Nagising akong wala kahit isang saplot sa katawan, tumingin ako sa paligid upang hanapin si King, na saan kaya ang lalaking 'yun? Bumangon na ako upang magbihis, ginahasa pa yata ako ng pasaway na lalaking 'yun, ahh, ang sarap sampalin sa mukha, sana lang ay walang King akong makita at nang makauwi muna ako. Lumabas akong silid pansin kong tahimik ang buong bahay kaya pagkakataon ko na ito para makauwi sa bahay ko. "Ma'am Key, saan ka po pupunta?" tanong sa aking ni manong guard. "Diyan lang po meron lang akong bibilhin Manong, tsaka na saan po ba si King?" tanong ko rito. Nagmamadali pong umalis kanina si boss," sagot nito. "Ay ganoon po ba? Tingin mo po babalik ba agad si King?" tanong ko. "Hindi ko po alam kong makakabalik agad siya, mukhang galit po kasi kanina," wika nito. T