let's go.!", mala otoridad niya pang sabi, animoy , walang ginawang kinagagalit ko.
Ngumiti ako ng mapakla sa kanya at pinakita ang tinapon niyang popcorn na binili ko.
" Next time ..Mahal na demonyo, kung ayaw mong kumain pala ng ganito, huwag basta basta magtatapon hah!. Mahal ang bigas ngayon, kaya marunong kang magpahalaga sa perang pinangbili ko nito. ", galit kong sabi at nagpatiuna na sa pagbili ng ticket.
" KKB na tayo. Baka hindi mo rin magustuhan ang pipiliin kong movie, magtatapon ka nanaman.", dugtong ko pa bago siya tinalikuran. "At eto pala.. Middle finger ko.. Hi sayo. " galit ko paring sabi bago siya tuluyang tinalikuran.
Ilang minuto rin bago siya sumunod sa kung saan ako nakapila. Nakakunot ang noo niyang nakatanaw sa poster na pinili ko at tumingin kaagad sa akin. Heto na naman.
" Why is this?. This is so corny , Roxanne.", . naiirita ako sa klase ng pagmamaktol niya. Napakaarte..
" Pumili ka ng sayo. kita nalang tayo dito sa labas. ", kalmado kong sabi at mas mabuting hindi na siya pansini pa.
Pinagtitinginan na siya ng mga tao dahil sa busangot niyang pagmumukha. Panay pa ang pagmumura niya na animoy walang nakakarinig.
" Let's go to something romantic. Your.... Your so childish, choosing this kind of movie for kids. ", naiirita niya ng sabi.
Ano ba naman itong si Archie. Avenger to. Matanda, teenager , bata.. pwedeng manood. At anong romantic?.
"Amnesia nanaman Archie?. Nasusuka na nga ako sa mga romantic movies na yan. Allergic ako..Ikaw nalang ang magpunta, nang palitan naman yang puso mo ng pula. Hindi maging itim. .. Cgeh na. Pipila ka pa. Malapit na ako ohh...", nagtataboy ko pa sa kanya. Hindi siya natinag at pinandilatan pa ako ng mata.
Nakikita ko pa sa salamin ng counter ang pagmumukha ni Archie. Nakatanaw pa siya sa mga tao sa paligid at sinisigawan niya pa ang mga ito.
May mga nag bulong bulongan pa kung gaano ito ka turn off kahit na sobrang pogi. May mga kinikilig naman dahil kahit galit, ang gwapo pa rin daw.
Saan banda?. Nakakatakot nga yang galit niyang mukha. Hindi nakaka gwapo ang nakasimangot. Parang may regla eh, bipolar masyado.
Bumaling kaagad siya sa akin at ako naman itong parang sisinghalan.
Pasipol sipol na lang ako at hinayaan siyang mag tantrums dyan. hindi ko siya kilala, at ayaw ko siyang makilala narin sa mga oras na ito.. Nakakahiya ang mga pinaggagawa niya.
" Fine. Make it two", . nakasimangot niyang sabi ng makalapit na siya sa kung nasaan ako. agad ring binigay ang itim niyang card at sinabing, siya na ang magbabayad.
Syempre, wala akong masyadong pera, kaya dapat lang , kapag mga malaking halaga, siya na ang bahala.
" Hey, after this, we will watch again , yun gusto ko naman.", nasabi niya habang dumikit siya sa akin at kinuha pa ang mga dala kong popcorn.
" Mahirapan ka pa mahal na hari, akin na yang popcorn ko... Baka itapon mo na naman ulit eh...", nang aasar ko pang sabi. Kumunot na naman ang noo niya.
" Roxanne, We will watch again after this corny movie of yours.", napapailing na kao ng pilit niya pang sinisingit ang panunood muli ng movie sa gusto niyang panoorin.
" Isang oras at kalahati lang ang budget time natin sa movie kaya wala ng pangalawa. ", kalmado kong sabi.
Nagbayad ako at nakangiting kinausap ang lalaking cashier.
" What budget time are you talking about?. And.. Why are you smiling with that f*****g boy?...", Halos mabingi ako sa sobrang lakas ng boses niya.
" Ano ka ba naman Archie. Sa susunod, hindi na ako sasama sayo oie. Nakakahiya kana. ang dami dami mong problema sa buhay. ", tiningnan ko ang mga taong nasa paligid. Humingi ako ng tawad at nagpaliwanag.
" Pasensya na. May regla yata itong kasama ko kaya ang hilig hilig sumigaw. Pasensya na po.", nangingiti kong sabi bago ako bumaling kay Archie at pinandilatan ng mata. Para na siyang tangang napapatingin sa paligid, at sa akin nanaman.
" Finish that. We will go.", kalmado na niyang sabi. Napbuntong hininga ako at sinundan siya.
Nagmadali siyang pumasok sa loob ng ibigay ko sa incharge ang ticket.
I sigh and try to calm myself. Kailangan ko itong ma enjoy kasi nga ang mahal ng ticket.
Umupo ako sa gitna dahil hindi ko makita si Archie .Ang bilis naman kasi, nauna pa siyang pumasok.
Nag concentrate na ako sa panonood ng biglang may humawak sa braso ko. Hawak ang mga popcorn sa kanang kamay niya, hinila niya kaagad ako.
" Why are you sitting there?", nakasimangot na naman niyang sabi.
" Hindi kasi kita nakita kaya naupo na ako sa bakanteng upuan na makikita ko. Saan ka ba banda?.", mahinahon kong sabi. Kapag ito nag tantrums sa loob, aba..Nakakahiya na talaga...
" Come with me.", hawak niya na ang kamay ko. Magaspang ang kamay niya at malaki. Pero, magaan sa pakiramdam kasi ramdam mo ang pagiging gentlemen niya. Iyong matigasnga pero malambot ang pagdadala niya sa akin hanggang taas.
Nang makitang may nakaupo na ay akma na naman itong magagalit.
" This is...", pinutol ko kaagad siya bago pa magkagulo dito. Hinila ko si Archie at umupo sa bakanteng upuan , malapit lang rin sa napili niyang pwesto.
" Ano ka ba. Namumuro ka na Archie hah. Ilang tao na kaya nasisigawan mo ?.. Calm down,.. We need to enjoy, hindi itong matapos na lang ang gabing ito, high blood ka na masyado. Relax.. Take a breath.. ",
" Akin na yang popcorn ko. Baka itapon mo nanaman ulit. ", dugtong ko pa .
" That freaking man steal our sit..", ..
" Oo na.. Ang daming dami ditong magandang pwesto, makipag away ka pa. Kalma ka lang ba.... huwag mainit ang ulo. ", .
Sumimngot kaagad siya at hindi na nagsalita pa.
" Yung juice ko.. Baka itapon mo na rin...",
Talaga nga namang, tatanda ito ng maaga sa sobrang stress niya sa buhay. Pasan ang mundo eh No. Dumidilim na ang pagmumukha eh.
" Shut up...", nanggigil niya nanamang sabi."I will not do it. Just forget what I did earlier. I will save that in my mind. You don't like throwing things .Hindi na yun mauulit. ", mahina niyang sabi at agad na tumingin sa harap.
" Alam mo Archie, sa kakahithit mo yan.. kaya ka nagmumukhang may regla. Tigil na kasi hah.. Nakakapangit na yan.", nasabi ko pa bago niya ulit ako tiningnan ng masama.
Pinakita ko sa kanya ang pag zizip ko ng bibig ko." Titigil na ako. Focus na tayo okay.. Focus na tayo. hehehe.", ..
Pero halos tumigil ang mundo ko ng bigla na lang siyang magsalita ng hindi ako tinitingnan.
" Calming myself is where you exist, Roxanne. ", .
.........NEXT..........