Buong araw kaming Naligo, namasyal, nag enjoy at halos nalibot namin ang buong isla. Napakaganda ng lugar, napaka friendly nang mga taong nameet namin, may foreigner pa kaming nakilala while we are scrolling the place. Ang sarap sa pakiramdam pala kapag nag eenjoy ka sa isang lugar na mahal mo yung kasama mo.
Kumain din kami, bumili ng souvenirs, nagpicture at marami pang iba. Sinulit namin ang isang araw na magagawa namin ang lahat ng gusto namin.
Archie was very calm, nakangiti palagi, habang hawak hawak na ang aking kamay na namamahinga sa kanyang tiyan.
Nasa labas kami ng resort, may Bonfire sa harap, nakatanaw sa kalangitan, sa harap ay mahinahong alon sa dagat.
It was a peaceful night with us, for our remaining hours na magkasama dito sa lugar na ito, we decided to rest and see the night outside.
" Ang daming stars..Kumikislap na parang mga diamonds.. ", nakangiti kong sabi habang nakatingala na.
May nakita pa akong kumikislap..malalaki at hugis saranggola pa.
Tinuro ko yun, parang ang sarap kunin at ilagay palagi sa aking kamay.
Nagulat ako ng kinuha ni Archie ang aking kamay at agad iyong hinalikan.
" I want to hold your hand more.", nakangiti niyang sabi. Natawa kaagad ako. Adik na adik na?
" Akala ko nag seselos ka sa mga stars.. Hahahaha." kumunot ang noo niya ng sabihin ko yun.
" Why would I ? I am better than them, nahahawakan mo, nakikita mo ng malapitan.. Kumikislap rin naman ako,.. hindi kagaya nilang, nasa malayo, maliliit at hindi mo mahahawakan. SO I will never get jealous over that damn star. Tss.", may kompyansa niya pang sabi sa akin.
Kaya hindi ko napigilan ang sariling pasadahan siya ng tingin. Nakangiti akong pinagmamasdan kung gaano pala ka perpekto sa paningin ko ang mukha ni Archie.
Nakangiti ko yung ginawa.
Hanggang ngayon, seeing Archie gives an effort to make me happy, nakakagaan sa pakiramdam. Hindi parin nag si sink in sa akin na ginagawa namin ito na magkasama .Na hindi nag aaway, naiintindihan at minamahal namin ang isa't isa.
Nang mapatingin siya sa aking banda, Nagkakatitigan kaagad kami. Seryoso siyang nakatingin sa akin, habang ang mata ay nasa labi ko na.
Hindi na ako nagulat ng maramdaman ko ang labi niyang marahang hinagod ang aking labi. Kasabay ng pagsandal nang kanyang noo sa aking noo ang titig niyang nagpapatunaw ng puso ko.
" Can you promise me?.", nasabi niya habang hinihimas na ang aking pisngi.
" Hmmmm..",
" You will love me, only me Roxanne.. Nothing else.", seryoso niyang sabi na hinagod pati ang puso ko.
Nagulat man ay natawa ako ng kaunti.
" Depende.", nasabi ko kaagad habang humiwalay na sa kanya.
Tanaw ang nagkukumpulang mga bituin sa langit. Nakangiti ko yung pinagmasdan.
"Kung maipapangako mong ako lang din ang mamahalin mo, yun din ang gagawin ko. Iyong kahit saan ka man, hindi mo magagawang maghanap ng iba dahil ako lang ang reyna sa puso mo. ", emotional kong sabi.
Hindi ko alam kong ano pa ang problemang pagdadaanan namin.
This is a new feelings for me. Iba sa kung paano ko minahal si Tim Noon.
Iba ang pagmamahal na mayroon ako kay Archie. Iyong ikakamatay ko kung makikita siyang may kasamang iba.
He let me feel that I can be with him forever, till eternity.
" Pasok na!", nakangiti siyang hinatid ako sa dorm. Matapos namin pagsawaan ang resort, nagpasya rin akong ihatid ni Archie since may pasok kami bukas. He said, uuwi isya sa kanila to get and settle something. Magkikita rin kami bukas.
Tumango kaagad ako.
Hinihimas ang singsing na ibinigay niya sa akin. Tanda na ako lang ang mamahalin niya kahit saan man siya magpunta.
It feel surreal for me. Archie commit to be with me forever. Binigay niya ang isang diamond ring . A promise ring mula sa kanya.
"Good night. Drive safe. See you tomorrow.", nasabi ko pa bago ako tuluyang pumasok sa aking kwarto.
" Haixt... Archie.. Pinababaliw mo ako sa pinaggagawa mo sa akin.", bulong ko pa sa sarili bago ako pumasok sa Banyo at nagpasiyang maligo dahil puno ako ng buhangin galing sa dagat....
Natulog na puno ng ngiti sa labi at bitbit ang masayang puso.
...................KINABUKASAN......
Maaga akong nagising. Naligo, nag ayos ng extra ganda today at nakangiti akong tiningnan ang sarili.
" Good Morning Roxanne Chris TY.. Inspired ka ngayon kaya dapat maganda kang haharap sa mahal mo. ..", nakangiti ko pang sabi sa salamin bago ako nagpasyang lumabas.
Nadatnan ko pa si Zeke na kasama nanaman si Zey na ngayon ay marami pang dalang documents.
" Ohhh.. .. Ang ganda natin ahh..", pang aasar sa akin ni Zey.
Umismid ako sa kanya at agad na pinakita ang singsing sa aking daliri. Nagpapahiwatig na dapat maging close kami dahil magiging sister in law niya ako kapag nasa legal age na kaming magpakasal.
" Nagproposed sayo si Kuya?", namamanghang sabi ni Zarniah.
Nakita ko pang narinig yun nina Pocholo at Tim kaya sinaway ko kaagad siya.
" Promised ring lang to. Since may promise kami sa isa't isa. Pero .. baka doon rin ang punta namin since may pagkakaintindihan kami kahapon. ", kinikilig ko pang sabi.
" This is worth billions Roxie.. Ang galante naman ng kuya ko.. Hindi man lang ako binigyan ng ganyan...", naksimangot niyang sabi sa akin.
Nakatitig pa akong muli sa aking singsing at pinagmasdamn yun ng hutso.. Talagang billions to?
" I can give you also Zey.. Huwag ka ng mainggit dyan.", seryosong sabi ni Zeke sa kanya.
Nagulat kaagad ako sa sinabi niya. The heck..
" Mag on na kayo?", namamangha ko pang sabi.
Kita ko kaagad ang pamumula ni Zarniah kaya natawa sa kanya si Zeke at halatang kinikilig ang dalawa.
" Alam niyo, hindi naman masama kong magkaaminan kayo.. Hindi nga kami nahiya ni Archie na kami na.", proud ko pang sabi.
Narinig yun ng mga ibang studyante kaya hindi na rin ako nagulat ng trending topic kaagad kami sa buong home school.
" Speaking of Kuya Archie.. Nasaan siya?", nagulat kaagad ako sa sinabi niya.
" Sabi niya uuwi siya sa inyo.. Hindi ba umuwi sa inyo?", nagtataka ko pang sabi.
Uniling si Zarniah.
" Baka nandyan sa room niya..", nasabi ni Tim na ngayon ay nakatingin na sa aking singsing.
Agad na binuksan ni Zey ang kwarto sa hawak niyang susi. Napatingin pa muna siya sa akin at agad na tumaas ang kilay.
"Kuya give it to me before since mahilig akong mag review.", casual niyang sabi sa akin.
" Ang sipag mo naman." , nakangisi kong sabi.
Kita ko ang pagtaas ng kilay ni Zeke dahilan para makuha niya ang attention ko.
" She needs it since she want to maintain her popularity as a Ferrero ", nakangising sabi ni Zeke.
" Ano naman?. At least marunong akong mag isip. Palibhasa, hindi mahirap sayo---", hindi na natapos ni Zey ang sasabihin ng Nilagyan ang kanyang bibig ng pagkain ni Zeke.
Natatawa pa ako pagkatapos niyang mabuksan ang pinto.
This is the first time I've seen his room. Napaka linis, gray's halos lahat ng color, pero wala akong makitang bakas na may tao.
" Wala si Kuya dito.", kumalabog kaagad ang puso ko sa narinig.
Kinuha ko ang phone ko at agad na tinawagan ang telepono ni Archie.
Unattended ito.
Tinawagan din ni Zarniah ang Parents niya pero hindi din nila alam since hindi naman umuwi si Archie sa bahay.
Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko, takot, pagkadismaya...halo halo na. Ang sabi niya, uuwi siya dahil may aasikasuhin siya..
Bakit siya nagsinungaling sa akin?
" Baka may ginagawa lang.. Hayaan natin na humupa ang araw bago tayong magconclude na nawawala talaga ang taong yun. ", sabi ni Zeke.
Tumango ako sa kanya pero ang puso at isip ko, balisa na.
Pumasok kami sa aming klase.
Nagulat pa ang proof namin ng makita ako, pero hinahanap din si Archie sa amin.
Hindi ako nakasagot hanggang matapos ang araw ng hindi namin alam kong nasaan ang damoho na yun. Ni hindi man lang tenext kahit magpaalam lang naman.
" Archie.. saan ka ba nagsusuot nanaman?..Nag adventure ka nanaman ba?. at nanganganib na ang buhay mo?..Ano ba?.. Naiiyak na ako sa sobrang pag aalala. ". ', paulit ulit ko yan sinasabi kapag tumatawag ako sa numero niya.
Zarniah Calling....
Sinagot ko kaagad ang tawag ni Zarniah.
" Hello?.. Umuwi na ba si Archie?.. Hindi ko pa rin siya makontak ehh. ", yan kaagad ang bungad ko sa kanya.
" Come to our house.. Right Now. ", tanging sabi ni Zey bago niya ito binaba ang tawag.
Walang pag alinlangan akong pumara ng taksi kasabay ng kumakalabog kung puso dahil sa pagkabahala.
Hearing those tone sa boses ni Zarniah,.. parang may masamang nangyari kay Archie..
Hindi din naman nagtagal ay nakarating ako sa bahay nila.
Maraming tao.
Maraming mga security personnel na umaaligid sa buong bahay.
" Mr. Ferrero.. Mrs Ferrero.. ', nasabi ko kaagad nang pinapasok ako.
Tanaw ang mga tao sa loob ng bahay, walang Archie akong nakita.
" We will do our best to see him as soon as possible Mr. Ferrero.. ", nasabi ng lalaking isang pulis.
" Roxannne..... Kuya is missing.... He went to the syndicate together with this damn paramilitary.. pero hindi nila naprotektahan si kuya ng mahulog ito sa yate... Is kuya is dead... Oh may god... I cannot.. ', umiiyak na sabi ni Zarniah ..kasabay rin ng mahigpit na yakap mula kay Mrs. Ferrero..
" Nadakip at napatay ang pinakamalaking druglord pero hindi natin alam kung buhay ba si Archie O namatay dahil sa ---",Natigil pagsasalita si Mr. Ferrero ng walang pag alinlangan akong pumunta sa head at doon siya kinuwelyuhan.
Hindi sila makapaniwala na isang katulad ko, nakakayang gawin ito dahil sa subrang galit..
" Trabaho niyo yun di ba.. Ang protektahan ang pinaka importanteng kasamahan niyo.. lalong lalo na ang nag lead sa inyo para mahuli ang mga animal na yun. Pero hindi niyo nagawa..Bakit hinayaan niyong mahulog si Archie ng ganon nalang?... Hindi niyo ba sinundan para sagipin?.. HIndi ba kayo gumamit ng utak para e save yung damoho na yun... ?... Bakit?", nagsisigaw kong sabi habang tumutulo na ang luha sa mata ko. Humahagulhol ako kasabay ng pag impit ng sakit sa puso ko.
" Roxie.. Calm down... ', pagpipigil sa akin ni Mr. Ferrero.sa akin.. . Pero hindi ko napigilan ang mapaluhod dahil sa sobrang sakit at pagkadismaya sa mga nangyari..
" Kaya niya ba ako pinasaya ng dalawang araw para ihanda ako sa ganitong sakit?...Damoho ka... Wala kang isang salita... ",
.............................EPILOGUE NEXT.......................