SECRET DESIRE SERIES #2 The Seductress Maid

SECRET DESIRE SERIES #2 The Seductress Maid

book_age18+
64
FOLLOW
1K
READ
revenge
sex
billionairess
drama
bxg
city
poor to rich
servant
seductive
like
intro-logo
Blurb

"Kung akala mo mamahalin kita tsk 'wag kang umasa.. dahil never akong magmahal ng isang katulad mong hampas-lupa."

Paulit-ulit na bumabalik ang masakit na sinasabi sa akin nang mabayabang kong amo. Puno ng poot ang aking dibdib dahil sa kanyang sinabi.

kaya kailangan kong gumawa nang paraan para makaganti sa kanya at isa lang ang naiisip ko ang akitin at paibigin ang isang Damian Wilson.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
TSM C1 “Hoy! Bela! Tumayo ka na dyan at puntahan mo na si Aling Linda dahil ipapasok ka niya sa trabaho!” hindi ko mapigilang mapakamot sa aking ulo habang tumayo dahil sa ingay ng bunganga ni Tiya Joan. Wala naman akong magagawa kun’di ang sundin siya dahil simula no’ng nahiwalay ako sa pinsan ko at mga kababata namin ay si Tiya Joan na ang kumupkop sa akin. kaya kailangan ko talagang mag-trabaho para matulongan siya sa kanyang mga bayarin. Paano ba naman kasi puro utang na lang ang alam niya na gawain. “Ano Bella! Hindi ka pa rin ba tatayo?” ulit niya'ng sigaw kaya agad na akong bumangon. “Opo Tiya tumayo na nga po ako!” “Bilisan mo dyan! At baka hindi ka na tatanggapin sa papasukan mo!” sigaw niya habang lumabas na ako ng kwarto at lumapit sa kanya. “Kakain lang muna ako Tiya,” Ani ko habang binuksan ang kaldero. “Ano naman ang kakainin mo dyan? Eh alam mo naman na wala tayong bigas.” “Po? Bakit naman po wala Tiya, eh kabibigay ko lang po sa inyo kahapon ng pera,” “Aba! Nanunumbat ka pa? sinusumbatan mo na ba ako? baka nakalimutan mo na ako ang kumupkop sa ‘yo?” na pahinga na lang ako ng malalim habang tinakpan muli ang kaldero. Natalo na naman siguro siya sa sugal kaya wala kami ngayong pagkain. “Aalis na lang po ako Tiya,” “Aba! Mas mabuti at bumali ka agad dahil wala tayong pagkain, hindi naman pwede na ikaw lang ang mabubusog doon tapos ako rito.” “Opo Tiya,” putol ko sa kanyang sinabi dahil ayoko na na hahaba na naman ang usapan at mapunta ito kung saan-saan. Lumabas ako ng bahay habang kumakalam ang aking sikmura dahil sa gutom, dagdag pa na madaling araw na ako nakauwi kagabi dahil tumulong ako sa pagtitinda kay Aling Linda. Naawa rin kasi siya sa akin kaya ipasok niya ako sa pinapasukan ng kapatid niya, dahil naghahanap daw ito ng katulong. “Aling Linda,” Tawag ko rito habang kumakatok sa kanilang pinto. “Oh, Bella mabuti naman at nandito ka na, akala ko pa naman tulog ka pa, halika pumasok ka,” “Salamat po Aling Linda, opo ginising po kasi ako ni Tiya,” “Ganun ba, mag-almusal ka muna,” Aya niya sa akin habang pinaghila niya ako ng upuan. Hindi na rin ako tatanggi pa dahil gutom din ako. “Salamat po Aling Linda,” “Naku Bella, ako nga dapat ang magpasalamat sa ‘yo dahil sa pagtulong mo sa akin sa tindahan,” “Ayo slang po ‘yon, Aling Linda,” “Oh siya, kumain ka na para maka-alis na tayo,” Tumango naman ako sa kanya habang nag-umpisa na rin akong kumain. Hindi ko mapigilang mapahanga sa mga nakikita ko sa paligid habang sakay kami ng tricycle. Ang ganda kasi ng mga bahay na nadadaanan namin. “Bumaba ka na Bella, andito na tayo,” Napatingala naman ako sa malaking gate na hinintuan namin. “Ito na po ba ‘yon Aling Linda?” “Oo Bella, dito namamasukan ang aking kapatid, aalis na kasi siya kaya ikaw ang ipapalit ko, ‘wag kang mag-alala Bella, mabait naman ang mga amo ng kapatid ko,” mahabang wika niya habang lumapit sa amin ang guard. “Ano po ‘yong kailangan niyo?” “Ako pala si Linda kapatid ako ni Lani,” “Kayo po pala, kanina pa po kayo hinihintay ni Madam,” hindi ko naman mapigilang mainis dahil sa tingin sa akin ng guard. Lihim ko namang tinakpan ang aking dibdib dahil dito agad dumapo ang kanyang mga mata. tsk ang sarap lang talaga tusukin ng mga mata niya nakakabastos kasi. “Bella, Hija halika na,” Agad akong sumunod kay Aling Linda at hindi na muli pang tiningnan ang guard. Nakakainis kasi talaga siya. “Linda, mabuti at nandito na kayo, kanina pa kayo hinihintay ni Madam,” wika sa amin ng babaeng sumalubong sa amin. “Bella, siya nga pala ang kapatid ko, si Lani,” pakilala naman sa akin ni Aling Linda sa kaharap namin, kaya pala magkamukha sila. “Ito pala ang sinasabi mo, Linda? Ang gandang bata naman nito,” nahihiya naman ako sa sinabi ni Aling Lani sa akin. ilan na rin kasi ang nagsabi sa akin na maganda ako at maganda raw ang hubog ng aking katawan, pero hindi ko na lang sila pinapansin. “Naku, salamat po,” nahihiya ko namang sagot sa kanya. “Oh siya sige, pumasok na tayo at kanina pa naghihintay sa atin si Madam, nagyon din kasi ang alis ko,” Napatingin naman ako dahil sa kanyang sinabi. “Naku Bella, ‘wag kang mag-alala mabait naman sila rito, isa pa may mga kasama ka naman at sila ang magtuturo sa ‘yo, kailangan ko na kasing umuwi sa amin at ikakasal na ang anak ko,” Tanging tango naman ang sagot ko kay Aling Lani. “Madam, narito na po si Bella ang papalit sa akin,” hindi naman ako makatingin sa babae na nakaupo sa magarang sofa. Sa tingin ko nasa fifty pa lang ito, at napakaganda ng kanyang mukha kahit na nakasimangot ito at mukhang maldita. “Ilang taon ka na?” Napayuko ako at hindi mapigilang laruin ang aking mga daliri dahil sa kaba na aking nararamdaman. “T-twenty na po Madam,” utal ko namang sagot sa kanya. Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya habang ramdam ko ang kanyang mga titig sa akin. “Sige, pakidala na siya sa maids quarter,” Napa-angat ako ng tingin dahil sa sinabi niya, dahil hindi ko alam na ngayon na agad ako mag-umpisa wala pa naman akong dalang kahit isang damit. “M-Madam, h-hindi po ba pwede na bukas na lang po ako mag-uumpisa dahil wala po kasi akong dalang gamit,” “Hindi na kailangan, marami namang mga damit dito isa pa hindi ka naman lalabas dahil dito ka lang sa loob nang mansion.” hindi ko mapigilang maguluhan dahil sa kanyang sinabi. Paano’ng hindi makalabas? “Isa pa, ‘wag ka na mag-alala naibigay ko na sa Tiya mo ang sahod mo rito para sa isang taon,” agad namilog ang aking mga mata dahil sa sinabi ni Madam sa akin. “P-po?” utal kong sambit habang nakatingin ako kay Aling Linda. Na nagkibit balikat lamang. “Bella, pumunta kasi rito ang Tiya mo at kinuha na ang sahod mo sa isang taon,” hindi ko naman mapigilang napaluha dahil sa sinabi sa akin ni Aling Lani. “Sige na Lani, dalhin mo na si Bella sa servants quarter,” “Opo Madam,” “Halika na Bella,” Niyakap naman ako ni Aling Linda bago ako tumalikod sa kanila. minsan gusto ko na ring sumbatan si Tiya ngunit hindi ko ‘yon magawa sa tuwing pinapa-alala niya sa akin na siya ang kumupkop sa akin mula noong nalunod kami ng pinsan ko at mga kababata namin. Kung hindi lang siguro nangyari ‘yon siguro hindi ganito ang buhay ko ngayon. “Hey!” Napalingon ako nang marinig ko ang isang baritonong boses. “Sir Damian,” wika ni Aling Lani sa lalaki na papalapit sa amin. Hindi ko naman mapigilang mamula ang aking mga pisngi habang papalapit ito sa amin. Ang gwapo niya kasi at ang laki pa ng katawan, para siyang isang sikat na Hollywood star. “Ho’s this?” Agad akong nagyuko nang ituro niya ako. “Ahh siya po si Bella Sir, siya po ang bagong katulong,” “Kilala mo ba ‘to? baka magnanakaw ‘to?” biglang nawala ang nararamdaman kong paghanga sa kanya dahil sa aking narinig. Ganito pala talaga ang mga mayayaman ang tingin lang sa aming mahihirap ay magnanakaw. “’Wag po kayong mag-alala Sir, kahit naman po mahirap lang ako hindi po ako magnanakaw.” Napansin ko naman ang pagdilim ng kanyang mukha habang nilapitan ako. “Tsk, ang tapang mo naman,” aniya habang ngumisi sa akin. pinili ko na lang ang hindi sumagot at hayaan siyang tingnan ako. Hindi ko rin maiwasang lihim mapangiti habang tumitig siya sa aking dibdib. Tsk mapapasa ‘kin ka rin at kapag darating ang araw na ‘yon gagantihan kita. “Sir, mauna na po muna kami,” paalam naman ni Aling Lani sa kanya. Tumango naman siya kay Aling Lani at muling tumingin sa akin. hindi ko naman mapigilang mailing habang tinalikuran siya. simula ngayon akitin kita kaya humanda ka boy yabang. Hindi ko naman paigilang pangiti dahil sa aking naisip.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.6K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
21.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
160.4K
bc

His Obsession

read
99.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.8M
bc

Ang Mainit na Gabi sa Piling ni Ginoong Wild

read
8.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook