Tahimik akong nakatingin sa karagatan, napaka aliwalas ng paligid at parang ang sarap maligo lalo at malinaw ang tubig. "Ate Key, maraming salamat dahil kahit hindi mo ako lubusang kilala ay tinanggap mo pa rin ako at itinuring na parang kapatid," wika ni Casandra. Ngumiti ako rito. "Mas maswerte ako dahil meron na akong matatawag na pamilya," pahayag ko. "Thank you Ate Key," wika nito at yumakap sa akin. Napangiti ako rito at hinaplos ko ang buhok nito, bumitaw ako rito upang pumasok sa loob ng silid para kuhanin ang cellphone ko, baka kasi tumawag ang isa sa pinagkakatiwalaan kong mga tao. Papasok muna ako sa kwarto, ha. Kukunin ko lang 'yung cellphone ko," paalam ko rito. "Sige ate," tugon nito. Pumasok ako sa silid nitong yate, sinarado ko ang pinto, pagharap ko upang hanapin an