38

1814 Words
Nakatingin ako sa kisame, katabi ko si Archie. Wala naman choice kasi nga iisa lang ang banig, iisa rin lang ang unan at kumot. Nararamdaman ko pa ang balikat niyang tumatama na sa aking balikat. " Usog Archie.. ",sabi ko pa sa kanya. Pilit na pinapalaki ang pwesto ko sa pagkakahiga para hindi siya makadiit ng husto sa akin. " Mahuhulog na ako Roxanne. Can you stay still?.... ", nakakunot noo niyang sabi sa akin. Napatingin kaagad ako sa kanya sabay taas kaagad ang kilay ko. " Mas mabuti yan para hindi ka na dapat tumabi dito.. Hindi mo ba alam ang salitang gentlemen Hah.. ..Palibhasa...manyak... kaya sinisiksik mo talaga ang sarili mo , makatabi lang ako.. . ", sabi ko pa. " I heard that!", protesta niya kaagad habang nakakunot na ang noong nakatingin sa akin. " Oo na.. nilakasan ko yun para alam mo.. ", mataray ko pag sabi. Narinig ko pa ang mura niya bago ako bumaling nanaman sa kanya. " Seriously Archie.. Hanggang kailan kaya tayo dito. ", seryoso ko ng sabi. Naiisip kong hindi naman pupwedy na habang buhay kaming magtatago noh. Paano na lang ang mga pamilya, kaibigan namin... Panigurado, nag aalala na ang mga yun. " Sure akong pina blotter na tayo ng magulang mo. ... Paano na kaya ang charity project natin?.. Kawawa naman ang mag nasa cancer patient.. Sayang yung effort nating makabenta.. Naiwan pa tuloy sa dagat ang pera na pinaghirapan natin. . ",nag aalala ko pang sabi " I can replace it.. don't worry. Just give me time to find ways ", tanging sbai niya. Napatingin kaagad ako sa kanya. " Oo nga pala.. isa kang druglord..kaya ang dami dami mong pera--.. ", " I am not... Stop that thought ... Stop thinking that way to me.. I am changing you know--",nagtiim bagang niyang sabi sa akin. Umismid ako sa sinabi niya. " Kung hindi pa kita pinarehab.. hindi ka magigising... Baka gusto mong mag thank you man lang.. Ano?", nang aasar ko pang sabi sa kanya. Hindi niya ako pinansin. nakatanaw siya sa kisame at malalim na ang naiisip. " All I need to do right now is to find way to exposed them. I just need time. ", seryoso niyang sabi. nagulat ako doon. Hindi ko inaasahan na gagawa pa siya ng bagay na alam niyang ikakamatay niya. " Hindi ka ba nag iisip Archie?.. Hindi mo ba alam na isa ka lang hamak na estudyante ?.. Iasa mo nalang yan sa mga kapulisan..Trabaho nila yan.---", " Hindi natin maasahan ang mga pulis dahil tauhan din nila yan.. Nagkalat sila sa buong pilipinas Roxanne. I know all of them. I just need a way to corner them . I need a good connection when it comes in dealing with this. ", rinig ko pang sabi niya. Hindi ako maalam sa mga ganito.. Tagapagtanggol ng mga tao ay ang mga kapulisan. Kung hindi pala sila maasahan sa mga ganitong pangyayari, yari ang droga sa buong pilipinas. magkakalat ang mga ito at maghahasik ng lagim. " Ano ba namang papasukin mo Archie.. Ako ang kinakabahan sayo eh.. Mas mabuting maging bully ka nalang doon sa eskwelahan mo.. Hindi pa nanganganib ang buhay mo doon. ", nakakunot noo kong sabi sa kanya. " Your concern of me?... ", napatingin kaagad ako ng iyon ang sinabi niya sa akin. " Sino naman ang hindi mag alala kung ganyan ang mga malalaman ko?.. Hindi ka superhero Archie para ikaw ang luminis sa mga iyan. Hindi mo yan trabaho.. Hindi mo nga magawang makapagtapos ng senior high, pagsugpo pa kaya sa mga taong iyan?... ", sabi ko pa. Galit niya akong tiningnan at narinig ko pa ang maliliit niyang mura. " You don't have to worry about me Roxanne. I've been here for a longest now. I know what I am doing.", nagulat ako sa sinabi niya. " ANong ibig mong sabihin?", nakakunot noo kong sabi sa kanya. Nagkatitigan pa muna kami ng ilang sigundo bago siya umiwas. " Don't be nosy.. Matulog ka na. ", sabi niya lang at agad na tumalikod sa akin. Matagal bago ako nakarecover sa lahat ng mga nalalaman ko. On how Archie open up mostly sa mga nangyayari sa kanya. It means, at least, he trust me. Pero , I am still curious about what he said a while ago. Tumatak na yun sa akin na naging conclusion ko that Archie is still a puzzle to me. Kung bakit siya naging parte sa mga ganitong tao. Hindi ko rin alam kong tama ba ang naiisip ko. Paano kaya ako makakawala sa ganitong situation kung sa araw na ito, naging parte na ako sa magiging tadhana ni Archie. .......................... Nagmulat ako ng marinig na ang mga boses ng mga tao sa paligid. Naaninag ko pa sa may bintana na umaga na at nakatulugan ko na kagabi ang pag iisip. Nang magising ako ng tuluyan, wala na si Archie sa aking tabi. Kaya hinanap ko kaagad siya kung saan man ito nagpunta. Baka kasi iniwan na ako at pinabayaan na dito. Nagpasya akong bumangon. Inayos ko pa muna ang higaan bago ako pumunta sa sala. Doon ko nakita na naghahanda na si Archie. Sa maliit na lamesa, may mga gamit na doon. Mga plato, kutsara at baso. May gasol pa akong nakikita sa maliit na lamesa at mga gamit sa pagluluto. " Nagluto ka?',namamangha kong sabi ng bumalik ako sa sala. Tumango kaagad siya sa tanong ko. Nakasando na sya at nakashorts. " Bumili ka ng mga gamit mo?.. Ang sa akin?",, Tinuro niya kaagad ang mga naka paper bag kaya panigurado na mga damit yun at iba pang gagamitin namin " Thank you!", nakangiti kong sabi. " How is your sleep?.... Ang sarap ng tulog mo habang nakayakap na sa akin. ", napatingin kaagad ako sa kanya. Nakakunot ang noo at hindi naniniwala. " Ilusionado nito.. Huwag kang maker ng kwento Archie.. Hindi bagay sayo.", nakaismid kong sabi sa kanya. " Of course, you will deny it. Hindi ka naman gising katulad ko kaya hindi mo alam ang mga ginagawa mo sa akin. Tinatawag mo pa akong manyak, isa ka pa rin pala. ", nang aasar niya pang sabi. Halos ramdam ko na ang init na bumalot sa mukha ko dahil sa pagkapahiya. Kung nagawa ko man yun, hindi dahil kagustuhan ko yun.. Tulog nga di ba?. Hindi ko na kontrol ang sarili ko kapag tulog ako. " Tama ka na... Ikaw lang naman ang nakakaalam dahil ikaw rin lang naman ang gumagawa ng kwentong barbero.. Cgeh na.. Kumain na tayo.. ", sabi ko nalang para pagtakpan ang sariling kahihiyan. Kumulo kaagad ang tiyan ko ng makita ang nasa lamesa.May fried rice doon, itlog, at hotdog.. Tocino na paborito ko at ham. " Ang dami ng food.. Niluto mo to?."namamangha kong sabi sa kanya. , " Of course!. Anong akala mo sa akin, hindi marunong magluto.. Hindi naman ako kagaya mong tulog mantika. Ginising na nga kanina, hindi pa rin magising.", naparolyo kaagad ang mata ko sa sinabi niya. Like hello?. " Napagod ako kahapon sa pagtakbo, kakalangoy Archie?. Walang consideration?.", sabi ko pa sa kanya. Hindi siya umimik sa sinabi ko. Umupo lang siya at agad na kinuha ang platong nasa harap ko. Just like how he is in their house, sinandukan niya ako. nilagyan ng pagkain at agad na binalik sa harap ko. "Kainin mo yan lahat", sabi pa niya. Tahimik lang kaming kumain hanggang sa may marinig akong katok sa labas. Nagkatinginan kaagad kami at agad akong kinabahan. " Sino kaya yan?", nagtataka kong sabi. " Ija...Si Manang ito.. ", nagulat kaagad. Hindi niya alam na kasama ko kagabi si Archie. " Finish your food. I'll open it.", seryoso niyang sabi. Agad ko siyang hinila at pinaupong muli. " Ako na. Ikaw na nga ang nagluto, ikaw paba ang magbubukas.. Ako na!.", Tumaas lang ang kilay niya pero hinayaan kaagad ako. Pagkabukas pa lang, nakangiting manang na ang bumungad sa akin. Panay pa siya silip sa loob habang ako naman ay nagsisikap na matakpan ang loob. " May kailangan ho kayo?", nakangiti kong sabi sa kanya. " Ahhh.. Ija, Nakita ko kasi yung asawa mong gwapo at mataas, matipuno at halatang magaling magbasketball dahil naka shoot kanina habang naglalaro ang mga bata.. . Bumili sa kay Edwin kanina.. Kaya.. Gusto sana naming isali sa lega sa barangay.. Fiesta ngayon Ija....Baka naman payagan mo..", kumunot ang nol ko sa sinabi niya.. " Anong Asawa--", natigil ako sa pagsasalita ng bigla kong naramdaman ang kamay ni Archie na nakaakbay na sa akin. " Cgeh ho.. Anong oras ho ba?. Kumakain pa kami eh.", kita ko kaagad ang paliwanag ng mukha ni Manang.. Halatang masaya na maglalaro si Archie. " Aba't...Mamaya pa naman yun.. Kung wala naman kayong gagawin, pwede kayong makisaya sa amin hah!.. Maraming events ngayon..... Pwede rin kayong makifiesta.. Hehehe", . Nabuhayan kaagad ang pagiging probinsyanang babae ko at nakangiti ng nakatingin kay Manang. " Opo.. Sasabay po kami. Di ba.. Asawa ko?", tinaasan ko siya ng dalawang kilay , para sumang ayon kaagad siya. Makiride para makapag enjoy man lang kami kahit na nanganganib ang buahy namin dahil sa mga goons na yun. Natawa siya ng bahagya at agad akong inilapit pa sa kanya. Iyong nasa dibdib na ako nakasandal dahil sa paghapit niya sa aking bewang. " Of course.. We will joined after this.. Thanks for inviting us.", nakangiti niya pang sabi bago sinarado ang pintuan ng magpaalam ito sa amin. Walang pag aalinlangan ko kaagad siyang tinulak. Kita ko pa ang pag impit niya dahil sa sakit ng pagtulak ko. Nahagip ko kasi ang sugat sa balikat niya kaya medyo nabahala pa ako. " Bitaw na kasi.... Nag eenjoy ka na eh... ..", nakakunot noo kong sabi sa kanya. Pero panay ang tingin ko sa kanyang balikat kong nagmamarka ba ito ng dugo. Hindi siya umimik.. Namimilipit lang siya sa sakit kaya walang pag alinlangan ko siyang nilapitan at maingat siyang hinawakan. Pero nanlaki kaagad ang mata ko ng lumapat bigla ang labi niya sa labi ko. Hudyat na mas tinodo ko pa ang pagtulak sa kanya. " Damoho ka.!", ... nanlalaki ang mata kong sabi sa kanya.. Nakahawak pa ako sa labi ko dahil sa ginawa niya. " I just can't help it. You call me your husband a while ago.. How can I resist to kiss you when it is a music to my ear.. So...---", .. ", Manahimik ka hah!.. Alam mo.. Kulang ka talaga sa pag aaral Archie.. Pati isang salitang Drama ..hindi mo pa maintindihan.. Tabi nga.. Nagutom ako sa pinaggagawa mo sa akin.. ", .. narinig ko pa ang maliliit niyang tawa habang nakatingin na sa akin. Pun*eta.. para aatakihin pa ako sa puso neto hah.. Manyakis talaga ang damoho na yun.. Nakakainis!!!!!... ............NEXT.....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD