Alas-otso ng gabi at tahimik akong naglalakad papasok sa isang barko, tanging ingay ng mga tao at tunog ng barko ang aking naririnig sa paligid. Sinalibong ko ang mga taong papalabas upang hanapin ang truck na naglalaman ng mga babae, ngumisi ako nang makita ko ang kulay blue na truck, ito kasi ang sinabing kulay ni Mr Chan na kulay blue raw. Nasa huling-huli ito kaya madali lang sa akin ang maka-akyat sa bubong ng truck, sumilip ako sa loob at nakita kong dalawang tao lang ang nandoon. Mabilis akong lumusot sa bintana upang makapasok sa loob, nagulat pa ang mga ito, nang makitang nakaupo na ako sa ginta ng dalawang lalaki. Umigkas ang mga kamao ko, patungo sa driver at isang kamao ko patungo sa isang lalaki, sinipa ko ang driver at mabilis ko rin hinawakan ang ulo ng isang lalaki saba