MARISOL It's Friday, nagkasundo kaming magkaroon ng weekend vacation. Nakarating din kami sa wakas... "Ang ganda pa rin talaga dito sa Tagaytay, no? Wow! Walang kupas," palatak ni Joy. Pumikit si Joy, tumingala, dinipa ang dalawang braso at sinamyo ang preskong hangin. Napangiti ako habang pinagmamasdan siya. Ginaya ko rin ang ginawa niya. Pinuno ko rin ng preskong hangin ang baga ko. Pagmulat ko ng mga mata, nagkatinginan kami. "Na miss ko 'to!" sabay pa naming sabi saka natawa pareho. Ang tagal na rin pala noong huling punta namin dito, ang tanda ko, kamamatay lang ni mommy nun. Bumalik kami dito for a short vacation kasama ng mga De Cena. Gusto ni Tito Sandro na kahit paano maaliw at makapagpahinga si Daddy nun. Nag inom sila ni Tito Sandro nang kinagabihan. Then, Dad br