Natapos ang brief introduction naming lahat. I have a classes from 7am to 3pm, Counsel work from 3pm to 6pm. Graveh, ang loaded ko masyado.Pero Carry lang yan. Sisiw lang yan compare sa ginagawa ko before , gigising ng 3am , uuwi ng 8pm dahil sa part time job ko with Reyes Residence. Para lang maka survive, kailangan mong kumayod ng maigi.
Tanaw ang cafeteria , nagutom ako bigla. Kaya naisipan kong kumain muna since alas dose na. May iniwan pa sa akin na libro, rules and regulation of Home School na kailangan kong aralin at maintindihan. Sa huli, mas naging mailap sila sa akin. Aba't pagkatapos ba naman ng introduction, nilayasan kaagad ako.
Napabuntong hininga ako at agad na pumunta sa cafeteria.
" Roxie.. ", napatingin ako sa pamilyar na lalaking tumawag sa akin. Malapad kaagad ang ngiti ko ng makitang it was Timothy. Wearing his Jersey, at parang papasok pa sa cafeteria. HInihintay niya ba akong matapos para magkausap talaga kami? Gosh, I miss him so much..
" Beh Beh..", I hug him with an excitement. May nakikita pa akong nakatanaw sa amin, may mga estudyante na nakatingin at nag bulong bulongan. Hindi ko yun pinansin, maybe they didn't know na may girlfriend si Tim? Na ako yun at wala ng iba. Gosh, it's been awhile since huling nahawakan ko siya., mayakap at maamoy ang paborito niya na pabango.
"Pwede ba tayong mag usap?", seryoso niyang sabi. Natigilan ako. Kinakabahan pero hindi ko yun pinansin pa. His face was little bit change and when he is trying to move also, mas pino ito at medyo naiiba na. Hindi ko parin yun pinansin, as long as he is with me, okay na ako doon.
" Can we?", nakangiti niyang sabi sa akin.
" Oo naman. Basta ikaw, kahit sobrang busy ko pa, ibibigay ko sayo ang time ko Tim. . ", nakangiti kong sabi.
It's a date right? Kailan ba ang huling date namin? Parang third year high school pa lang yun.
First meet after almost one and half year, we finally meet again.
" Pero, gusto mong kumain muna? Its past twelve already. ", inilingkis ko kaagad ang kamay ko sa kanyang braso at inilapit ang sarili. Kita ko ang medyo pag iwas niya. Kaya kumunot ang noo ko at tiningnan siya ng mabuti. Inignora ko yun, naligo naman ako bago ako umalis kanina sa dorm. Jetlag pa hah kasi galing sa byahe, pero sanay na ako.
" Namiss kita beh. namiss mo ba ako?", nakangiti kong tiningnan siya. Pero ang tingin niya ay nandoon sa kasamahan kong si Pochollo yata yun. " Beh!", tawag ko pa sa kanya. Nakuha niya ang attention ko. He immediately shifted his expression with a warm smile and agad na nag focus sa akin.
" What is it beh?", sabi pa niya, pero ang patingin tingin pa rin don kay Pochollo.
" Sabi ko, miss na miss kita. Hindi mo ba nakita ang message ko bago pumunta dito?. Expected ko pa namang may surprise ka sa akin. hehehe.",
" Bago ang phone ko. Hindi ko nasave ang phone number mo.", nagulat ako sa sinabi niya. Nagtataka at hindi makapaniwala na hindi niya memorya ang phone number ko.
" Hindi mo na memorise? Paano?," nagtataka kong sabi. Nong doon pa kaya kami sa probinsya isang basa niya lang sa phone number ko, kahit mag palit ako, nalalaman niya kaagad since we have common friends in the province, kasundo ko pa ang mga magulang niya at kapatid, paanong hindi niya nasave nag phone number ko.
" Ehhh.. Kani...Kanina ko pa nabili. Kaya hindi ko kaagad nasave ", natataranta niyang sabi sabay iwas sa akin.
" Akin na ang phone mo.", nanlaki kaagad ang mata niya ng sabihin ko yun.
" Ba.... Bakit?",
" E sasave ko ang number ko para makatext ka sa akin. Kukunin ko rin ang bago mog number hah.", nakangiti kong sabi. Wala siyang nagawa kundi ang ibigay sa akin ang phone niya.
I saw the wall paper, it was him with Pochollo. " Close kayo beh? Pero ang gwapo niyo pareho dito hah. Ang sweet niyong magkakaibigan. .. ", namamangha ko pang sabi. Totoo naman. They are both fine with their photo who are smiling to each other.
" Pero mas magandang tayo ang nasa wall paper mo para hindi mo ako namimiss. Okay lang beh?", tumango kaagad siya. Though he was having an awkward expression panay pa ang tanaw niya sa banda kong nasaan si Pochollo , para na akong tanga ditong kinukuha palagi ang reaction at attention niya.
"Panay ang tingin mo kay Pochollo, may kailangan ka ba sa kanya?",nagtataka kong sabi. Napatinging kaagad siya sa akin at kinuha ang inorder kong food at siya na ang nagdala.
" Wala beh, may kailangan lang ako sa kanya. ", ngumiti siya ng tipid kaya nakangiti na rin ako.
Kinuwento ko sa kanya kung paano ako nakapag enroll dito. HIndi na kagulat gulat na mamangha na naman siya sa achievements ko. Though, iba naman ang status naming dalawa ni Tim, medyo mas makaya siya compare sa akin at magaling sa basketball. Kaya nga nakuha rin siyang scholar dito dahil sa magaling talaga siya pagdating sa halos lahat ng sports. Matalino na rin pero mas matalino lang talaga ako.
" So okay ka lang ba dito Beh? Naging masaya ka ba? Gusto kong mapanood ka sa paglalaro mo ng basketball dito, I'll be yur number one cheerleader gaya ng dati. "nakangti kong sabi.
Tumango naman kaagad siya. Panay ganito lang ang ginagawa niya at medyo balisang balisa na kaya medyo naiirita na ako at hindi ko alam kong ano ba ang problema.
" Maybe,we could let this day pass. Wala ka sa mood Tim. ?", seryoso ko ng sabi. Hindi ko napigilang magdamdam, ngayon lang kami nagkita for a year mahigit, ganito pa ag pakiitungo niya sa akin. Pansin ko rin, wala man lang hug at I love you kanina. Nagulat siya sa reaction ko kaya hinahawakan niya kaagad ang kamay ko at ngumiti ng tipid sa akin.
" I am sorry beh, I am just tired, may klase pa ako mamaya. Maybe we could talk for another time? Iyong tayong dalawa lang?", I saw how his face pleaded to say yes to him.
" Sabi mo nga mag uusap tayo after nito? Hindi na yun matutuloy?", seryoso ko paring sabi. Hindi naman kasi ako tanga para hindi maramdaman na parang nanlalamig ang isang ito sa akin," May problema ba tayo Hah, TIMOTHY JOHN SMITH", galit kong sabi sa kanya. Medyo tumaas ang boses ko kaya agaw pansin na ako ng mga estudyante. Hindi naman nila ako kilala kaya hindi ko na yun inisip pa. Itong si Timothy, parang sikat yata dito sa school na ito at kailangan ingatan ang image kaya ganitong balisang balisa na. Sinabi niya ba na wala siyang girlfriend kaya ganito siya sa akin ngayon?
" Sorry beh.. ", nasabi ko pa habang nakayuko na. " Umalis kana muna. Magpahinga ka tapos usap tayo later kapag good mood ka na , Okay?', nakangiti kong sabi. Hindi ko maiwasang malungkot sa sinabi. Moment na namin ito eh. Matagal kaming hindi nagkita, nagkausap, ganito pa ang mangyayari. Mag aaway pa kami dahil sa hindi ako nakakaintindi na pagod siya.
" Roxie.. ",
Tiningnan ko siya. Nandoon ang lungkot rin sa kanyang mga mata kaya hindi ko mapigilang pagalitan ang sarili." Cgeh na Tim. You can go, rest, and maging good mood ka muna bago tayo magchikahan , Okay beh? Love na love kita. ", mas lalo siyang naging emotional. Nakangiti na ako habnag unti unti na siyang tumayo at agad akong hinalikan sa pisngi.
Nanlaki kaagad ang mata ko doon. "Beh, nakakahiya sa mga estudyanteng nakakakita. ", See? sa paganito ganito nya lang, nawawala na ang pagtatampo ko. Hinawakan niya ang kamay ako kaya hindi ko mapigilang maghystirical, kinikilig at nakatingin na sa kanya.
Hindi sumagot si Tim he just looked at me, emotional at nagdadalawang isip. Pero imbes na may masabi, he just go and didn't say anything.
Talagang pagod na pagod siya at nagmamadali ng lumayas. Haixt.. Dapat mas maging understanding ka pa Roxanne. HIndi mo iniintindi ang boyfriend mo.
Nang matapos akong kumain, nakita ko si Pochollo na mag isang kumakain. Lalapitan ko na sana kaso nakita niya ako at bigla nalang kumaripas ng takbo.
Napabuntong hininga ako. Ang weird naman ng taong yun at parang allergic pa sa akin o di kaya sa lahat siguro ng mga estudyante dito.
Umalis nalang ako sa cafeteria. Pansin ko pa rin ang mga estudyanteng nag chichismissan at parang ako pa ang pinag uusapan. Haixt, iba talaga ang nagagawa ng maging isang girlfriend ng isang star player sa basketball. Naging sikat ka na rin.
Nagpasya kaong pumunta sa aking dorm para doon magbasa. Para naman kasing hindi pa ako welcome dito. Total naman , magkaklase pa kami ni Tim, Magkikita kami bukas O di kaya susunduin niya ako? Siguro naman no?, since nakaugalian na niya yan since noon pang doon pa kami nag aaral. Wala naman sigurong magbabago if in case. Ehhh.. Kailangan maganda ako bukas.
" Aray.!", nalaglag ang mga hawak kong libro dahil sa lakas ng pagka kabunggo niya sa akin. Napatingin kaagad ako sa taong bumangga sa akin. It was the one who wear the Hoodie in the morning , sa basketball gym. " Hindi ka ba marunong tumingin sa dinadaanan mo? Nagmamadali ka ba para hindi mo ako mapansin? ", galit kong sabi habang kinukuha na ang librong nasa sahig. Nasa hallway na kami ng dorm kaya wala masyadong tao since exclusive dorm naman ito ng mga counsel. The other student is not allowed to go here kaya medyo malaya akong magtaray dahil sa katangahan ng isang ito. Pero paanong nandito siya?
" You're the one at fault. Look at my ? This coffee stain already and ruin my uniform. Tatanga tanga ka kasi. ", sigaw niya rin sa akin. His cold and loud b=voice makes me trembled from a shock. Nagulat ako doon, nanlaki ang mata at hindi makapaniwalang nasasabi niya ito sa akin na parang hindi ako isang babae at tsaka kasalanan ko pa? Ehh, siya itong nag tatakbo at hindi ako napansin.
" Ako pa ang tanga?.. Eh ikaw itong nag tatakbo, tapos may suot suot ka pang shade? Para kang tanga dyan sa suot mo. Baliw. ", kita ko ang gulat sa kanyang mukha. Ngayon lang ba siya nakarinig ng isang babaeng pumapatol sa kanya?.
"The nerve of you to talk back at me. Who are you?", galit niyang sabi. Nanlilisik ang mata habang nakatingin na sa akin. Hindi ko masyadong nakikita ang mata niya since nakashades siya ng itim. Napaatras ako ng akma siyang lalapit sa akin.
" Ooppppssss... ", ini ekis ko ang aking kamay at pinigilan siya sa paglapit. Naalala ko bigla , ito ang kuya ni Zarniah, ang may ari ng school. " Sorry na. ", naging malumanay kaagad ang boses ko.
Unang araw, gulo pa ang inabot ko. " Lalabhan ko na lang yan . Okay lang ba? O di kaya, magpalit ka nalang. Then , kung malalate ka sa pupuntahan mo, ako na ang mag explain. Heheheh.",
Tumaas kaagad ang kilay niya. " Put your number here. ", nilagay niya sa harap ang phone niyang sobrang mahal dahil latest Iphone ito. Habang iyong sa akin, Oppo lang yun. Two years ago pa.
" Bakit mo kukunin ang phone number ko? Private property ko yun. Hindi ko basta basta binibigay sa mga hindi ko naman kilala. ", umiiling iling ko pang sabi.
" Hah!... Di ba sabi mo ikaw ang bahala kapag malate ako? Just in case Someone will nag at me, I'll just call you to explain it for me. Why I am late, it's because of someone who are careless and idiot like you. ", bumuntong hininga ako. Kanina Tanga, ngayon Idiot na talaga. Talaga nga namang inuubos niya ang pasensya ko.
" Tss. Faster... ", singhal nanaman niya sa akin. Kaya nataranta pa ako.
Hindi ako mahilig mangolekta ng mga number. Tatlo nga lang ang nakasave sa number ko, Kay Tita Cecil, kay Timothy at pati naman ito?
Wala akong magawa kundi ang ibigay ang gusto niya, I type my phone number on his phone Later then, nakita ko nalang ang sariling nasa teritoryo niya na. Ang maging isang alipin ng isang Archie Zin Ferrero.
................NEXT.............
'