Nagulat ako ng may bumuhat sa akin mula sa kama ko. Ang tauhan pala ni dad. Ibinaba niya ako sa isang upuan kaharap ang malaking salamin. "D'yan ka lang, may pupunta rito para makeup-an ka at magdadala ng gown mo. Alam mo naman na ngayon ang kasal mo sa dalawang magkapatid na mafia boss." Hindi ako sumagot, tumango lang ako. Hindi ko alam kung paano ko dadalhin ang lungkot na dinadala ko. Ang alam ko lang ay gusto ko na lang na maglaho. Hindi ko talaga akalain na gagawin akong laruan ni dad. Dumating na ang magme-makeup sa akin na babae. Mayroon din siyang dala na malaking box. "Madam, I'm a filipino makeup artist. Ang box po na ito ay ang gown niyo. Masaya po ba kayo, madam?" "Paano ako magiging masaya kung forced marriage ang tawag sa kasal ko?" prangka kong tanong. "G-gano'n