Inumpisahan ko na itong subuan, magana naman itong kumain, dahil naubos lahat ang laman nang plato, pinainom ko rin ito ng tubig, kahit naman kaya na nitong uminom mag-isa ay ako pa rin talaga ang nagpainom dito. Parang bata talaga ito, pagkatapos kumain ay iniligpit ko ang pinagkainin nito, ako na rin ang nagdala sa ibaba. Kumain na rin ako bago umakyat muli sa kwarto baka kasi meron itong ipag-uutos sa akin, itatanong ko rin kung saan ang magiging silid ko. "Sir King, itatanong ko lamang sana kung saan ang magiging silid ko?" "Dito ang magiging silid mo. Saan mo pa gustong matulog?" asik nito sa akin. Alanganin akong ngumiti rito. "Sir, iisang kama lang naman po ang nandito. Saan ako rito mahihiga?" tanong ko. "Simpre rito sa kama ko. Bakit ayaw mo akong katabi? Ikaw lang ata ang b