Chapter 5

1102 Words
Ang sinasabi ni mommy kakausapin kami ni Marco ay hindi nangyari dahil nag kasayahan na sila s agitna ng bulwagan kasama ang kanilang mga kaibigan nila. Hanggang sa na tapos na ang party ay hindi na kami napa sin ng mga matatanda dahil naka inom na ang mga ito. Hindi na ako nagtataka kung paano sila naging mag kaibigan dahil dinaig pa nila ang mga bata sa sobrang PDA nila at clingy sa sila. “Mom, dad, mauuna na po ako. Happy silver anniversary.” Paalam ko sa kanila ng nakaramdam na ako ng antok. "Hindi ka ba dito matutulog? May suite naman kayo dito ng kiya mo.” Pigil sa akin ni mommy. "Hindi na mom, maaga din kasi bukas ang alis ko. Alis na po ako.” paalam ko sa kanila. “Bye anak mag ingat ka ha, hindi sa kung sino kundi mag ingat ka at baka mabuntis ka kaagad ni Marco, mahirap na." Biro pa sa akin ni mommy. “Mom!" “Binibiro lang kita anak. Sige na mag ingat ka sa pagmamaneho. I love you.” aniya ng sumayin ko siya. “I will mom, I love you too, I love you daddy." Ani ko at muling yumakap sa kanila. “Aalis ka na ba? Ihahatid na kita sa condo mo." Saad ni Marco na bigla na lang sumulpot sa tabi ko at hindi ang bewang ko. Wala talaga siyang hiya at pakialam kahit na nasa harap kami ng mga magulang namin basta makalapit lang siya sa akin at maka chansing. “No need na Marco, kaya ko naman mag maneho mag isa." Sagot ko sa kanya. " Anak mag pahatid ka na kay Marco, isa pa gabi na at marami na ang mga loko loko sa daan." Ani naman ni daddy. “Pero dad malapit lang naman ang condo ko dito kaya hindi niya na ako kailangan pa na ihatid." Saad ko at kinuha na ang bag ko. Ewan ko ba kay daddy kung bakit gustong gusto niya si Marco eh isa rin naman itong dakilang babaero. “Dapat lang na ihatid ka niya dahil boyfriend mo siya, ano pa ang silbi at naging kayo kung pababayaan ka niya. Sige na Marco ihatid mo na ang girlfriend mo at mukhang nag may pinag awayan na naman kayo. Sana habaan mo ang pasensya mo sa anak ko Marco alam mo naman na masyadong mataas ang pride niyan kaya ikaw na sana ang bahala na mag pasensya sa kanya." Ani pa ni daddy sabay tapik sa balikat ni Marco. Pinaikot ko ang mata ko at nauna ng lumakad sa kanila. “Opo tito, ako na po bahala sa kanya. Nabitin po kasi sa halik yon kanina." Narinig ko ang sagot ni Marco kay daddy. “Sige po tito hatid ko na po siya. Mukhang malala ang tampo niya sa akin.” Dugtong pa niya at nag habol na sa akin. " Hindi mo na ako kailangan ihatid dahil may dadaanan pa ako.” Ani ko sa kanya ng hahawakan niya sana ang kamay ko. “Bakit saan ka ba pupunta at doon na lang kita ihatid.” Aniya sa akin na hinuli ang kamay ko pero agad ko iyon piniksi. " Sinabi ni tito dapat ay ihatid kita dahil mula ngayon ay responsibilidad na kita.” aniya na muling hinuli ang kamay ko kaya naaptigil amo sa paghakbang. “Hindi mo ako responsibilidad Marco dahil hindi naman tayo. Walang tayo kaya wag kang mag ilusyon o magkunwari na akala mo ay totoong boyfriend ko.” Mariin na saad ko at tumingin sa kanya. "Paano kung sabihin ko na mula ngayon ay tayo na at hindi ka na makakawala pa sa akin may magagawa ka pa ba?”matapang na sagot niya sa akin. " Alam mo Marco hindi kita maintindihan. Marami ka namang kilala na babae na mas maganda sa akin at kasing edad pero bakit ako pa?” Inis na tanong ko. Ano ba talaga ang nakita niya sa akin? Ang dami naman ng babae ang nag daad sa buhay niya pero bakit kailangan na ako pa ang gulihin niya. “Dahil nasa tiyan ka pa lang tita ay minarkahan na kita ma magiging akin ka." Sagot niya ta hinila ako pero nanatili pa rin ako nakatayo at hindi umalis sa kinatatayuan ko. “Marco hindi ako nakikipag biruan sayo. Look kung gusto mo ng mga mas bata sayo ipapakilala kita sa mga kaibigan ko na mas maganda pa sa akin basta tigilan mo na ako. Hindi ka pa ba napapagod kasi ako pagod na pagod na ako sa bangayan natin na dalawa. Nakakapagod na Marco dahil araw araw na lang ganito tayo. Kaya please lang tigilan na natin to.” Ani ko sa kanya. Dahil sa totoo lang nakakapagod na ang umiwas sa kanya at makipag talo. “Ako rin Marga, pagod na pagod na rin ako kakahabol sayo. Sa totoo lang gusto na rin kuya sukuan kaya sana bago pa ako sumuko ay makita mo ako diyan at wala na rin siya diyan. Mahal kita alam mo naman yon hindi ba dahil hindi ko tinago sayo yun kung gaano kita kamahal at kung gaano ako nagpaka baliw sayo.” seryoso na saad niya sa akin. “Marco–” " Mahal kita Marga, kaya sana makita mo rin ako diyan.” Nang sabihin niya yon ay bumilis ang t***k ng puso ko at may kung anong gumapang doon.. Alam ko naman na may nararamdaman siya akin pero iba pa rin pala. talaga kapag narinig mo sa kanya ang salita na yon sa kanya. "Halika ka na at ihahatid kita sa kung saan mo gustong pumunta at sasamahan kita." aniya na hinila ako papasok sa kotse niya. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . HELLO PO BAKA GUSTO NIYO PO BASAHIN ANG HOT SECRETARY SERIES. "MY HOT NERD SECRETARY" SERIES 1 "PAGSALUHAN ANG INIT" SERIES 2 "MY AMNESIAC SECRETARY IS MY WIFE." SERIES 3. THANK YOU PO. SANA PO AY MAGUSTUHAN NIYO DIN PO ITONG KWENTO NG ANAK NI MARY JOY AT JEFF. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . "LUCKY IN LOVE WITH MY BEST FRIEND" "MY FATHER'S HOT MISTRESS" " ALAB" SEBASTIAN GIL MONTENEGRO. "MY LUSTFUL LOVE" FINN DANIEL ELLISON
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD