Chapter 2

1012 Words
“Where are you?" Tanong sa akin ni daddy. Silver anniversary nila ni mommy ngayon may hinanda na surprise si kuya sa kanila. Syempre imbitado din ang lahat na kaibigan nila pati na ang mga kamag anak namin. “Papunta na po dad. May dinaanan lang po ako." Sagot ko. Dumaan pa kasi ako sa isang mall para mag paayos at bumili sa kanila ng regalo. Hindi ko alam kung ano ang magandang iregalo sa kanila dahil kung tutuusin ay kaya naman ibigay ni daddy ang lahat kay mommy. Pero syempre iba pa rin kasi pag galing sa amin na mga anak nila. “Okay, wag kang mag papalate okay, alam mo naman ang mommy mo nagiging matampuhin na.” Malambing pa nasabi niya. " Yes dad, patapos na naman na po ako dito, saka 8 pa naman start ng party at 6 pm pa lang.” Sagot ko, tapos na rin kasi akong ayusan ng bakla. Dadaan na lang ako sa isang jewel store para bilhan sila ng couples bracelets. Ayaw ko sa kwintas at singsing dahil parehong meron na sila kaya bracelet ang naisip ko na iregalo sa kanila. “Hi miss, pwede ko bang matingnan ang couples bracelet na yan.” Turo ko sa dalawang gold bracelet. “Maganda po ito ma'am, pwede niyo po ipa-ukit ang pangalan mo at pangalan ng boyfriend niyo po habang naka dugtong dito sa guhit ng puso. Kumbaga konektado pa rin kayo ng boyfriend mo kahit na malayo siya sayo, basta suot lang niya bracelet na to.” nakangiti na sabi sa akin ng sales lady. “Pwede ba na dito siya sa shop niyo lagyan ng name?" Tanong ko sa kanya. " Yes, ma'am.” " Mga ilang minuto bago matapos ang pagpapa ukit ng name?” “It takes 5 minutes ma'am bawat name at depende din po sa haba ng pangalan.” Sagot naman niya sa akin. " Okay, my mom's name is Mary Joy and my dad's name is Jeffrey. Makakaya, kaya’ sila ng 10 minutes na dalawa?” Seryoso na tanong ko dito. “Ah, para po pala sa parents nyo ma'am, ang sweet niyo naman pong anak.” " Hmm, hindi naman nagkataon na silver anniversary nila at wala akong ibang maisip na pwedeng iregalo sa kanila. Balik tayo sa usapan kaya ba maukit ang name nina, mommy at daddy in just 10 minutes?” muling tanong ko sa kanya. “Ah, yes ma'am, makakaya po. Isulat niyo na lang po ang name ng daddy at mommy niyo dito para maibibigay ko na po sa magtataktak ng name ng mommy at daddy mo.” ibinigay niya sa akin ang maliit na papel at ballpen. Agad ko naman sinulat ang pangalan ni mommy at daddy sa papel at binigay sa kanya. Nang matapos na ang pag ukit ng pangalan ni mommy at daddy sa bracelet ay agad na akong lumabas ng mall at pumasok sa sasakyan ko. Dumaan na din muna ako sa isang flower shop para bilhan ng bulaklak si mommy. Para sa kanila ang araw nato kaya naman na dapat ay maging espesyal ang lahat na bagay ngayon para sa kanilang dalawa. Nang makarating ako sa Monticello hotel kung saan gaganapin ang 25th anniversary nila ay agad ko nang pinarada ang sasakyan ko at bumaba. “Marga!” Pinaikot ko ang mata ko ng mabosesan ko ang tumawag sa pangalan ko. “Wait Marga, sabay na tayong pumasok sa loob ng hotel kararating ko lang din kasi.” saad niya sa akin pero inirapan ko siya. Sino ang lolokohin niya na kararating lang niya? Ang sabihin niya binantayan na naman niya ako para lang sirain ang gabi ko. “Marga!" Tumigil ako at humarap sa kanya. “What? Ano na naman ba ang kailangan mo sa akin ha?" Inis na sabi ko sa kanya. “Ikaw, ikaw ang kailangan ko, mai ibigay mo na ba ang sarili mo sa akin?" Aniya na mas lalong kinakulo ng dugo ko. “Pwede ba Marco, wag mo sirain ang gabi ko dahil lang sa mga hirit mo. Ayaw ko na humarap pangit dahil lang sa kakagawan mo." Bulyaw ko sa kanya. " Sorry sweetie, pero mas gusto ko na nagagalit ka dahil lalong lumalabas ang angkin mong ganda.” Sabi niya sabay kindat sa akin. “Haha nakakatawa, kinilig ako. Baduy!" Pang uuyam ko sa kanya at tinalikuran na siya. " Sige, pa-uunahin kita, kaya bilisan mo ang maglakad ha, dahil kapag naabotan kita ay hahalikan kita.” Bigla akong tumigil sa paglalakad at humarap sa kanya at tinignan siya ng masama. “Subukan mo lang at babayagan kita." Ani ko at muli nang nah lakad palayo sa kanya. “ Then try me, tingnan natin kung hindi ka na naman nakatulala sa akin kapag natikman mo muli ang labi ko.” naiiling na hindi ko na siya pina din at napa sapo sa akin. Binilisan ko din ang lakad ko para hindi niya ako naabutan at baka totohanin niya ang banta nya sa akin, kaya naman mabilos akong pumasok sa hotel at hindi na nilingon si Marco kahit alwm ko na naka sunod siya sa akin. Pag pasok ko sa venue marami na ang bisita na na doon, agad hinanap ng mata ko si mommy at daddy at nakita ko sila sa badang dulo kasam ang mga kaibigan nila kaya napangiti ako na pumunta sa mesa nila. "Mom, dad, happy 25 wedding anniversary. masaya kong sabi sa kanila at lumapit oara halikan sila sa pisngi binigay ko kay mommy ang bulaklak at yumakap sa kanya. "Thanks you anak." masayang sabi ni mommy sa akin at gumanti ng yakap sa akin. "Oh, magkasama kayo ni Marco?" tanong ni daddy at tumingin kay Marco. Akmang magsasalita na ako ng akbayan ako ni Marco. "Opo tito magkasama po kami." sagot niya kay daddy. Inis na tinaggal ko ang kamay niya sa balikat ko. "No, dad, hindi kami mag kasama na dalawa kaya wag kayo maniwala sa sinungaling nalalaking yan." saad ko at tinignan siya ng masama pero gumisi lang siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD