"Marahan kong itinulak si Demon upang pigilan ito sa gagawin nito. Baka mayroon makakita sa'min dito. Nakakahiya. "Umuwi ka na Sir Demon, pagtataboy ko rito. Nagsalubong ang kilay nito at hindi rin ma-ipinta ang mukha. Para bang mayroon gusto ngunit hindi ibinigay.
"Okay fine!" Inis na wika nito.
"Umiling na lang ako sa inaasal nito. Tahimik akong bumaba ng sa sakyan nito. At saktong pagkababa ko'y siyang pinatakbo ni Demon ang kotse niya ng mabilis.
"Ngayon palang nakikita ko na kung anong mangyayari sa'min ng lalaking 'yon. Dahil tingin ko'y gusto ito lagi ang masusunod.
"Tahimik akong pumasok sa kabahayan at nakita ko ang magandang ngiti ng mama ko."
"Hmmmm!" Anak Kieth! Kailan ninyo balak magpakasal?
"Ha?!" Ma! Kanina ko lang naging boyfriend si Demon. Sobrang bilis naman ho kung magpapakasal agad kami mama.
"SOS!" Doon din naman ang punta ninyo. Bakit patatagalin pa?" Pahayag ng mama ko.
"Ma, Hindi pa rin naman natin alam kong kami ba ni Demon ang nakatadhana.
"Iwan ko sayo Kieth. 26 years old ka na. Aba'y hindi ka ka bumabata. Mahihirapan kang magbuntis kong aabutin ka pa ng 30 years old. Mag-isisp ka nga Kieth.
"Napahilamos na lang ako ng mukha sa sinabi nang ina ko. Masyado itong nagmamadali sa pag-aasawa ko.
"Ako ang kakausap sa boyfriend mo. Itatanong ko kung mayroon siyang balak na pakasalan ka. Kung wala naman ay 'di mag hiwalay na lang kayo. Nangmakakita ka nang lalaking magiging asawa mo. Hindi mo kailangan nang mayaman. Kung hindi ka rin naman pala papakasalan, talak ng mama ko sa'kin.
"Jusk Ma!" Yang ang Huwag mong gagawin. Nakakhiya kay Demon. Kontra ko agad sa balak ng aking ina.
"Anong nakakahiya doon. Ang sa'akin lang ay inaalam ko lang. Lalo at babae ang anak ko. Malay ko bang mayroon ng nangyari sainyo ng boyfriend mo. Aba hindi naman ako papayag no'n.
"Hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi nang Mama ko.
"Ohh! Kieth! Bakit na parang na mutla ka? Mayroon na bang nangyari sa inyo ni Demon? Sabihin mo nang maipatawag na natin ang mga magulang niya.
"Po! Naku si Mama. Kung anu-anong sinasabi mo. Kanila ko lang naging boyfriend si Demon.Wika kung kinakabahan.
"Ako'y! Nag-sisiguro lang anak! Ayaw kong na aagrabyado ang mga anak ko lalo ka na at ikaw ay babae. Hindi naman ako papayag na hindi ka pakasalan. Naku makakataga ako ang tao. Talak ulit nito bago umalis sa harap ko.
"Hinawakan ko ang noo ko dahil pinag-pawisan ito ng malapot. Umakyat ako sa kwarto upang magpahinga.
"Alas singko ng umaga ng magising ako. Nagmamadali akong kumilos dahil. Mahirap sumakay ngayon dahil sobrang trapik. Baka kasi ma-late ako.
"Ala-sais ng umaga ng nang umalis ako sa bahay. Nakarating ako sa opisina ng medyo maaga. Hindi katulad dati na lagi akong late. Naglalakad ako ng mayroon lumampas sa'kin na malaking bulto ng tao. Pagtingin ko'y si Demon ito.
"Hanggang ngayon may sumpong pa rin ito?"
"Hinayaan ko na lang ito. Hindi ako nagtangkang habulin ito. Bakit pa? "Eh. Hindi nga ako pinansin.
Nakarating ako sa table ko at tahimik na umupo. Ginawa ko ang mga dapat kong gawin. Hindi ko iniisip ang pesteng kulugo na iyo.
"Dumating ang tanghalian. Dumaan ito sa harap ng table ko. Ngunit nilampasan lang ako ni kulugo.
"Hi Kieth! Bigla akong lumingon sa tumawag sa'kin. Isa sa mga katrabaho kong lalaki.
"Pupunta ka ba sa Canteen? Tanong nito.
"Oo!"
"Pwedeng sumabay?!
"Sure! Sasabay lang pala eh! Wika ko at tumayo upang pumumta ng canteen. Nagtatawanan kami ni Jonny. Nang makasalubong namin si Demon. Nanlilisik ang mata nitong tumingin sa'kin. Kaya nag-iwas ako ng tingin.
"Bahala ka sa buhay mo peste kang kulugo.
Mr Impossible
.
''Dumaan si Demon sa gilid ko. Ngunit ramdam ko ang pagpisil nito satagiliran ko. Mukhang nagbigay si Demon babala sa'kin.
Pinagsawalang bahala ko na lang ang babala nito. Dahil na-iinis rin ako sa lalaki.
Hindi pa nag-iinit ang butt ko sa pagkaka-upo ng makita ko si Analyn. Humahangos itong lumapit sa'kin.
"Kieth! Pinatatawag ka ni si Demon. Bilisin mo at mukhang mainit ang ulo, pahayag ni Analyn.
"Hindi pa nga ako kumakain! Asik ko rito.
"Mamaya kana kumain puntahan mo muna si Sir Demon. Pahayag nito at basta na lang akong hinila upang dalhin kay Demon. Bigla tuloy akong kinabahan.
"Oooh! Hanggang dito na lang ako. Pumunta kana sa opisina ni Sir. Baka pag ikaw ang makita mawala ang init ng ulo turan ni Analyn at bumalik sa puwesto nito.
"Marahan akong lumakad papalapit sa pinto ng opisina ni Demon. Absent nga pala si Dore. Kaya wala itong secretary.
"Ngunit andito palang ako sa labas ng pinto ng marinig ko ang hiyaw ni Demon. At mukhang mayroon itong kaaway.
"Kailangang sa lalong madaling panahon magawa ninyo ang pinag-uutos ko. Hiyaw muli ng lalaki.
Kaya nagdalawang isip akong pumasok sa loob. Tumalikod ako upang umalis sa lugar na ito. Uuwi muna ako. Agad kung kinuha ang bag ko sa ibabaw ng table at nagtatakbo palabas ng building.
"Sumakay ako ng taxi at nagpahatid sa bahay namin. Nakita ko agad si Inay.
"Bakit? Ang aga mo Kieth? Tanong ng ina ko.
"M-masakit lang po ang ulo ko inay. Kay umuwi ako nang maaga.
"Aba'y uminom ka agad ng gamot anak. Bakit hindi ka hinatid ng iyong nobyo? Gusto ko rin siyang makausap.
"Aahh... Ehhh.. Ma! Hiwalay na kami ni Demon wika ko. Nakikita ko ang pagkunot ng noo nang aking ina at pagtataka. Kahapon mo lang siyang naging boyfriend hiwalay na agad kayo?"
"Hindi ko pala siya gusto Ma. Kaya nakipaghiwalay na ako sa kanyan, wika ko.
"Nahalikan ka na ba ni Demon, anak?
"Bakit mo tinatanong Ma?!
"Aba'y para alam ko. Dahil noong dalaga pa ako. Mahigpit sa'kin ang inay ko. Oras na mayroon humawak o humalik sa'kin, tiyak ipapakasal agad kami.
"Ma! iba naman no'n at iba ngayon, wika ko.
"Kaya nga eh! Kaya maraming mga kabataan ang nabubuntis ng maaga. At ang malala pa iiwan lang ng mga lalaki. Dahil kaunting hawak lang ng lalaki andoon na agad sa kama nakahiga. Kaya ayon nabuntis agad.
"Parang tinablan ako sa sinabi ni mama. Jusko po huwag naman sanang mag bunga agad.
"Hala sige Kieth, pumasok kana sa kwarto mo nang makapag-pahinga ka.
"Opo!" Mahina kong tugon dito.
"Hindi pa ako halos nakakatulog ng marinig ko ang mga katok sa pinto ng silid ko. Marahan akong bumangon upang buksan ito.
"Magbihis ka Kieth. Dahil mayroon tayong mga bisita. Hindi ka nagsasabi sa'kin. Ikaw pala ay buntis na, wika ng inay ko.
"Po?!" Gulat na wika ko.
"Hala. Bilisan mong magbihis. Dahil nandiyan ang mga magulang ni Demon. Dahil mamanhikan na sila. Nandiyan din si Demon. At siya ang may sabing buntis ka raw. Tatawagan ko na nga ang tatay mo.
Nakita kong lumakad na si mama. Diyos ko! Dahil hindi ko alam kong ano ang nangyayari. Pumasok akong muli sa kwarto ko at napa-upo sa kama. Hinilot ko ang noo ko.
"Narinig kung muli ang pagbukas ang pinto ng kwarto ko. Ngunit hindi ako lumingon kong sino ang pumasok.
"Ano pang hinihintay mo? Bakit hindi ka pa bumaba, Kieth?
"Bigla akong lumingon sa lalaking nagsalita. At nakita kong si Demon ito. Nakahawak pa sa bewang nito.
"B-bakit ka pumasok dito sa kwarto ko?" Asik ko rito.
"Inaalam ko lang kong bababa ka. Hindi naman ako papayag na paghintayin mo kami tura nito at mabilis na lumapit sa'kin at sinunggaban ang lips ko.
"Nagulat ako sa bilis nito at pusok ng halik. Inawak ko ito ngunit hinawakan lang ang pulsuhan ko. Gumapang ang halik nito sa leeg ko. Kaya nataranta ako. Dahil baka biglang pumasok dito sa loob ng kwarto si inay at maabutang kami sa ganitong eksina.