Literal na tanghali na bumangon si Dameil at nagising sa kanyang mahimbing na pagtulog. Tirik na tirik ang araw sa kalangitan na nasa kalahati na ang araw na iyon. Ala una na ng tanghali, iyon ang sabi ng mga kamay ng orasan na patuloy pa rin sa kanyang pag-ikot na nakasabit sa dingding. Magkatulong na nagliligpit ng kanilang pinagkainan si Grezia at ang Lolo niya na kakatapos pa lang kumain ng mga sandaling iyon, iniintay nilang magising sana si Dameil at sumabay sa kanila. Wala sa sariling inayos ni Dameil ang magulo niyang buhok gamit ang kanyang palad, marahan niya pang dinilaan ang kanyang labi na bahagyang nanuyo doon. Bigla na lamang siyang na-conscious sa kanyang sarili. Marahan siyang sumandal sa may gilid ng pintuan habang patuloy pa rin niyang pinagmamasdan sa ginagawa ang Lolo