Ep. 8 Liezel POV

2531 Words
Sunud-sunod akong napamura ng si Irish ang nanalo sa laro! Nakangising aso pa ito sa akin at alam ko na ang gusto nito. Kaya maging mga kaibigan namin ay napapangisi na rin sa paniningkit ko dito. "Okay so for our winner, what kind of price do you want buddy?" nanunudyong saad ni Lira na inakbayan si Irish. "I want a kiss from someone here" ngising asong saad nito na napapatingin kay Cedric kong napapayuko at higpit ng kapit sa kamay ko. "A kiss! So Irish, who is this lucky one you want to kiss?" Diane asked. Pinaningkitan ko ito ng nagbababalang tingin ng ngumiti itong tumitig kay Cedric. "Him" duro nito sa baby ko at 'di alintana ang matalim kong tinging ginagawad dito at nagagawa pang ngumisi! "Don't you dare Irish!" singhal ko sa pagturo nito kay Cedric. Tawanan at tuksuan ang mga kasama sa aming tatlo Cedric already blushing. "Oh comm'on buddy this is part of the game, it was just a plain kiss" ani Lira na pigil-pigil ang pagtawa. "No way! I'm warninging you Irish don't test my temp! Choose another kahit sino, kahit artista o modelo pa 'yan national or international dadalhin ko sayo but please.... damnit! Except my Cedric!" nanggagalaiting bulyaw kong ikinatawa ng mga ito. "Oooohhhhhh" nagsinghapan ang mga ito kaya napangiti na rin ako sa panunukso ng mga ito sa akin. Lalo tuloy napapayuko si Cedric sa kabaliwan ng lintek na Crawford na 'to! Palibhasa ay may gusto din ito sa baby ko. Kainis! "Damn girl why so possessive? HIndi mo pa naman asawa" naiiling saad ni Naeya. "Tsk, kahit pa 'nung una possessive na siya pagdating kay Ced. How much more ngayong magkarelasyon na sila?" ani Diane sabay tapik sa balikat ko samantalang masakit na tingin ang pinupukol ni Louis kay Cedric at nakabusangot naman si Kristel sa tabi nito. "Tsk what's their problem" sa isip-isip ko. Napairap ako sa mga ito at napahingang malalim para kalmahin ang mga braincells kong pinapalobo ng Crawford na 'to na malapit ng sumabog! "Okay fine, para sa friendship natin I gave you a chance to choose buddy kung sino ang hahalikan ko, it's either Cedric....or you" ngising asong saad nitong ikinalaki ng mga mata ko! Npanganga ako sa sinaad nito na napakurap-kurap kaya lalong umingay ang paligid. Marahas akong napabuntonghininga at pinaningkitan ito ng ngumisi at napakibitbalikat pa sa akin. Nakakagigil ang lintek na Crawford na 'to! Ang sarap itapon sa dagat at ipakain sa mga pating! "Comm'on choose! Choose! Choose sabay-sabay na nilang hiyawan sa akin. "Fine!" nagsinghapan ang mga ito at natahimik na nakaabang ng sagot ko. Napahilot ako ng sentido at nginisian ito ng humakbang ako palapit dito na ikinapalis ng ngisi na bahagyang napaatras at namutla. "D-Del Prado I'm- umptt!!" kaagad kong siniil ito na pikit ang mga matang ikinanigas nito! "Oh my Gosh!" tilian ng mga barkada namin sa paniniil ko ditong akala yata hindi ko maaatim humalik sa kapwa ko babae lips to lips . Damn never in my wildest dreams to kiss a woman but for Cedric? I'll do everything. Nanlalaki ang mga mata nito ng bumitaw na akong tila natuod na sa panghahalik ko! I smirk and wipe my lips after seeing her blushing. "Wooohhhoh! Nice!" hiyawan ulit ng mga itong napapalakpak pang ikinangiti at yuko ko na napahawak sa tapat ng dibdib at animo'y touch na touch sa panunukso ng mga ito. Naiiling naman si Cedric paglapit ko at yumapos sa baywang kong nagpangiti lalo sa akin. "Ibang klase ka talaga" he whispered. Natatawa akong sumubsob sa dibdib nito at pasimpleng humaplos sa masels nito sa tyan ng yumakap na tin ito sa akin na panay ang halik sa ulo ko. MAGHAHATING-GABI na ng magsitungo kami sa aming suites para makapagpahinga na. Bukas ng hapon pa naman ang kasal kaya ayos lang magpuyat kami dahil sapat naman ang oras na itutulog namin. "Baby, come here" napalunok ito ng tinapik ko ang kama ng akmang sa sofa ito hihiga. "L-Liezel" napangisi ako ng pamulaan itong halatang kabado. Lumapit din naman ito na parang robot na naninigas ang katawang sumampa ng kama. Napayakap ako dito na umunan sa malapad niyang dibdib! Ang sarap sa pakiramdam. Yumakap din naman itong marahang hinahaplos ako sa buhok. Dinig ko pa ang mabilis na pagtibok ng puso nito sa pagkakadapa ko sa dibdib nito. "Cedric" "Hmm?" inaantok nitong respond. Napatunghay ako at busangot ng nakapikit na ito. Namumula na rin ang mukha nitong kitang lasing na. Nagpangalumbaba ako sa dibdib nito at marahang hinaplos ang gwapo at inosenteng mukha nito. "Ako na lang kasi Cedric. Ano bang ayaw mo sa akin...babaguhin ko baby, just be mine. Mine alone baby" pagkausap ko dito. Umangat naman ang isang kamay nitong kinabig ako sa batok na sinalubong ako ng masuyong halik sa mga labi kong ikinatulo ng luha ko kasabay ng pagpikit ko at buong ingat tinugon ang masuyong halik na ginagawad nito. "Gusto din kita Liezel.... gustong-gusto kita baby...pero, pero hindi naman ako nababagay sa isang katulad mo. Paano kita ipaglalaban? Wala akong ni ano mang maipagmamalaki sayo at sa lahat tanging ang malinis at tapat kong pagmamahal sayo na kayang ibigay ninoman" mahinang sagot nito sa pagitan ng pagkakalapat ng mga labi namin. Tumulo ang luha ko at pinakatitigan itong nakapikit na tumulo rin ang luhang agad kong pinahid at pinaghahalikan ito sa buong mukha na bahagya nitong ikinangiti. "Haven't I told you before? Cedric mahal kita, tanggap kita sa lahat ng kapintasan mo. all I want from you is...to love me too baby. Keep me too please. I promise you, you'll won't regret it" mapait akong napangiti ng payapa na ang paghinga nitong natangay na ng kalasingan. "Good night my baby. I love you so damn much" muli ko itong pinaghahalikan sa buong mukha bago sa mga labi nitong bahagya pang nakaawang. Napapahagikhik na lamang akong sinusulit salitang sinisipsip at panakanakang kinakagat ang mga labi nito sa kanyang pagkakahimbing na hindi manlang ako maramdaman! "Damn Liezel, you're getting worst girl f*ck! Ano bang pinakain mo sa'kin Cedric? Ang tindi naman ng gayuma ng laway mo na nakapagpabaliw sa'kin" KINABUKASAN tanghali na ng magising kami. Agad kaming naligo at bumaba para makakain na muna. Everyone is busy decorating the whole venue. Matapos naming mananghalian kanya-kanya na kaming tungo sa aming cottage para maayusan. Magkahiwalay ang mga lalake at babae ng cottage kaya nagpabebe na muna ako sa baby kong naiiling sa akin na hinatid pa ako ng cottage. "Dito ka muna, baby" ungot kong ikinatawa nito na pilit na akong pinapapasok ng cottage para makapagbihis at maayusan. "Pares naman tayo, ano ka ba? Sige na pasok na. Dyan lang ako sa kabila" napanguso akong ikinailing nito at napalinga-linga pa sa paligid bago mabilis nag-smack-kiss sa mga labi kong ikinakutitap ng mga mata ko!! Parang lumukso ang puso kong nagtatampo sa sulok sa paghalik nito kahit mabilisan lang at pinamumulaan pa!! "Isa pa baby" "Zel naman" "Sige na, isa na lang baby" muli itong napalinga bago nag-smack-kiss sa akin kaya hinila ko ito sa batok at mas pinalalim ang halikan naming ikinatigil nito na napapisil sa baywang ko. Pilit pa nitong inilalayo ang mukha sa panglalaplap ko dito na 'di makasabay! "Pambihira ka talaga Del Prado! Nahiya naman ang bride at groom sa pangtutuka mo kay Isidro!" napabitaw kami ni Cedric sa malalim naming paghahalikan dito sa may pinto ng cottage sa biglang pagsulpot ng mga kaibigan kong naiiling sa akin. Napapayuko tuloy ang baby kong pinamumulaan! Napapangisi akong tinaasan ng kilay ang mga itong sabay-sabay akong binatukan at pinagkaisahan ng binuhat papasok. "See you later baby! I will miss you!" pahabol ko pa kay Cedric na nakangiting nag-wave sa akin sa may pinto bago pumihit patungo sa cottage nila. "Ouch!! Mabobobo naman ako!" angil ko ng muli nila akong batukan sabay-sabay! Nagtawanan pa ang mga ito sa aking kakamot-kamot ng batok na napapanguso. "Baliw ka talaga, si Cedric na ang nahihiya sa kahalayan mo" naiiling saad ni Naeya na nginisian at inakbayan ko na pasimple ko ring binatukang ikinatawa nito. "Baka mas malala ka pa kapag na-inlove ka rin Almonte" napailing naman ito. Naupo na kami sa nakahilerang anim na single couch dito at nagsimulang inayusan ng mga professional makeup artist na ni-hire nila Lira para ayusan kami. Mag-aalastres na ng mabihisan kaming lahat at nagtungo sa dalampasigan. Agad akong lumapit kay Cedric ng makita ko itong palinga-linga. Napakakisig at gwapo nito sa white tuxedong suot dinaig pa ang groom ni Buenavista! Bakas ang kabiglaan at paghanga sa gwapong mukha nito pagkakita sa akin na napanganga at nangutitap ang mga mata. "You absolutely looks like a Goddess Zel" bulong nitong ikinatikom ng bibig ko at impit napairit na pinamumulaan ng pisngi sa compliment nitong kay sarap ulit-ulitin i-replay sa utak ko! "And you look like a goddamn Greek God baby, damn we're really fits for each other. Magpakasal na rin kaya tayo" namula itong yumapos sa baywang ko ng mangunyapit na ako sa batok nito. Parang kami tuloy ang ikakasal dahil sa kalambingan at ka-sweetan namin sa isa't-isa! Dinaig pa namin ang bride at groom! "Puro ka kalokohan" "Pero gusto mo?" tudyo ko na matamang nakatitig dito. Pinamulaan itong napatango at pigil-pigil ang ngiting ikinairit kong muli at sumubsob sa leeg nito. Napapapadyak pa ako ng paa sa buhanginan dahil sa pagpapakilig nitong ikinakikibot maging pearlyshell kong birhen pa f*ck!! Napabungisngis pa itong yumakap din na pinaghahalikan ako sa ulong lalong ikinapipilipit ng puso ko sa ribcage nito! Sobrang bilis ng t***k ng puso ko na parang kakapusin na ako ng hangin! "Tara na nga" pag-akay nito ng tawagin na kami ng wedding coordinator na mga abay! Magkayakap kaming naglakad palapit sa dadausan ng kasal ni Lira dito sa dalampasingan. Papalubog na rin ang araw na kay sarap pagmasdan kaya nagkulay kahel dito sa kinaroroonan namin! Sana kami na lang ng baby ko ang ikakasal! Nagmistulang marangyang hardin ang dalampasigan sa nagkalat na iba ibang klaseng bulaklak imported from Europe. May mini stage din sa harapan na may itinayo pang arko na puno ng nagkukumpulang pink and white roses! Magkatabi kami ni Cedric na nakaakbay pa sa akin habang nakasandal ako sa balikat nito at panay ang halik sa ulo kong ikinangingiti ko. Ramdam ko naman ang mga pares ng matang nakatitig sa amin ng baby ko at kahit hindi ko lingunin ay alam na alam ko kung sino ito kaya hindi ko lamang pinapansin. Ayo'kong masira ang romantic moment namin ng baby ko na magkayakap dito sa romantic na lugar. Hiyawan kaming magkakaibigan ng ianunsyo na ang katagang I NOW PRONOUNCE YOU HUSBAND AND WIFE, YOU MAY NOW KISS YOUR BRIDE ng nangkakasal nils Lira at Adrian. "Whohh!! Go Buenavista, iinggitin mo kami" sigaw ng baliw na si Irish na umani ng tawanan sa lahat maging si Lira at Adrian na kitang nagkakahiyaan pa. matapos ang kasal tumuloy na kami sa venue sa loob ng hotel. Naiiling na lamang ako ng tinotoo nga ni Buenavista ang pang-iinggit sa aming audience nila sa uri ng lalim at tagal ng panghahalik nito kay Adrian habang pinapalakpakan namin sila na naghihiyawan! "Baby" pagtawag ko kay Cedric na nangingiti ding nakamata sa dalawa sa stage na sarap na sarap namang magtukaan! Parang hindi tuloy arrange marriage lang ang naganap! "Hmm?" napalingon ito pero sa harap pa rin nakatingin kaya hinawakan ko ito sa kabilaang pisngi na mariing siniil sa kanyang mga labing ikinatigil at higpit ng hawak nito sa baywang ko. Napangiti ako ng unti-unti na itong tumugon na lalo kong ikinaganang mas pinalalim ang kahalikan namin. Kung hindi pa ako binatukan ng baliw na si Naeya ay 'di ko pa bibitawan ang mga labi ng baby kong katulad ko'y nanlalamlam na ang mga matang natatangay na rin sa bugso ng damdamin namin sa isa't-isa. "Panira ka talaga" mahinang asik ko ditong napangisi at iling. "Kahit kailan ka talaga" natawa na rin akong inakbayan ito kasama si Cedric at sabay ng nagtungo sa venue sa loob ng hotel. NAGHARI ANG hiyawan ng masalo ko ang bouquet at si Cedric sa garter kaya nakabibinging tilian ang naghari ng sayawan na ako ni Cedric at unti-unting sinuot sa hita ko ang garter na hinubsd ni Adrian mula kay Lira! Kagatlabi akong nakatitig ng malagkit dito habang sinusuot nito iyon sa akin na hindi makatingin sa mga mata ko. Bakas ang hiya at kaba sa gwapong mukha nitong pinagpapawisan at pinamumulaan. Lalong naghiyawan ang paligid ng matapos nitong isuot sa akin iyon ay hinila ko ito sa batok at siniil ko ng mapang-angking halik sa mga labi nitong ikinabigla nito! Napangiti ako ng kalauna'y yumapos din ito sa baywang ko at tinugon ang halik ko. "I Love You" "I Love You" napangiti ako sa panabay naming anas habang magkadikit ang noo at matamang nakatitig sa isa't-isa na nagniningning ang mga mata at may matamis na ngiting nakasilay sa aming mga labi! Third person pov especial chapter: NAPAKUYOM NG kamao si Louis sa mga kaganapan. Kagabi pa siya selos na selos sa kasweetan ni Liezel sa boyfriend nito bagay na di naman niya gawain nung sila pa kahit ang magpahalik sa kanya sa kanyang mga labi! Sising-sisi itong nakipaghiwalay sa dalaga sa pag-aakalang susuyuin siya nito pero....lalo pa yatang natuwa at ngayo'y masayang-masaya na ito sa lalakeng ipinalit sa kanya na isa lamang hampaslupang nakatira sa iskwater at isa lang scholar kaya nakakapasok sa katabi ng university nila! Pakiramdam niya ay naapakan ang ego niya ng isang hamak na waiter at suma-sideline pang macho dancer sa mga shower party! Nanggagalaiti ito sa inis ng mapagtantong ito ang lalaking nasa video na hinalikan ng kasintahan kaya siya nakipaghiwalay! Buong akala niya ay magseselos at maghahabol ito kung papatulan niya ang barkada nito but he's wrong. Napangisi ito ng makitang nagtungo ang binata sa restroom kaya agad sinundan at nilock ang pinto. Napasandal pa ito ng countertop ng lababo at ngising aso itong nagpamulsa habang hinihintay ang binata na lumabas sa cubicle na pinasukan nito. Bakas ang gulat sa mukha ni Cedric ng mabungaran itong naghihintay sa kanya paglabas ng cubicle. "Breakup and leave her alone. I'm giving you 24hours to enjoy your last minute with her" madiin nitong saad. "And if not?" napatiim bagang ito sa tapang nitong sumagot. "I'll exposed your video while dancing with her in that f*cking shower party a month ago" pangba-blockmail nito sa binatang napailing at kibitbalikat pa habang naghuhugas ng kamay. Cedric smirk at him that makes him more anger and annoyed. "Gawin mo, hindi ko ikakasira 'yun. Marangal ang ginawa ko" palabang sagot nito na matapang sinalubong ang mga mata nitong nanlilisik dito. Akmang aalis na ito ng muli itong magsalita. "Yeah you're right, hindi mo 'yun ikakasira pero si Liezel? I don't think so. Ikakasira niya 'yun in public, huhusgaan at babatikusin siya ng mga tao lalo ng mga fans niya higit sa lahat.....? Malaking scandal 'yun sa pamilya nila. Magmamatigas kapa ba?" napalunok ito at napakuyom ng kamao na lalo niyang ikinadiwang. "24 hours Cedric" anito at binunggo sa balikat ang binata bago lumabas ng restroom ng nakangising aso. "Wait for me Liezel, your only mine. I'm going to get you back baby, by hook or by crook I swear" he whispered.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD