27

1884 Words
In-Denial " Are you in relationship?", napatingin kaagad ako ng magsalita ang mama ni Archie. Nabulonan pa ako matapos marinig yun. " Ohh, Tubig..", pag aalalay kaagad ni Archie sa akin. Tinanggap ko yun at agad ring ininom. " Stop it mom, You scared her.", nakakunot noong sabi ni Archie sa ina niya at hinahagod pa ang likod ko habang umiinom ako ng tubig. Tinapbg ko yun at medyo dumestasiya sa kanya. " What anak?. This is the first time na may dinala ka sa bahay, at pinagsilbihan pa ng ganito. ....You know.. Don't be shy at us, Kami nga ng daddy mo, niligawan ako, grade 10 palang kami eh.", nakangising sabi nito sa asawa. Nagulat man ay umiling kaagad ako dahil hindi ko naman manliligaw si Archie. Isa siyang bully at ako ang biktima niya, simula umpisa pa lang, yun na ang naging papel namin sa isa't isa. Hindi na yun mababago pa. " No..no.. Mrs. Ferrero, alalay niya po ako. Napunta lang ako dito kasi may Project.. at tsaka, Babaero po ito.. Maraming kinukuhang babae sa school para tikman. Hindi po ako kasali don.. Hindi rin ako pumapatol sa kanya.. ", sabi ko pa na ikinagulat nila. Archie was raising his brows while looking at me. I saw how Zey smirk for what I've said at agad ring kumain ulit , hindi na nagbigay pa ng opinyon niya para sa amin. Alam naman niyang iyon ang nangyayari sa amin. Saksi siya don since iisa lang ang skwelahang pinapasukan namin. " Archie.. Bakit mo ginaganon si Roxie?. She's been good to you..She is the one who helped you when you need help.. Nambubully ka parin?", galit na sabi ni Mr. Ferrero . " You're even playing with a lot of girls?. Gayahin mo ako, mommy mo lang talaga ang pinagsahan ko.. Wala ng iba.", dugtong niya pa na ikina ismid kaagad ni Archie sabay tingin sa akin. Hindi naman niya ako masisi kong masabi ko ang lahat, dahil iyon talaga siya..Isang dakilang red flag na kailangang iwasan. " Baka hindi ka pa rin tumitigil sa mga gang gang mo.. Basta Archie.. US ka pupulutin kapag bumalik ka sa ugali mong yan. ", may diin na sabi ni Mr. Ferrero. Seryoso ito at galit na tiningnan ang anak. " He should Papa, para naman magtanda yan. Pati ako inaaway kahit hindi ko naman kasalanan. He even shouted at me when I am watching him in the hospital. ", panggatong naman ni Zey na nakangisi na sa kuya niya Kita ko kaagad ang pag igting ng panga ni Archie at tiningnan ako ng masama lalong lalo na sa kapatid niya. " Minamanyak niya rin ako , Mr. Ferrero. ", pagsusumbong ko pa na ikinagulat nila. " Will you shut up. Hindi kita minamanyak. ", nakakunot noo niyang sabi sa akin. Dinuro ko siya at akmang sasabihin ang nangyari sa hospital ng matameme kaagad ako. Nakakahiya at ...hindi ako ready na eshare yun at malaman nilang hindi na birhen ang utak at labi ko. " Basta.. Manyak ka.", taratanta ko pang sabi. " Ginagawa mo na akong punching bag.. Roxanne Chris Ty.. Napipikon na ako..", sigaw niya pa sa akin kaya napatingin kaagad ako sa mag asawa. " Sinisigawan niya din po ako palagi.. Kagaya po nito... minsan.pa, panay utos na parang lumpo... . Kita niyo naman po!", dugtong ko pa na mas lalong lumukot ang mukha niya. Sa loob loob ko, para akong batang may kakampi sa damuho na ito. "Your cards will be freeze Archie.. You're even not allowed to do whatever you want now. I'll put an agent for you...... mag sorry ka kay Roxie.", mala otoridad na sabi ng papa ni Archie. " The hell I care?.?... Tss", nakasimangot niyang sabi. " Archie.!", sigaw ng mama niya. He looked at her at agad nang tumahimik kaagad. Tiningnan akong muli ni Archie at hindi ako inimikan. He is silent. Kaya nakonsensya kaagad ako. Parang napasubra yata ako at naging ganoon pa ang naging resulta. Nagalit pa siya sa papa niya. " Pag pasensyahan mona Roxie hah!.. Spoiled kasi yang batang yan. Kaya naging ganyan narin.. Hindi talaga nakikinig.", rinig ko pang sabi ng mama niya. Nagpatuloy lang sa pagkain si Archie at hindi man lang kami tiningnan. Nakakaawa pa ang pagkaing nasa plato niya dahil sa tindi ng pagkakatusok nito. I even saw how Zey is blaming me the way she looked at for what I've done sa kuya niya...ehh isa nga siyang sinopurtahan ako kanina sa pagsusumbong ko. " Baka magbago na yan ngayong na rehab na Mrs. Ferrero.", nakangiti kong sabi. Pangpalubag loob man lang. hehehe Bumaling nanaman sa akin si Archie at agad akong sinamaan ng tingin. " Adik naman before, pero, mas okay na siya ngayon.. May nabago naman po.. hehehe.", dugtong ko pa. " Do I looked like I am still taking the meth when you come?.When I meet you? Stop talking nonsense to my parents Roxanne.. I'm telling you, if I don't have money to soemd for the following days, you can't eat everything you want. Hindi kita ililibre. Hindi din kita bibilhan ng gift.", sabi pa niya na ikinagulat ko. " Archie Ferrero, ... Hindi mo pa ako nililibre kahit kailan. Namumulubi na nga ako dahil sa mga inuutos mong hindi mo naman binabayaran.", naiinis kong sabi. Tinatakot niya pa ako sa pag ganyan niya.. Eh ..ni Minsan, hindi naman siyang nagkusang bilhan ako ng mga gusto ko. " I am planning since I wan to pursue you.. pero mag iiba since my Dad will freeze my cards. Hindi nayun matutuloy. ", mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. " Anong pursue ang sinasabi mo?. Manliligaw ka? Sa akin?...Until now, sabog ka parin?", nagtataka kong sabi. Hindi ko na inisip na nasa hapag kaming nag uuap ng ganito, na para bang wala kaming kasama at kami lang dalawa ang nag uuap. Kumakalam na ang tiyan ko dahil sa gutom, hindi ko pa kayang lumamon man lang muna. " I guess. I can do that if you will pursue me also.Begging me na ligawan kita...I guess it will be fair right?", nakangisi nitong sabi habang nakasandal na sa upuan niya. Nakatingin sa akin. Kumain ako ng marami. Binilisan ko pa hanggang sa makuntento ako at agad din siyang tiningnan ng mariin. " Huwag ka ng mag abalang manligaw Archie, basted ka na umpisa pa lang.", nakataas kilay kong sabi sa kanya. Proud na proud at kuntento sa sinabi ko. " The heck?. Are you rejecting me?.I am Archie Ferrero?. No one can dare to do that to me Roxanne....DO you know that?", galit niyang sabi sa akin. Ngumisi ako ng nakakaloko at kumain pa sa harap niya ng Strawberry na may chocolate dip " Pwes. Buena mano akong babasted sayo. Tigilan mo na nga yan Archie.. Hindi ka nakakatuwa...Huwag ako pwedy?... HUwag ako. ", seryoso kong sabi . Inignora ang pangtitrip niya. " What if.. Sabihin ko talaga na seryoso ako sayo?, that I am really interested with you, .. anong gagawin mo?", tiningnan ko siyang muli. Tinaas ang kilay at agad na umiling. " Hindi ako pumapatol sa mga kagaya mong red flag. Sinabi ko na ito noon pa.. Over my dead body Archie.. .. Huwag ka ng sumubok pa.. B A S T E D kana. .", sabi ko habang isa isa kon sinasabi sa kanya ang bawat letra ng Basted. Umigting ang panga niya at hindi makapaniwala na ni reject ko siya. Natigil kaagad ang pagsasagutan namin ng tumawa ng malakas si Mr. Ferrero.. Habang ang mama naman niya ay nag thumbs up sa akin. Si Zey ngayon ay nakanganga at hindi makapaniwalang naririnig niya yun sa amin. " Aba't... mas mabuting kumain na tayo ng maayos.. Pag usapan niyo yang panliligaw niyo na yan.. Support kami kapag may mangyayaring maganda sa love life ng mga anak namin... hhehehehe. ", nakangising sabi ng mama ni Archie.. HIndi ako umimik dahil sa pagkapahiya.. Halos nagdadasal nalang ako na sana, kunin na ni lord an damuho na ito.. PEro joke lan yun noh.. ............ " Heto ija, you can have this para sa project you. ", maraming naka papaer na mga damit ang binigay ni Mrs. Ferrero sa akin. Mga damit din ng asawa niya ay nandoon. Kita ko pa ang iba, may tag at ahalatang hindi pa nasusuot. " I hope , It could helped with your charity project in your school. Take it and sell it in a nice price. ", nakangiti pa nitong sabi sa akin. Matapos naming kumain ay nagpasya kaming gawin na ang dahilan kung bakit nandito ako. Ang mag asawa ay nag offer kaagad kaya masayang masaya ang puso ko dahil sa ginawa nila. They are really good people. Sila din ang dahilan kung bakit nasa Home School ako at nakakapag aral ng hindi nababahala sa tuition. " This is mine. Ang iba, hindi ko pa nasusuot kaya makakapagbigay ka niyan ng magandang presyo. Price wisely Roxanne para mas malaki ang maitulong mo sa charity.", nakangiti nang sabi sa akin ni Zey. Naiba naman.kaagad ang impression ko sa kanya. Simula ng tinulungan ko ang kuya niya, mas magaan na ang swra niya sa tuwing kinakausap niya ako. " There is also a vacant room for your live selling if you want to Roxanne. Pwedy ka rin tumira muna dito pansamantala. Total, mas maigi yun since Archie and Zey will stay here until we will be back in a business trip. Babalik rin kayong tatlo sa dorm. ", . nakangiting offer pa ni Mr. Ferrero. Tatanggi na sana ako ng mas kinumbinsi pa ako ni Mrs Ferrero. Nakakahiya namang tumanggi since malaki ang naitulong nila sa akin. " How about Zeke Ija?. Pupunta pa siya dito for your own project also? ", napatingin kagad ako ng marinig yun. So, Partner sila ni Zeke. Okay na kaya sila?. " No mom. Babalik ako sa dorm to discuss it with him. So doon na ako matutulog.", " But ija?.. ", kita ko kaagad ang lungkot sa mama niya. She really want to spend more time with them pero itong mga anak niya, mga pasaway. " I'll be here after school again Mom.. We can shop , spend more time and do what a girls do.. Sama ka Roxie", nagulat kaagad ako ng marinig yun kay Zarniah. She is offering to me to be with them. " We have plans tomorrow Zarniah.. Stop making a way so I cannot spend a time with her. I know your scheme. Stop.it.", napatingin kaagad ako kay Archie ng ilabas niya mula sa closet niya ang subrang daming sapatos at Mga damit. " Ito ang ambag mo?. Ang dami Archie.", nagugulat kong sabi. ." This is still small.. We can check again in my closet..Baka mayroon pa akong nakaligtaan... Come inside.", paanyaya niya pa.. kaya walang pag alinlangan kaagad akong pumasok at nagulat ng sinarado kaagad ito ni Archie. " Maraming disturbo. Tss. ", seryoso niya pang sabi at agad ring nagpauna papunta sa kung nasaan ang walk in closet niya. ''Roxanne... Come here.. choose what you want me to donate. ", rinig kong sabi niya kaya agad akong pumunta sa kug saan ang walk in closet niya. .........NEXT.......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD