"Ma'am Key, ano po ang nangyari sa 'yo?" gulat na tanong sa akin ni Manang Lyda. Tumingin ako rito. "Bakit Manang ano po bang itsura ko? Ako pa rin naman ito, siguro'y kailangan ko lang matulog at kumain ng tama," pahayag ko rito. Nakakain at nakaligo na ako kailangan ko na lang matulog ng ilang araw para naman bumalik ang ganda ko. Pakiramdam ko kasi ay ang pangit-pangit ko na. Kaya paglapat pa lamang ng likod ko sa kama ay nilamon na agad ako ng antok, dahil na rin sa pagod kong katawan. Sure akong ilang-araw akong nakahiga rito sa kama. Nagising ako sa nag-iingay kong cellphone, agad ko naman sinagot ito at baka si boss Zach ang tumatawag sa akin. Hindi nga ako nagkamali ng hinala. "Boss," namamalat pa ang tinig ko ng sagutin ko ang phone. "Ano'ng araw ni Agent Key? Limang araw n