"
"Alas tres ng hapon tingin ko sa relong nasa bisig ko. Tumayo akong muli upang bumalik sa opisina ni Demon. Hindi kasi ako makapag-trabaho ng maayos. Hanggang pumapasok sa aking isipan na nagagalit sa akin si Demon.
"Hmmm.." Dore, busy pa ba ang iyong boss? Tanong ko.
"Hindi na siguro busy, Kieth. Sige pumasok ka na sa loob.
"S-salamt!" Wika ko.
"Marahan kong itinulak ang pinto at nakita kong busy ito sa laptop nito.
"Sir! Pwede ka bang makausap? Ngunit wala akong narinig na salita nito.
"Gusto ko sanang humingi ng tawad doon sa nangyarin kanina, Pagpatuloy ko sa aking sa sabihin.
"Nag-selos lang naman ako, wika ko at biglang kinagat ang ibabang labi ko. Hindi pa rin ito nagsasalita. Para bang walang naririnig sa mga sinabi ko.
"Napabuntong-hininga tuloy ako.
"Kung wala ka nang sa sabihin. Pwede ka nang lumabas miss Galindo, wika ni Demon. Parang nasaktan ako sa sinabi nito.
"Tumalikod na lang ako. Baka nga'y subrang galit nito sa'kin. Siguro"y hihintayin ko na lang na lumamig ang ulo nito Bago ko muling kausapin.
"Tatlong araw na ang lumipas. Hindi pa rin kami nagkakausap ng maayos ni Demon. Lalo at maraming gawa ngayon sa opisina dahil nalalapit na ang christmas season. Nakatingin lang ako sa kawalan ng biglang lumapit sa'kin si Analyn
"Anong nangyayari sayo, Kieth? At mukhang pasan mo ang mundo.
"May tatanong ako sa'yo Analyn.
"Anong itatanong mo?"
"Kung sakaling masampal mo ang boyfriend mo ng hindi sinasadya. Dahil nagselos ka sa babaeng kasama niya. Pero pinsan pala niya ang babae. Ngunit humingi ka naman agad ng patawad. kaya lang ayaw kang patawarin. HMM.. sobrang nakakagalit ba agad yung pag-sampal ng biglaan?"
"Para sa'kin. Kung mahal talaga ni guy yung babae. Papatawarin niya ang yung babae. Simpre hindi maiiwasan ang hindi mag-selos kung sakaling mayroon kasaman babae si lalaki. Pero kong nag-usap naman ng maayos si babae at lalaki. Walang away o gulo ang mangyayari.
"Paano kong hindi pinatawad at tuluyang nagalit si lalaki? Tanong ko.
"Ibig sabihin hindi mahal ang babae. O mataas lang ang pride ni lalaki. Dahil ayaw niyang mapahiya. Kasi pag-mahal ka ng isang tao kahit anong pagkakamali mapaptawad ka pa rin. Huwag lang yung pagkakamaling ikaw ay nanlalaki. Sure akong hindi ka mapapatawad noon.
"Bakit? Ka nga pala nagtanong ng mga bagay na iyan,Kieth? Siguro may boyfriend ka na ano?
"Ha?" Naku nabasa ko lang kasi sa pocketbook! Putol kasi yung karugtong noong binabasa ko. Kaya hinulaan ko na lang kong ano pa ang mangyari.
"Nagpaalam na rin sa'akin si Analyn. Siguro nga'y hindi ako talagang mahal ni Demon. Kaya subrang galit ito sa'kin.
"Pero. Susubukan kong muli na kausapin si Demon. Pero kong galit pa rin hanggang ngayon susuko na ako.
"Lumakad akong patungo sa opisina ni kulugo. Nakita kong muli si Dore.
"Hmmm.."Dore. Nandiyan ba ang boss mo?"
"Pumasok ka na lang Kieth. Hindi yon busy ngayon.
"Kaya tuloy-tuloy akong pumasok sa loob ng opisina nito.
"Anong kailangan mo Kieth? Tanong ni Demon. Pero naka-kunot ang noo at salubong ang kilay.
"Gusto sana kitang makausap. Tungkol doon sa nangyari noong nakaraang araw. H-hindi ko naman sinasadya eh, wika ko.
"Yun lang ba ang iyong sa sabihin, Kieth? Pwede ka nang lumabas kong wala ka nang iba pang sa sabihin dahil mayroon pa akong gagawin, turan nito.
"Tumngin ako dito. Ngayon alam ko nang hindi ako totoong mahal ni Demon. Peste dahil pinag-sawaan lang ng kulugo na ito ang katawan ko.
Parang nangati ang kamay ko at gusto ko ulit itong sampalin. Nakita kong busy na ito sa laptop. Agad akong lumapit at ubod lakas ko itong sinampal.
"F*ck!!" Anong bang problema mo babae? Sumusubra ka na aah!"
"Galit akong tumingin dito. Itanong mo sa sarili mo kong ano ang problema ko bwiset ka. Hiyaw ko rito. Sabay talikod upang lumabas ng opisina nito.
"Kieth! Saan ka pupunta? Tawag sa'kin ni Kulugo.
"Maghahanap nang lalaking magiging ama ng anak ko. Di ba nga buntis ko. Wika ko. Nakita kong papalapit ito kaya agad kong binuksan ang pinto at nagtatakbo palabas ng opisina nito.
"Kieth!!!!!" Dinig kong tawag sa'kin ni kulugo.