2. ELITE HIGH

1268 Words
REZXCA'S POV:   Pinagmamasdan ko lang ang buong pasilyo ng paaralan na ito. Lahat ng mga nadadaanan ko ay masuri kong tinitingnan.   Maging ang mga studyante na napapalapit ay napapatigil sa akin. Nagtataka sa suot ko na hindi kaaya-aya sa kanilang mata.    Isang full mask na nakalagay sa aking mukha, at isang cloak na tinatago ang kulay ng aking buhok.    Mahirap man, ngunit wala akong magagawa dahil kailangan ko itong gawin. Hanggat nasa ganito akong kasuotan, hinding-hindi ako mabubulilyaso ninuman.   At saka sanay na rin ako sa ganitong suot.   Pero gayon na lang ang pagtaas ng kilay ko sa mga naririnig ko sa mga studyante na nadadaanan ko sa hallway na ito.   'Aren't they gonna shut up their f*cking mouth? And do their own business? Tsk. '     "Ang weird niya."   'Mas weird ka. Anong pake mo sa suot ko? Tela mo ngang kaikli-ikli, pinakealaman ko ba?'    "Ang init na nga sa Pilipinas may paganyan-ganyan pa siya ng suot. Baliw ba siya?"   ' Baliw na agad? Hindi ba pwedeng style lang?'   "Who is she anyway? By the way highway?"   Napairap na lamang ako sa mga estudyante na ito. Pati sa huling nagsabi ng 'by the way highway'.   'Para siyang tanga na sinaniban ng siraulo. '   Kaso sanay na ako sa ganitong mga pangyayari. Hindi ko rin sila masisi kung ganon ang iniisip nila. Subalit ang iba naman na kataga ay nakakairita sa tenga.   Patuloy ko lang na hindi pinapansin ang mga sinasabi ng mga tao. Naglakad-lakad lang ako sa mahabang hallway na ito.   May mga nadadaanan na rin ako na classroom para sa mga lowest school year.    Siguro inabot ako ng 30 minutes sa paglilibot ng mga classroom. Inaalam kung ano ba ang seksyon at sino ang guro nila rito sa pamamagitan lang ng pagtingin sa nakadikit na schedule nila.   Napatigil ako saglit sa aking paglalakad. Napapaisip kung may mga hindi pa ba ako napupuntahan.   "Ah yeah! Field and the Dean's Office. " Wala sa sariling sambit ko.   Napalingon pa ako sa mga studyante na tumawa sa may gilid ko.   "Adik ka ba? Nagsasalita na lang nang mag-isa? " Mapang-uyam na turan ng babae na malaki ang dibdib.   'Iyon agad ang napansin ko sa kaniya eh.'   "Ikaw? Gumagamit ka ba ng gamot pampalaki ng dibdib? " Sagot ko naman sa sinabi niya. Napansin ko naman kung paano ba siya magulat at hampasin ng mahina ng dalawang kasamahan niya.   "FYI! Natural lang ito 'no! " Humikab naman ako sa harapan niya.   Sinasabi rito na wala akong pake sa kung ano ba ang lalabas sa bibig niya.   "I don't care. " Walang ekspresyon kong sabi na lang at iniwan sila roon na naiinis.   'Sayang sa oras kung papatulan ko pa ang mga immature na tao. Ginawa ko lang din ang sinabi niya. Masyado lang siyang halata sa kilos niya. '   Tinuloy ko ang paglalakad ko sa daan na ito papunta sa field. May mga nakalagay naman na karatula sa mga puno kung nasan ba nakapwesto ang mga room o field na hahanapin ko.    Hindi na hassle pa ang paghahanap.   At ngayon nasa mismong field na ako. May mga room din ako na nakita na nakakalat sa bawat sulok at mga puno na nagtatabing sa bawat silid-aralan na ito.   Napalingon naman ang aking mata sa isang banda malapit sa field. May mga nagrarambulang mga tao, habang nakatingin lamang ang mga studyante.   Hanggang dito pala nakakalat pa rin ang mga studyante. Maaga pa naman sa unang klase kaya malaya silang gawin ang gusto nila.   Napatigil ako saglit sa paglalakad at pinagmasdan ito nang maigi.   Parang nanonood lamang ang mga estudyante ng palabas na action at hahayaan na lamang kung sino ang mamatay at maliligtas.   Nagpalinga-linga naman ako sa buong field na ito upang malaman kung may guro ba na nakatambay sa labas.   May nakita naman ako na nakatingin lamang din dito na isang lalaking guro. Nakasandal siya sa puno habang masusi na pinag-aaralan ang studyante na pinagtutulungan ang dalawang tao.   Napailing na lamang ako sa nakikita ko at pinagpatuloy muli ang aking paglalakad.   Tumingala ako sa mga puno na nakikita ko. Naghahanap ng karatula kung dito ba ang daan papunta sa mismong Dean office.   Pero wala akong nakita. Kaya napabuntong-hininga na lang ako.   Naghanap ako ng studyante. Sakto naman na may padaan na nerd na lalake sa gawi ko.   Kaya humarang agad ako sa kaniyang dadaanan. Nakita ko sa kaniyang mata ang takot.   "Saan ko makikita ang Dean's Office? " Malamig kong tanong dito.   Kaso hindi siya nagsalita. Nakatitig lamang siya sa akin habang namumutla.    Napairap naman ako sa kawalan at saka mahinang nagpalakpak sa kaniyang mukha. Napakurap-kurap naman siya at mas lalong umasim ang kaniyang mukha.   "You'll gonna answer it or I'll try' na rip your mouth." May halong pagbabanta sa aking boses.   "D-d-diretso...di-diretso ka lang diyan...M-maki-makikita mo ang Dean Office." Utal-utal na saad niya.   Napataas naman ang kilay ko sa narinig ko at saka pinalo nang mahina ang balikat niya.   Nanginig naman ito sa ginawa ko.   "I'm just kidding kiddo. Next time don't panic as hell. And..." I looked his full figured body. "...I hope someday you overcome your fear. Copy that?"   Kahit na naguguluhan sa sinabi ko. Napatango na lamang siya.   Tumalikod na ako matapos makita iyon. Pero bago pa man ako makatapak ng isa lang sa lupa.   Narinig ko ang kataga na lumabas sa bibig niya. "Hindi naman ako takot sa ginawa mo. Nangamba lang ako riyan sa suot mo na parang mangingidnap ka ng studyante sa loob ng paaralan na ito. "   Pumikit naman ako saglit sa narinig ko. Pinapakalma ang sarili sa narinig sa lalaking nerd na nasa likuran ko.   "Kalma lang. Kalma ka lang Self." Pagpapagaan ko sa mabigat na atmospera sa dibdib ko.   "Ah...eh... Sorry ah! Hindi ko lang talaga maiwasan na isipin iyon. Sige alis na ako." Rinig kong sambit niya muli at mabilis na tumakbo palayo sa direksyon ko.   Pinaypayan ko na lang ang mukha ko para mabawasan ang pagkainis ko.   Isang minuto pa akong nanatili sa kinaroroonan ko bago ko maisipan na maglakad na muli sa daan na ito.   ---   Wala ng katao-tao akong nakita dito sa hallway papunta ng Dean Office. Mukhang may mga pinupuntahang mga palabas na hindi ordinaryo.   Lahat naman ng paaralan may mga ganitong eksena, lalo na sa main school ng Elite High sa England.   Napatigil muli ako sa paglalakad ko ng marating ko ang stage. Hindi lamang pala isa ang stage sa Elite High, kundi dalawa na pala.    Ang isa ay malapit na sa office ng Dean at ang isa ay nasa field.   May mga nakapalibot na mga studyante rin, ngunit may daan naman para makaalis yung nang-aapi.   'What a nice scene.'   Iniscan ko muna nang mabuti ang taong binubully nila at doon ko lamang nakilala ang dalawang taong iyon.   'Tsk. What now?'   Isang nerd na lalaki at isang babae na maganda ngunit dahil sa sabunot, suntok at mga hinahagis na malalagkit na bagay o pagkain ay nawala ang gandang taglay nya.   'Maganda pa rin naman siya. Magandang basurahan.'   Napalingon sa aking direksyon ang babaeng iyon kaya umiwas ako ng tingin.Hindi ko kayang makita ang mukha ng tao na iyon.    Nanggagalaiti ang aking kalamnan, umuusok sa galit ang aking tenga kapag may naalala akong bagay.   'Nararapat lamang ito sa kanila. Tama nga ba?'   Napabuntong-hininga naman ako sa katanungan na pumapasok sa isip ko. Hindi na dapat pinapakialaman ang mga nangyayari sa ibang tao.   Bago ako umalis sa may stage. Lumingon na naman ako sa kanila, ngayon silang dalawa na ang nakita ko. Patuloy na tinatadyakan at tinatapakan ang kanilang katawan.   Namimilipit na sa sakit ang dalawa. Humihiyaw na sa sobrang hapdi na nararamdaman ang babae. Samantalang ang lalake naman ay hinahayaan ang bumubully na saktan siya.   Nahihirapan man. Ngunit halata sa kaniya na kinikimkim niya lang ang lahat.   Napatingin naman ako sa mga taong nanakit, tatlong babae at dalawang lalake.   Malayo man sila, tansiya ko na kung sino ba ang mga ito. Minsanan ko na silang nakasalamuha sa malapitan at araw-araw ko silang nakikita sa loob ng battle arena noon.   Napailing na lang ako sa mga nakita ko at tuluyan na talagang nilisan ang direksyon na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD