Ngumisi lamang ako sa mga sinabi nito, dahil masyado itong mayabang magsalita, umiling na lang ako, nakita kong naglabas ito ng kutsilyo at malademonyong ngumisi sa akin. "Tingnan natin ang tapang mo babae," wika nito at mabilis ulit sumugod sa akin, nakatingin lamang ako rito, habang papalapit sa akin. At nang saktong paglapit sa harap ko ay mabilis akong yumuko at isang ubod lakas na suntok ang binigay ko sa tagiliran nito. "Peste kang babae ka!" sigaw nito, habang nakangiwi ang mukha nitong nakatingin sa akin. Ngumisi lang ako rito. Papasugod itong muli sa akin at nakita kong sasaksakin ako sa braso kaya umiwas ako sabay suntok sa braso nito kaya nabitawan ang hawak na kutsilyo. "Pagbabayaran mo ang ginawa mong ito! Papatayain kita peste ka!" sigaqbw nito at sumugod ulit sa akin upa