Chapter 26- Dinner

1515 Words

Savannah Paano ko ba sasabihin o ipaparamdam sa iyo na mahal na kita? Tanong ko sa isip ko habang nakatitig kay Albrey. Naririto kami sa living room at abala si Albrey sa laptop niya. Napapaiwas ako ng tingin kapag tumitingin siya sa akin dahil naalala ko ang ginawa ko kanina. Nakakahiya, pero ang importante nag-try ako. Natawa ako at hindi ko maiwasang mapangiti. Para na naman akong baliw. Nang mahuli niya ang mga tingin ko ay nginitian ko siya ng pagkatamis-tamis. "Is there any problem?" nagtatakang tanong niya. Bahagyang kumunot ang noo niya. Umiling ako at nginitian lang siyang muli. Ibinalik na niya ang paningin sa laptop niya. Ngunit tumunghay siyang muli at tumitig sa akin. Ako naman ay nanatiling tahimik at ngumiti lang muli. Isinara niya ang laptop niya bago nagsalita muli.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD