1

1826 Words
" Sure ka bang okay ka lang doon?", nag aalala na sabi sa akin ni Tita Cecil. " Aba't ako pa? Sanay na ito sa mga pakikisama at iba pa. Tsaka tita, magaling itong pamangkin mo, maganda, matalino, madiskarte at hindi basta basta, kaya huwag ka ng mag alala dyan,magiging komportable ako doon at maging sikat kagaya dito sa atin. ", malapad na ang aking ngisi habang sinasabi ko yun, sinisigurado na hindi ito mag aalala sa akin. Siya nalang ang mayroon ako at si Timothy, ang boyfriend ko. Simula nang itakwil ako ng nanay ko at nag asawa ng Mayaman, pati kami ni Tatay kinalimutan na kaya iyon din ang dahilan kung bakit nagpakamatay si Tatay at si Tita Cecil na ang tumayong Ina at ama ko simula elementarya hanggang sa panahon ngayon. " Sure ka ba Hah, Chris? Baka naman kaya ka pagpupursige na makapasok dyan sa HOME SCHOOL, dahil sa boyfriend mong lumuwas doon para mag aral at gusto mong sumunod? Aba't, senior high school ka palang Roxanne Chris Ty. May gatas ka pa sa labi para maglandi. ", nanenermon niyang sabi sa akin. Sumimangot kaagad ako. Okay lang naman lumandi basta sa boyfriend lang, hindi sa ibang tao. Hawak ko na ang naglalakihang maleta ko dahil sa mga dinala ko pa ang mga paninda ko. Sayang naman kung hindi na ako makakapag live selling. Makakatulong din yun sa akin kahit scholar na ako sa HOME SCHOOL. Though libre nga lahat, mula sa matutuluyan hanggang sa pagkain, hindi naman pwede na wala akong pangbili kahit pang napkin man lang di ba? Simula ng mag transfer si Timothy sa HOME SCHOOL last year, naging mailap sa amin ang communication. Minsan pa, busy siya sa basketball at academics kaya madalang lang kaming makapag video call, minsan pa, ten O twenty minutes lang, binababa niya kaagad dahil may gagawin raw. Syempre, isa akong dakilang perfect and understanding Girlfriend, kaya Okay na okay lang yun. Dapat iniintindi ko since alam ko namang for the future namin yun. Para pa akong tangang nangingiti na tuwing naalala kong paano naging kami. Syempre, magkababata kami, naging mag best friend at kalaunan, naging kami ng niligawan niya ako pagtungtong ko ng high school. We are in relationship for almost six years now, kung isali pa ang pagkakaibigan namin, mahigit isang dekada na kaming magkakilala. Kahit ano pa ang ugali, bad or good pa yan, tanggap na tanggap ko yun, dahil kilala ko na siya kahit noon pa. Kahit mga magulang niya, tanggap na tanggap ako bilang future wife ni Timothy. Madalang nga lang kami mag away at supportive siya sa mga ginagawa ko especially sa mga paninda ko. Imagine, kahit pang babae ang mga paninda ko, sinusuot niya yun just to be the model. O di ba?. Supportive boyfriend. Inferness, nadadala niya naman yun ng maayos at nauubos lahat. " Mag- iingat ka palagi. Tawag ka kung vacant mo. Ika musta mo ako kay Tim, Roxanne Chris Ty. Makinig ka!", sigaw niya pa sa akin ng busy ako kakadutdot sa aking cellphone. Ipapaalam ko kasi na luluwas na ako at magkasama na kami sa isang eskwelahan ni Tim. " Roxie...", .. halos mabingi ako sa lakas ng boses ni Tita kaya binigay ko na ang attention ko. Talaga nga namang attention seeker ito, at siguradong mamimiss niya ako. " Ikaw ang mag ingat dito Tita, ikaw lang mag isa, . wala ka pang boyfriend.. Maghanap ka nalang kaya para magkatulad na tayong inspire?.", nangingiti kong sabi sa kanya. Lumukot kaagad ang mukha niya sa sinabi ko. " At talaga nga namang sinasali mo pa ako sa mga ganoong bagay. Expire na ako dyan. Ibibigay ko nalang ang pagkakaroon ng boyfriend sa mga katulad mong hindi nabubuhay kapag walang boyfriend. Cgeh na Layas na.", sumimangot kaagad ako sa sinabi niya. Though it sounds to be a joke to her, pero seryoso ako doon. Hindi naman sobrang tanda na niya at wala pang forty's si Tita kaya pwedy pang ligawan. Siya lang itong man hater, kaya walang nakakapuslit kahit sino. " I love you Tita, Mamimiss kita.", Kita ko kung paano siya nagpupunas ng luha habang tinatanaw na akong sumakay ng tricycle. Kaya hindi ko maiwasang maging emotional na rin. In my whole life, simula ng minulat ako sa buhay, si Tita na ang kasama ko. Don't worry Tita, I'll be the best girl in this world for you and for Timothy. hehehe. Nakarating ako ng manila na halos siksikan na. Sa dami ba namang tao sa paligid at maraming sasakyan na nakahilera, parang gusto ko na lang umuwi para magkaroon ng fresh air. Grabeh, polluted ang lugar. Ibang iba sa bukid na kinalakihan ko. Tiningnan ko ang aking relo na binili ko pa sa terminal kanina, mag aalas dyes na ng umaga kaya kailangan ko ng pumunta sa address na sinasabi sa papel na ibinigay sa akin. Ang isang HOME SCHOOL ay pagmamay-ari ng mga mayayamang angkan ng mga Ferrero. Sila din ang nagbigay sa akin ng scholarship matapos akong makitaan nang potential na maging isang kasapi ng kanilang Counsel daw. Alam ko ang counsel, yun ang mga estudyante na matatalino at nakasu baybay sa mga estudyante maliban sa guidance counselor. Sino ba namang hindi magkakaroon ng oportunidad kung palagi ako ang flontline sa lahat ng patimpalak, academics man yan O ano pamang activity ng school. Sa kapal ng mukha ko, at sa galing ko, malamang, makikitaan talaga ako ng potential. Taga disiplina rin ng mga bugok na mga mag aaral, kaya nararapat lang na mag level up ako at makasama ang boyfriend ko sa kung saan man siya nag aaral. " Manong, Home School po.", sabi ko sa driver na busy pa sa pakikipag tsismisan sa mga kapwa driver. " Sure ka doon ka pupunta? Puro mayayaman don ija.", sumimangot kaagad ako. Alam ko naman yun. " Ang tindi pa naman ng mga palamuti mo sa buhok, nagmukha kang rainbow niyan. ", tumatawa niya pang sabi. Pinagtawanan pa ako. " Manong, fashion po yan, maganda sa akin kaya tara na. Ihatid niyo na ako. ", mataray kong sabi. Hindi niya ba alam ang mga uso ngayon? Mala Jolina ang peg ko araw araw dahil makulay ang buhay despite sa mga negative vibes na dumating sa buhay ko. May boyfriend, may Future at masaya ako palagi, kaya, more colorful clips, more happiness come. Excited na ako. Saan kaya ang dorm ni Tim?. Hindi pa naman siya nagrereply.Ilang araw na rin siyang hindi tumitingin sa kanyang Viber. Masyado bang busy talaga at hindi na ako iniisip pa?. Nagkibit balikat lang ako at tinitingnan na ang paligid. Nakikita ko na ang malaking building na nasa internet. Hindi ko akalaing kung gaano ka totoo ang nasa page na nabasa ko at talaga nga namang, sa sobrang laki nito, panigurado, maliligaw ka talaga. " Eto na makulay na bata. Mag aral ka ng mabuti.", sabi ng driver. Nakangiti ko siyang tiningnan at agad na inabot ang aking bayad. " Salamat pinakagwapong driver. Ingat po sa pag uwi.", Napapailing lang siyang nakatingin sa akin at agad akong kinakawayan. Tanaw ang malaking gate , nakita ko ang babaeng guard sa gilid, napatingin pa sa akin at agad akong kinamayan. " Bago ka ba?", seryoso niyang sabi. " Yes po. Galing ako Samar . ", nakangiti kong sabi. Pinakita ko sa kanya ang binigay sa akin na certification of scholarship at admission paper. ", Transfer student. Graduation pa ng senior high. Cgeh, ....." " Roxanne Chris po. Pero you can call me Roxie..", natatawa siyang nakatingin sa akin at ibinigay sa akin ang susi at isang papel na guide kono papunta sa dorm ko. Kita ko ang mga estudyanteng nagkukumpolan sa gilid. May mga grupong nagsasalamin na may mga binabasa na libro, may mga halatang maarte na mga estudyante dahil panay tingin sa salamin nila. Nakasalubong ko pa ang mga lalaking nagtatawanan na parang mga tanga. In short, malayong malayo sa skwelahan namin noon ni Tim. Speaking of Tim. Nasaan na kaya siya? Hindi niya pa ako sinalubong. Busy kaya yun?. Hindi niya pa nakikita ang mga mensahe kong dito na ako mag aaral. Dala ang aking Bag, may nakakapansin na rin sa akin. Aba't pinagtatawanan pa ako at tinitingnan ako sa nakaka insultong tingin. Hila hila ko parin ito at walang tigil ang pagbubunganga ko sa sarili kong bakit iba yata ang awra nang mga estudyante dito. " Hi!.", napatingin kaagad ako sa babaeng mahinhin, kumikinang at magandang nakangiti sa akin. " Roxanne Chris Ty?" , nagulat ako ng alam niya ang buong pangalan ko. Kita ko rin kung paano niya ako tiningnan, mula paa hanggang ulo at agad na ngumiti ng matamis. halatang plastic ang isang ito. " I am Zarniah Fuerrero. One of the queen here at student muse dito sa HS (HOME SCHOOL), ako ang incharge to guide you on your dorm and take you to student counsel office. ", mataray niyang sabi. Maganda siyang ngumiti at halatang mayaman. Pero sa sobrang arte nang pananalita niya, nakakainis rin. "Tulala ka na dyan? Let's get moving. We have a lot of things to do.", dugtong niya pa. Unang araw, trabaho kaagad?. Sinabi naman sa akin na pagkatransfer ko dito, automatic enroll na ako at kasali na sa Counsel. Hindi ko naman aakalaing unang tungtong ko palang, gyera kaagad. Napabuntong hininga ako at agad na hinila ang aking malaking bag. Ni hindi man lang ako tinulungan. " This is your room!", napatingin kaagad ako sa harap. " HS Peace and Order. Roxanne Chris Ty.", binasa ko ang nakalagay na label ng pinto. Tiningnan ko ang gilid, HS President and sa kabila naman ay ang HS Muse. . May nakikita pa akong ibang label, hanggang sa dumapo ang tingin ko sa nag iisang kwarto na nasa gitna. " ARCHIE DANIEL FERRERO..", nasabi ko kaya kita ko rin ang pagbaling ni Zarniah sa tinitingnan ko. Hinila niya ako at bahagyang tinulak papasok sa kwarto ko. " Cge na, put your things inside and wear your clothes na. You will find it in the cabinet. I won't go inside since I know, it is still dirty. ",napakaarte talaga nito. " Alam mo Zarniah.. ", " Its Zey. Call me that name.", maarte niya pang sabi sa akin. Napapikit na ako at mataray din siyang tiningnan. " Sa sobrang arte mo, nagmukha ka ng batang kulang ng aruga. Bihis lang ako. ...", tiningnan ko pa muna ang gulat niyang mukha at naiinis na akong tiningnan. " The nerve...", narinig ko ang sabi niya pero sinarado ko na kaagad ang pinto at mamaya nalang siyang papatulan sa pag iinarte niya. Tiningnan ko ang paligid. Ang ganda kaya. May maliit pang ref sa gilid, may sariling banyo at isang sakto lang na higaan. Ang bango pa huh, may scented candles sa maliit na lamesa . Paanong dirty ito?. Tss. Talagang maarte na maarte talaga yung babaeng yun. ...........NEXT....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD