19

1681 Words
kiss " Really? Papatayin mo ba ako hah? Roxanne?", natawa kaagad ako ng mabilaukan siya sa pag inom ng tubig. Paano ba naman, nasa harap niya na ang tubig at ang baso, inutos pa sa akin. Dakilang tamad at mapagsamantalang Archie Ferrero. " Yan kasi? Sa subrang hari mo at dakilang tamad sa universe, ni pag inom inaasa pa sa akin. Dakilang Bully. ka talaga. Hindi ka na nagbago Archie.. sa totoo lang. ", pang aasar ko pa sa kanya habang pailing iling pa as a disappointment for him. He glare at me , sininyas pa ang hintuturo niya at pinapalapit ako sa kanya. Syempre, ano ako tanga?..Hindi ko siya sinunod at pinansin. Umupo lang ako sa isang malaking sofa at doon kampanting nahiga. Iniisip ang mga bagay na pwede kong gawin bukas. "Are you really a dumb?... If my arm can move freely, I can definitely get my own water Roxanne. Can you please be gentle when you nurse me. Please lang. Sa halip na nakakatulong ka, hindi mo inaayos ang pagbabantay sa akin. ", nakasimangot niyang sabi habang pinapahid niya na ang mga tubig na nasa damit niya. Naguilty naman kaagad ako. Inalala ang mga utos niyang hindi ko maayos na ginawa. Para kasing nang aasar lang siya. Nag eenjoy sa pag uutos sa akin. Simula ng umalis ang mga magulang niya, lahat nalang kasi ng mga bagay na gusto niya, even the small thing na kaya naman niyang gawin, inaasa pa sa akin. Akala ko tuloy na binubully niya na ako. Na nag tatake advantage na siya sa akin. " Gusto mong magbihis?.. ", sabi ko pa ng makitang basang basa ang damit niya at pilit niya itong inaalis gamit ang tissue sa gilid. " Huwag na ..i can do it on my own ", galit niya pang sabi. Naguilty nanaman ako at tiningnan siya. Patingin tingin pa siya sa akin na para bang pinapakita niya talaga na hirap na hirao siya at dapat akong makonsensya. Napapikit ako at agad na tumayo. Kinuha ang extra shirt niya at ibinigay sa kanya. " Yan, para hindi kana mahirapan pang tumayo. ", nakatitig lang siya sa damit kaya napabuntong hininga nanaman ako at agad na lumapit sa kanya. "Ano nahiya ka ng mag utos?", nang aasar ko pang sabi. He just glare me again at agad na hinawi ang kamay kong nakahawak na sa laylayan ng shirt niya, " I can do it. Stay away ", umismid ako sa kanya ng makitang namimilipit pa sa sakit. He really in pain. I am at fault. Maysado akong nasanay sa pangbubully niya sa akin at hindi naisip na talagang injured siya ngayon. Na kailangan niya ako. " Sorry na. Akala ko kasi, nang aasar ka na nanaman sa akin ehh.. Di ba.. ganito ka palagi sa akin. Kaya hindi ako sanay na seryoso ka talaga ngayon.. hehehe, ", seryoso kong sabi sabay hawak ng shirt niya. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi ko na yun pinansin. Inalis ko ang basang shirt niya ng dahan dahan at walang malisyang natitigan ko ang katawan niya. He has well built body. My six abs pa at his biceps... Malayong malayo kay Tim. Ito ba ang resulta ng pangbabasag ulo niya?.Mala modelo ang katawan.. Mga hindi ko tyoe, pero nakakapanglaway, "Ahemmm... bibihisan na kita. ", nakakunot kong sabi at agad na kinuha ang natitira ko pang katinuan. Huwag kang manyak Roxanne... Dakilang manyak din yan....Baka bigla ka nalang maghubad na rin at magpakitaan kayo kung sino ang mas sexy sa inyong dalawa. Maghunos dili ka... Arghhhh... nakakainit... Napalunok pa ako ng nakangisi na siyang nakatingin sa akin. " Your drooling Roxanne.", sabi pa nito. Kaya nalukot kaagad ang mukha ko at minadali ang pagbihis sa kanya na parang the flash. " As if nakakabighani yang Katawan mo. Fuc*boy.!", ", naiirita ko pang sabi sabay balik sa malaking sofa kanina. Napapikit pa ako dahil sa inis at agad siyang tiningnan muli. He is looking at me with his malicious look, kaya tiningnan ko kaagad siya ng masama. " Huwag kang Feeling Archie Hah. Huwag ka ring assuming dyan...", Sabi ko pa sa kanya. He just shrug his shoulder at nang iinis akong tiningnan. " Praning ... Hahahahhaha", Hindi ko nalang siya pinatulan Hinayaan ko ang sarili ko na kumalma at agad na tumalikod sa kanya. Mag alas dyes na ng gabi at kailangan ko pang umalis ng umaga bukas para hindi ako malate sa klase. Ramdam ko na ang antok ko dahil narin sa pagod. Dumadalaw na sa akin at anytime now, makakatulog ako kahit na ang nipis nipis ng kumot na binigay sa akin ng nurse kanina. " Ay P*ta.. ",, nagulat ako ng maramdaman si Archie sa aking gilid. Halos umusog pa ako para lang magkasya kaming dalawa dahil panay rin ang pagsiksik niya sa sarili katabi ko. Talaga nga namang tinutubuan na ito ng subrang kakapalan sa mukha at nakaya pang tumabi sa akin. "Archie.. ang liit nitong sofa.. Tumabi ka pa talaga?.. Ano?.. Gusto mo dito?.. Ako na doon sa kama mo. ", naiirita ko pang sabi. Tinakpan niya kaagad ang bibig ko at agad akong tinitigan sa mata Ramdam ko ang init ng hininga niyang dumadampi sa aking pisngi kaya nanlaki kaagad ang mata ko ng maalalang, isang dakilang manyak ang isang ito. Hinawi ko ang kamay niya at tiningnan siya ng masama. "Kapag ikaw Archie nabuang dyan at may gawing mahalay sa akin, subukan mo lang.. Baka matuluyan ka na talaga kapag binugbog kita. ", nanlalaki pa ang mata ko ng sabihin yun. Kumunot kaagad ang noo niya at agad akong pinitik sa noo. Napakasakit non kaya napapikit pa akong nakatingin na sa kanya. " Ang ingay ingay mo.Hindi ka maganda para pagnasahan ko.. Gross!", sabi pa niya sabay ayos sa sarili at nakaharap na sa ceiling habang ako naman ay titig na titig na sa kanya. Ngayon ko lang siya natitigan ng husto. Iyong malapitan talaga. Matangos ang ilong, itim na itim na pilik mata at may maliit na dalawang nonal sa pisngi niya. Mas maputi pa nga siya sa akin kaya nakakainggit na may makinis siyang balat, kahit na may cuts pa don dahil sa nangyari sa nakaraang lingo. " I just want to talk to you seriously Roxie.", nagulat ako ng seryoso niya yung sinabi. Seeing him like this, nakakagulat since we are always the resemblance of a dog and a cat. " Ano ba yun?. ", sabi ko pa. If this is all about his case, talagang makikinig ako ng husto. " Your choice of helping other people. Can you change it?. ", nagulat ako sa sinabi niya. " Hindi mo kailangang ibuwis ang buhay mo just to help me. Hindi nakakatuwa.", agad siyang bumaling sa akin at kitang kita ko kung gaano ka expressive ang mata niya. Natawa pa ako ng kaunti. At agad ring bumaling sa harap. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hinayaan ko siya. " ehhhh Paanong mababago yun , sa ganito ako pinalaki ehh.. Sa ganito ako namulat. Sa pagtulong nang hindi naiisip ang sarili. ", emotional pa ako kahit na naalala ko nanaman ang nangyari sa parents ko. " Ang nanay ko, nag asawa ng mayaman at iniwan kami. Nagpakamatay ang tatay ko dahil sa nangyari. Yung ate Cecil ko nalang ang natitira sa akin. Dahil sa nangyari, pinili kong maging maalam sa lahat ng bagay. Pinili ko ring tumulong sa mga nangangailangan lalong lalo na sa mga kagaya kong pinabayaan ng magulang. At kagaya mong hindi pinapahalagahan ang sarili. ", tiningnan ko sa mata si Archie. He is serious and expressive the way he looked at me. "Magpasalamat ka at mayroon kang magulang at kapatid na nag aalala sayo.. Na mahal ka. Kaya sana Archie.. Huwag mong hayaan ang sarili mong mawasak dahil lang iyon ang gusto mo. Isipin mo ang mga taong nandyan para sayo. "dugtong ko pa at naiiyak siyang tiningnan. Hinawakan niya kaagad ang kamay ko at agad iyong pinisil ng marahan. " Then think also that someone like me will protect you from everything.", emotional niyang sabi na nagpagulat sa akin. Nakaharap ako ng patagilid sa kanya habang siya naman ngayon nakaharap rin sa akin. Ang sofa ay naging mas malaki dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa. Naamoy ko pa lalo ang pabango niya.. Its a light scent na hindi masakit sa ilong. Iyong makakalma ka rin. " Kaya ko ang sarili ko. I don't need your protection Archie. Basta, ayusin mo ang sarili mo, at maging isang tunay na lalaki. ", nakangiti ko ng sabi sa kanya. Nakita ko kaagad ang pag ismid niya sa akin. ", Tss. I am a man. You witness that.", kumunot ang noo ko at agad siyang hinampas. Natabig ko pa ang sugat niya kaya agad niya akong sinamaan ng tingin. " Ohhh.. Yung kilay mo, nagkakasalubong nanaman. Chill.. Isa ka ngang lalaki di ba?. ", natatawa ko pang sabi. " Ikaw yata ang magiging dahilan kapag hindi ito gumaling eh.. Sadista ka.", " Hoy!.. Anong sadista.. At tsaka. Bitiwan mo nga ang kamay ko. Namimihasa kana Archie... Nag eenjoy ka na rin.. alam mo ba yun hah?.", Ngumisi siya sa akin at agad akong tiningnan ng mas malapit. " As if.. Ang kapal kaya ng kalyo ng kamay mo.. Magpasalamat ka nga, hindi ako nasusugatan dahil sa subrang tigas nito oh.. ", Napabuga ako sa harap niya ng ipakita niya ang magkahawak naming kamay. Hindi makapaniwalang ininsulto pa ako kahit na nagttetake advantage siya sa paghwak hawak sa akin. " Bitiwan mo na. Ang kapal ba ng kalyo?. Sign of my hardship yan.. Palibhasa, mayaman ka.. hindi ka nakaranas magtrabaho.. Bitaw na.. Nakakagigil ka eh noh.. ", galit ko pang sabi at pwersahan yung tinanggal sa kamay niya. Natulak ko pa siya dahil para muntikan na siyang mahulog. Mabuti nalang mabilis ang kamay kong nahila kaagad siya pero nanlaki ang mata ko ng lumanding kaagad ang labi niya sa labi ko habang parehong nanlalaki ang mata sa nangyari. ..........NEXT.... ..........
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD