"Siyanga pala. Kieth, hinahanap ka ni Sir Demon, kanina. Parang tumalon ang puso ko sa sinabi ng sekretarya ni Sir Demon. Pero siyempre, hindi ko pinahalata dito na natutuwa ako.
"May kailangan na naman siya? Tanong ko.
"Nagkibit-balik lang ito. Malay ko! Basta panay ang tanong niya sa akin kung dumaan ka na raw roon at hinahanap mo siya, sabi ko nga kung gusto niya, tatawagin kita pero sabi naman niya huwag na, pahayag ng sekretrya ni Sir.
"Ano na naman ba ang kapalpakang ginawa mong babae ka at mukhang wanted ka na naman sa guwapo nating boss?! Untag sa akin ni Analyn.
"Ha?! Wala naman akong gingawa. baka tinutopak lang iyon at wala na namang mapag-tripan kaya hinahanap ako.
"Ohh!" Kaya nami-miss ka lang, anang bagong dating na si Vina, puntahan mo na kaya, kaysa nakikipagdiskisyon ka pa riyan, pagtataboy sa akin ni Analyn.
"Binalingan ko ang sekretarya ni Sir Demon, na si Dore. "Asan ba siya ngayon? Tanong ko.
"Andoon lang iyon ngayon sa opisina niya. Sige, goodluck, wika pa ni Dore.
Dumiretso na ako sa opisina ni sir Demon. Hindi siguro nailapat ni Dore, nang husto ang pinto ng opisina ng binata nang kunin nito ang mga papeles na pinapirmahan kanina dahil nakaawang ito ng hawakan ko.
"Pero kumatok pa rin ako ng marahan.
"Pagpasok ko naabutan ko si Demon na nakaupo sa swivel chair nito at nakatitig sa kawalan. Agad naman akong napansin nito ng bumungad ako. He looked at her without moving on his seat.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Salubong ang mga kilay na tanong nito sa'akin. Hinahanap n'yo raw ako? Sir. Tanong ko.
Wala naman akong kailangan sa iyo? Bakit kita hahanapin? Galit na wika niya sa'kin.
"Pero ang sabi ni Dore-----"
"Bumalik ka na. Istorbo ka lang sa ginagawa ko rito. Dinampot nito ang mga papeles na nasaharap nito at sinimulang basahin. Tumaas ang mga kilay ko.
Nakatunganga lang naman ito ng maabutan ko. Tapos ngayon istorbo raw ako?
"Sige. Sir! Balik na ho ako sa puwesto ko kong wala naman pala kayong kailangan sa'kin, paalam ko at balak ng umalis.
"Wala talaga!" You can leave now." Masungit wika nito sa'kin. Hmp! Sungit! Mahina kong wika.
"Siyanga pala Kieth. Naalala ko. hindi ba't sabi mo kanina may idi-discuss ka sa aking issue ng isang kliyente? Nasaan na?"
"Iyon ba, Sir? Nagre-request ng early move-in si Lee kahit forty-three percent pa lang ng TCP ang nababayaran niya. Mag babakasyon sila ng pamilya niya rito sa pilipinas ngayon December."
"O,tapos?"
"Tumawag na siya kanina at sinabing hindi na matutuloy ang pagbabakasyon nila ng pamilya niya kaya okay na ho ."
"Ganoon ba? Baka may iba ka pang concern.
You can discuss it now with me."
"Wala na ho Sir."
"Are you sure? Baka meron pa. Isipin mo na habang nandito ka."
"Nag-isip ako, pero wala naman na akong ibang maisip na idi-discuss sa kanya. Wal na talaga, Sir. Baka kayo ho may ibang kailangan sa akin?"
Ipatatawag kita kung mayroon.
"Sige po, Sir. Tumalikod na ako at lumabas ng opisina nito. Kieth, tapos kana bang nakipag-usap kay Sir Demon? "Ano raw ang kailangan niya sa iyo? " Tanong ni Dore.
"Ewan ko roon. Ang gulong kausap. Hindi raw niya ako ipinatatawag pero ayaw naman akong paalisin sa opisina niya. Praning, di ba?''
Baka naman gusto ka lang talagang makita ni Sir. Alam mo kasi, napapansin ko, panay ang tanong niya sa akin tungkol sayo."
Lumundag ang puso ko ng marinig ko ang sinabi ni Dore. Talaga?" Gulat na tanong ko.
"Feeling ko lang naman 'yon. Kasi sa tuwing lumalabas siya ng opisina, wala siyang ibang pinupuntahan kundi iyong department n'yo lang. At napapansin ko na sa tuwing andiyan ka, wala siyang ibang tinitingnan kundi ikaw lang. Pahayag ni Dore.
"Ganoon?"
"Oo. Mamatay man lahat ng alaga naming pesteng ipis at daga. May gusto ngan yata sayo si Sir Demon."
Para gustong kong tumili sa nalaman. Pero hindi ako nagpahlata. Nagpaalam na ako dito upang bumalik sa pwesto ko.
"Hi, Kieth!"
"Rodel, ikaw pala," walang kabuhay-buhay na wika ko rito ng mag-angat ako ng tingin at mabungaran ko itong nakatunghay sa akin."
"Mukhang Busy ka."
"May kailangan ka ba sa akin?" Wala ako sa mood makipagbolahan dahil tambak ang mga papeles na inaasikaso ko.
"Ngumiti ito. Wala naman. Matagal kasi tayong hindi nagkita dahil busy ako sa mga trippings. Na-miss lang kita. Pahayang sa'kin ni Rodel.
"Ay! Pareho pala tayo. Namiss ko rin ang sarili ko." Turan ko dito, at muli akong tumingin sa mga papeles sa harap ko.
"Malapit na ang labasan ninyo, di ba? May pupuntahan ka ba pagkatapos mo rito?"
"Bakit?"
"Iimbitahan sana kitang kumain sa labas kung okay lang."
Salamat na lang pero hindi pa naman ako gutom."
Ngunit biglang tumunog ang sikmura ko, sa totoo lang ay gutom na gutom na talaga ako, gusto ko na nga makauwi ng makakain na,' mahina kong saad ko.
"Papayag yang si Kieth, na kumain kayo sa labas basta kasama ako, hindi ba Kieth? Tanung sa akin ni Analyn.
"Ahh---"
"Miss Galindo, come to my office."
Bigla akong napabaling ng tingin sa kabilang panig at nakita kong naroroon si Sir Demon.
"And you, who are you? Are you from here?" Sita nito kay Rodel.
"Rodel Santos, Sir. Isa ho akong ahente."
"Ahente? Kung ahente ka, anong ginagawa mo rito?
Hindi ba't mga authorized personnel lang ang allowed sa departamentong ito?"
"Ah, nagpa-follow-up lang po ako tungkol sa mga kliyente ko, Sir."
Halatang hindi nagustuhan ni Demon ang sagot ni Rodel dahil sumama ang timpla ng mukha nito,
"Nagpa-follow-up? Mukhang hindi kliyente ang pina-follow-up mo." Pagkatapos ay tumingin ito sa akin.
Hindi nakakibo si Rodel sa sinabing iyon ni Sir Demon.
Dapat ay idinadaan sa mga broker ninyo ang pagpa-follow-up ng mga kliyente ninyo. Hindi ba?
Trabaho iyon ng mga broker ninyo. Hanggang doon lang ang mga ahente sa business center reception at hindi maaaring pumasok rito sa loob. And if you really wanted to follow-up on your client that badly,
use the telephone and connect your call to the CRD.
Wala ba kayong mga telephone sa area ninyo?"
"Lalong nawalan ng imik si Rodel sa sinabi nito.
Totoong hindi nakakapasok ang mga ahente sa loob ng departamento nila maliban sa mga brokers na nagha-handle sa mga ito.
Ngunit dahil si Rodel ang pinakamalakas mag-akyat ng sales sa lahat ng mga ahente, pinayagan itong makapasok sa loob upang personal na mag- follow-up sa status ng mga kliyente.
Pero mukhang matatapos na ang pribilehiyo nitong iyon lalo na sa nakikita niyang anyo ni Sir Demon. Mukhang kakain ng tao.
"Pasensiya na, Sir. Hindi na ho mauulit."
"Good. What's your name again?"
"Rodel Santos, Sir."
"Okay, Mr Santos, from now on, you are off limits inside this office. Are we clear?"
"Walang nagawa si Rodel kundi tumango na lang.
"At bawal manligaw ang ahente sa empleyado ng kompanyang ito. Ang hindi susunod sa patakarang ito. Maaari nang humanap ng ibang trabaho. Bumaling uli sa akin si Demon.
"Sumunod ka sa akin sa opisina ko, Miss Galindo," utos nito pagkatapos ay tinalikuran na kami.
"Bumaling ako kay Rodel. Pagpasensiyahan mo na si Sir Demon. Marahil ay mainit lang ang ulo n'on, wika ko.
"Mukhang may gusto saiyo si Sir. Alam ko yun dahil lalaki din ako, Kieth, lalo nang wala akong pag-asa nito sayo, bigatin ang magiging kalaban ko, paano ba ito?"
"Baka nagkakamali ka lang Rodel. Malabong magustuhan akon ni Sir Demon, katuwiran ko rito.
"Kieth. Tawag ka ni Sir Demon. Lumapit sa amin si Dore. Dalian mo at mukhang mainit ang ulo. Ikaw lang ang kayang makipag-usap doon kahit mainit ang ulo n'on. Nag mamakaawang wika nito. Ayaw kung mawalan ng trabaho sa akin umaasa ang pamilya ko.
"Para kayong mga ewan diyan. As if tayong lahat ay kaya niyang tanggalin dito.wika ko
"Tumayo ako at pumunta na sa opisina ni Sir.
Nagbigay muna ako ng warning knock bago pinihit ang seradura ng pinto.
"Bakit ang tagal mo? Bungad ni Demon. "Are you still talking with Rodel Guy?"
"Tumingin ako rito at kahit galit pa rin ito ang guwapo pa rin nito sa paningin ko. Halikan ko kaya ito ng mawala ang init ng ulo," mahina kung usal.