Pumasok ulit ang anim na nurse, tumingin ito sa aking at mukhang galit ang itsura nito. "Hoy! Ikaw bakit hindi mo ito kinain, nagsasayang ka nangpagkain, ahh," galit na turan sa isang nurse na mahaba ang buhok. Agad na lumapit ito sa akin at hinila ako sa buhok. "Bakit mo ako sinasaktan? Isusumbong kita sa mommy ko!" sigaw ko habang umiiyak. "Tanga ka ba? Wala ka nang magulang kaya nga rito na kayo dilana at dito na rin kayo mamamatay!" bulalas nito sabay tulak sa akin nang malakas. "Ano'ng gagawin natin sa isang ito, hindi kinain ang pagkain, nagpakahirap tayong dahil ang pagkain dito tapos hindi na naman pala kakainin," wika ng babaeng humila sa buhok ko. Lumapit pa sa akin ang dalawang nurse at hinila ako sa pulsuhan at ipinasok sa loob ng banyo, dinala ako sa malaking drum na puno