MARISOL Ilang buwan pa ang lumipas. Pagkahinto pa lang ng sasakyan namin ay agad ko nang binuksan ang pinto at bumababa. Nagmamadali ang kilos kong nag deritso sa gate ng mansyon ng mga De Cena. Grabe ang sayang naramdaman ko at pagkasabik. Gusto ko na agad silang makita! Nang buksan ng isang katulong ang malapad nilang gate ay nagpasalamat lamang akot tumakbo na papuntang loob ng mansyon para makita agad si Joy. "Sol, baka madapa ka!" paalala ni Daddy na siya pang sumundo sa akin sa eskwela. Nakasunod lamang siya sa akin. "I'll be okay, Dad. I am just so excited to see my bestfriend!" Masaya kong sigaw. Napamaang ako sa awra ngayon ng mansyon nila. Kapansin-pansin ang pagkakaroon nito bigla ng buhay. May mga sasakyan nang nakaparada sa bakuran. Napansin ko rin ang malaki