Naka-schedule ako kay Zerho ngayong gabi. Siya ay nasa kama lang habang nagpapahinga dahil kahapon ay nabaril siya sa tagiliran. Ako ay nakaharap sa laptop. Hinihintay ko ang mag-i-interview sa akin. Pagkalingon ko sa likod ko ay nakita ko si Zerho. Mayroon siyang black mask kaya nagulat ako kaya ako'y napasigaw at napatalon. "Gulat na gulat ka, ah? Hindi ka ba nag-i-skin care?" "Ang taray mo, ah. Oo hindi, tinatamad kasi ako." "Gano'n? Ako ay hindi. Alam mo na, kapag guwapo ay dapat lang na ingatan ang skin ng face." "Oo na. Ano bang ginagawa mo rito? Baka makita ka pa ng mag-i-interview sa akin. Baka matakot." "Magpapakilala ako as husband mo na mafia boss." "Zerho! Hindi ka pa okay, 'di ba? Matulog ka na. Tatabi na lang ako sa 'yo mamaya." "Okay, Luriana. Ayaw mo bang maglag